Ang Pakikitungo ni Timoteo sa mga Nakatatanda at mga Balo

Binibigyan si Timoteo ng karagdagang mga tagubilin upang higit na magtagumpay ang kanyang pagtuturo. Tinuturuan siya kung paano pakitunguhan ang mga nakatatanda, ang mga kabataang lalaki at babae, at ang mga balong tinutulungan ng iglesya sa pamamagitan ng pagkakawanggawa. Walang dapat tanggapin na wala pang animnapung taong gulang, dahil baka ang mga nakababatang babae, kung tatanggapin at pagbabawalang mag-asawa, ay tumalikod sa Kristiyanismo o magdala ng kahihiyan sa pangalang Kristiyano.

A.D. 57

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

1 Timoteo 5:1–16

1 Huwag mong pagsalitaan nang masama ang lalaking nakakatanda sa iyo. Sa halip, pangaralan mo siya na tulad sa ama. Pangaralan mo ang mga nakakabatang lalaki na parang mga kapatid. 2 Pangaralan mo ang mga nakatatandang babae na parang ina at mga nakakabatang babae na parang mga kapatid nang buong kalinisan.

3 Parangalan mo ang mga balo, ang mga tunay na balo. 4 Ngunit kung ang balo ay may mga anak o di kaya mga apo, matuto muna silang ipakita ang paggalang sa kanilang sariling sambahayan. Suklian muna nila ang kanilang mga magulang, sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon.

5 Ngunit ang tunay na balo ay naiwang nag-iisa. Nagtitiwala siya sa Diyos. Lagi siyang nananatili na may mga kahilingan at mga panalangin araw at gabi. 6 Gayunman, ang babaeng namumuhay sa kalayawan ay patay na, kahit na siya ay nabubuhay pa.

7 At ipangaral mo ang mga bagay na ito upang sila ay maging walang kapintasan. 8 Ngunit kung mayroong hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa kaniyang sariling sambahayan, itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya.

9 Itala bilang isang balo ang babaeng hindi bababa sa animnapu ang edad, asawa ng isang lalaki. 10 Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa, maging sa pag-aalaga ng mga bata, o sa pagpapatuloy ng mga taga-ibang bayan, o sa paghuhugas ng paa ng mga mananampalataya, o sa pagtulong sa mga nagdurusa, o sa pagiging tapat sa bawat mabubuting gawain.

11 Ngunit sa mga mas batang balo, tanggihan mo silang itala sa listahan. Dahil kapag sila ay bumigay sa pagnanasa ng laman laban kay Cristo ay nais nilang mag-asawa. 12 Sa pamamagitan nito, pinahihintulutan nila ang kasalanan dahil tinalikuran nila ang una nilang pangako. 13 Nasanay din silang maging tamad. Pumupunta din sila sa mga bahay-bahay. Hindi lang sila naging tamad, ngunit sila din ay naging mga mapanirang-puri at naging mapanghimasok. Sinasabi nila ang mga bagay na hindi nila dapat sabihin.

14 Kaya naman gusto ko ang mga mas batang babae na mag-asawa, manganak, upang mamahala sa tahanan, upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang kaaway na tayo ay paratangan sa paggawa ng masama. 15 Dahil may mga ilan na tuluyan nang tumalikod at napunta na kay Satanas.

16 Kung ang mananampalatayang babae ay may kamag-anak na mga balo, tulungan niya sila upang ang iglesiya ay hindi mabigatan at matulungan nito ang tunay na mga balo.

Paggalang sa mga Nakatatanda, Pag-iingat sa Pagtatalaga sa Kanila

Tinuturuan si Timoteo kung paano pakitunguhan ang mga nakatatanda, o mga pastor, ng iglesya. Ang mabubuting ministro ay karapat-dapat sa dobleng paggalang at sahod, at dapat silang tustusan nang nararapat ng iglesya. Dapat lamang sawayin ang mga nakatatanda batay sa pinakakumpletong katibayan, at gawin ito sa harap ng lahat bilang babala sa iba. Taimtim na inaatasan si Timoteo na huwag magpakita ng anumang pagtatangi sa kanyang pamamahala, at magtalaga ng mga nakatatanda nang may sukdulang pag-iingat at pag-iwas sa padalus-dalos na pagpapasiya, matapos masusing suriin ang kanilang mga pagkatao, upang hindi siya masangkot sa anumang pagkakasala o masamang asal na lilitaw sa kalaunan. Sa isang maikling paglihis sa paksa, binibigyan siya ni Pablo ng payo tungkol sa kanyang kalusugan.

1 Timoteo 5:17–25

17 Hayaan ang mga nakatatanda na namumuno ng maayos ay ituring na karapat-dapat sa mas mataas na parangal, lalo na ang mga gumagawa sa salita at sa pagtuturo. 18 Sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil,” at “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.”

19 Huwag kang tatanggap ng paratang laban sa nakatatanda maliban na lang kung may dalawa o tatlong saksi. 20 pagsabihan mo ang mga makasalanan sa harapan ng lahat upang matakot ang iba.

21 Taimtim kong inuutos sa iyo sa harap ng Diyos, ni Cristo Jesus, at ng mga piling anghel na ingatan mo ang mga kautusang ito ng walang kinikilingan, at gawin mo ito ng walang tinatangi.

22 Huwag mo kaagad ipatong ang iyong kamay kaninuman. Huwag kang makibahagi sa mga kasalanan ng ibang tao. Panatilihin mong dalisay ang iyong sarili.

23 Huwag lamang tubig ang iyong inumin. Sa halip uminom ka ng konting alak para sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.

24 Ang mga kasalanan ng ibang tao ay lantaran at nauuna ito sa kanila bago pa sa hukuman. Ngunit ang ibang mga kasalanan ay sumusunod pagkatapos na. 25 Gayon din naman, ang ibang mabubuting gawa ay lantaran, ngunit may mga ilan na hindi maitatago.

Dapat Igalang ng mga Alipin ang Kanilang mga Panginoon

Dahil hindi binabago ng Kristiyanismo ang mga ugnayan sa lipunan, dapat sabihan ang mga lingkod at alipin na magpakita ng nararapat na paggalang maging sa kanilang mga paganong panginoon. Lalo silang binabalaan na ipakita ang gayunding pagsunod sa kanilang mga panginoong Kristiyano, at huwag hayaang makahadlang ang kanilang pagkakapatiran bilang mga Kristiyano sa kanilang mga kinikilalang tungkulin.

1 Timoteo 6:1–2

1 Hayaan ang lahat ng nasa ilalim ng pamatok ng pagiging mga alipin na kilalanin nila ang kanilang mga amo ng karapat-dapat sa buong paggalang. Dapat nilang gawin ito upang ang pangalan ng Diyos at ang katuruan ay hindi malapastangan.

2 Ang mga alipin na may among mananampalataya ay huwag silang lapastanganin dahil sila ay magkapatid. Sa halip, sila ay dapat paglingkurang mabuti. Sapagkat ang mga amo na natutulungan nila sa kanilang gawain ay mga mananampalataya at minamahal. Ituro mo at ipahayag ang mga bagay na ito.

Kinokondena ni Pablo ang mga Gurong Nagtataguyod ng Pagsunod sa mga Kaugaliang Judio

Kinokondena ang mga gurong nagtataguyod ng pagsunod sa mga kaugaliang Judio, na nanghahawakan sa ibang mga doktrina at nagpapalaya sa mga tao mula sa kanilang mga tungkuling sibiko. Sinasaway sila dahil sa kanilang mga pagtatalo at pag-aaway tungkol sa mga salita, at dahil inuuna nila ang sarili nilang makamundong pakinabang kaysa sa karangalan ng Diyos at pagpapalaganap ng kanyang katotohanan. Hinihimok ang pagiging kontento sa bawat kalagayan sa buhay, sapagkat walang kabuluhan ang lahat ng ari-arian sa lupa. Isang malaking panganib ang labis na pagmamahal sa kayamanan.

1 Timoteo 6:3–10

3 Kung mayroong magtuturo ng kakaiba at hindi tinanggap ang ating tapat na tagubilin, na ang mga Salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung hindi nila tanggapin ang katuruan na nagdadala sa pagiging maka-diyos. 4 Ang taong ito ay mapagmataas at walang nalalaman. Sa halip, sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita. Ang mga salitang ito ay humahantong sa pagkainggit, pagtatalo, mga insulto, mga masamang akala, at 5 patuloy na pag-aawayan sa pagitan ng mga taong baluktot ang mga pag-iisip. Tumalikod sila sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-diyos ay isang paraan upang yumaman.”

6 Ngayon ang pagiging maka-diyos na may kapanatagan ay may malaking pakinabang. 7 Sapagkat wala tayong dinalang anuman dito sa mundo. wala rin tayong madadala na anumang bagay. 8 Sa halip, masiyahan tayo sa pagkain at pananamit.

9 Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao. 10 Sapagkat ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang mga taong nagnais nito ay nailigaw sa kanilang pananampalataya at tinutusok nila ang kanilang sarili nang labis na kapighatian.

Inaatasan si Timoteo sa Harap ng Diyos na Manatiling Matatag

Si Timoteo, bilang isang kinasihan ng Diyos, ay tinatawag na lumayo sa masasamang gawaing ito at magtaguyod ng kabanalan. Inaatasan siya ni Pablo, na para bang nasa harapan ng Diyos at isinasaalang-alang ang dakilang araw ng paghuhukom, na manatiling matatag sa pananampalataya, gampanan nang buong katapatan ang kanyang tungkulin, at iwasan ang lahat ng makamundo at sakim na hangarin. Nagtatapos si Pablo sa paglalarawan ng dakilang kaluwalhatian ni Cristo, na ihahayag sa hinaharap.

1 Timoteo 6:11–16

11 Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan, 12 Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan kung saan ka tinawag. Tungkol dito nagpatotoo ka sa harap ng maraming mga saksi kung ano ang mabuti.

13 Ibinibigay ko sa iyo ang utos na ito sa harap ng Diyos, na siyang dahilan nang lahat ng bagay para mabuhay, at sa harapan ni Cristo-Jesus, na siyang nagsabi ng katotohanan kay Poncio Pilato: 14 ingatan mong mabuti ang mga kautusan, ng walang kapintasan, hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu- Cristo. 15 Ipapahayag ng Diyos ang kaniyang pagpapakita sa tamang panahon—ang Diyos, ang Pinagpala, ang nag-iisang kapangyarihan, ang Hari na siyang naghahari, ang Panginoong namumuno. 16 Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.

Dapat Magtiwala ang Mayayaman sa Diyos, Hindi sa Kayamanan

Inaatasan si Timoteo na balaan ang mayayaman na huwag magtiwala sa kanilang di-tiyak na mga ari-arian kundi sa Diyos, na nagbibigay ng mga ito. Hinihimok silang maging mayaman sa mabubuting gawa, upang makapag-imbak sila para sa kanilang sarili ng mas nagtatagal at walang hanggang mga pagpapala.

1 Timoteo 6:17–19

17 Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. 18 Sabihin mo sa kanila na gumawa ng mabuti, at magpakayaman sa mabubuting mga gawa, maging mapagbigay, at handang mamahagi. 19 Sa paraang iyan, sila ay mag-iipon para sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon sa kung anong darating, upang makamit nila ang tunay na buhay.

Ang Huling Tagubilin ni Pablo na Panghawakan ang Pananampalataya

Tinatapos ni Pablo ang liham gaya ng kanyang pagsisimula rito, na muling hinihimok si Timoteo na manatiling matatag sa doktrinang Kristiyano at iwasan ang lahat ng pilosopikal at walang saysay na mga haka-hakang masigasig na itinataguyod ng mga huwad na guro.

1 Timoteo 6:20–21

20 Timoteo, pangalagaan mo kung ano ang mga naibigay sa iyo. Umiwas ka sa mga walang kabuluhang mga usapan at mga pagtutuligsa na sinasabing maling kaalaman. 21 May ibang mga tao na nagpapahayag ng mga bagay na ito kaya marami sa kanila ang nailihis sa pananampalataya. Sumasaiyo nawa ang biyaya.