Panahon 6: Mula kay Rehoboam Hanggang sa Pagkatapon sa Babilonia
Mula sa pagluklok ni Rehoboam sa trono hanggang sa pagkabihag sa Babilonia.
Bahagi 1: Ang Paghahari ni Rehoboam
Ang Kaharian ng Juda
Naghimagsik ang Sampung Lipi
975 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
21 Ngayon si Rehoboam na anak ni Solomon ang naghahari sa Juda. Si Rehoboam ay apatnapu't-isang taong gulang noong siya ay naging hari, at siya ay labing pitong taong naghari sa Jerrusalem, ang lungsod na pinili ni Yahweh sa lahat ng mga lipi ng Israel para ilagay ang kaniyang pangalan. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na taga-Ammon.
1 Nagpunta si Rehoboam sa Shekem, dahil ang buong Israel ay darating sa Shekem para gawin siyang hari. 2 Ito ay nangyari nang marinig ito ni Jeroboam anak ni Nebat (dahil siya ay nasa Ehipto pa, kung saan siya ay tumakas mula sa kinaroroonan ni Haring Solomon; Si Jeroboam ay nanirahan sa Ehipto). 3 Kaya siya ay isinugo at tinawag nila, at dumating si Jeroboam at buong kapulungan ng Israel; sila ay nagsalita kay Rehoboam at sinabi, “ginawang mahirap ng iyong ama ang aming pasanin. 4 Ngayon, gawin mong madali ang mahirap na trabahong ibinigay ng iyong ama, at pagaanin mo ang mabigat na pasanin na inilagay niya sa amin, at paglilingkuran ka namin.”
5 Sinabi ni Rehoboam sa kanila, “Umalis kayo ng tatlong araw; pagkatapos bumalik kayo sa akin.” Kaya umalis ang mga tao.
6 Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matatandang lalaki na tumayo sa harapan ni Solomon na kaniyang ama habang siya ay nabubuhay; sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang sagutin ang mga taong ito?”
7 Sila ay nagsalita sa kaniya at sinabi, “Kung ikaw ay magiging isang lingkod ngayon sa mga taong ito at paglilingkuran sila, at sasagutin sila sa pamamagitan ng mabubuting mga salita, palagi silang magiging mga lingkod mo.”
8 Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya. 9 Sinabi niya sa kanila, “Anong payoang maibibigay ninyo sa akin, upang maaari nating masagot ang mga tao na nagsalita sa akin at nagsabing, “Pagaanin ninyo ang pasanin na inilagay sa amin ng inyong ama?”
10 Ang mga kabataan na lumaking kasama ni Rehoboam ay nagsalita sa kaniya, nagsabi, “Magsalita ka sa mga taong ito na nagsabi sa iyo na ang iyong amang si Solomon ang nagpabigat ng kanilang pasanin pero dapat mo itong pagaanin. Dapat mong sabihin sa kanila, “Ang hinliliit kong daliri ay makapal kaysa sa baywang ng aking ama. 11 Kaya ngayon, kahit na pinahirapan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng isang mabigat na pasanin, magdadagdag ako sa inyong pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
12 Kaya dumating si Jeroboam at ang lahat ng bayan kay Rehoboam sa ikatlong araw, gaya ng itinagubilin ng hari noong sinabi niyang, “Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw.” 13 Marahas na tinugon ng hari ang bayan at binalewala ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matatandang lalaki. 14 Siya ay nagsalita sa kanila bilang pagsunod sa payo ng mga nakababatang lalaki; sabi niya, “Pinagpasan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mabibigat na pasanin, pero magdadagdag ako ng pasanin sa inyo. Pinarusahan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mga latigo, pero parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
15 Kaya hindi nga pinakinggan ng hari ang mga tao, dahil ito ay isang pagbabago ng mga pangyayari na ginawa ni Yahweh, upang maaari niyang tuparin ang kaniyang salita na kaniyang sinabi kay Ahias na taga-Silo kay Jeroboam na anak ni Nebat.
16 Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda. 17 Pero para sa bayang Israel na nanirahan sa mga lungsod ng Juda, si Rehoboam ang naghari sa kanila.
18 Pagkatapos ipinadala ni Haring Rehoboam si Adoram, na siyang namamahala sa mga pinilit na mga manggagawa, pero pinagbabato siya ng buong Israel hanggang mamatay. Mabilis na tumakas si Haring Rehoboam sa kaniyang karwahe patungong Jerusalem. 19 Kaya ang Israel ay naging rebelde laban sa angkan ni David hanggang sa araw na ito.
20 Nangyari ito nang mabalitaan ng buong Israel na bumalik na si Jeroboam, ipinadala nila at tinawag siya sa kanilang kapulungan at ginawa siyang hari sa buong Israel. Walang isa man ang sumunod sa pamilya ni David, maliban lamang sa lipi ni Juda.
21 Nang dumating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang lahat ng lipi ni Juda at ang lipi ni Benjamin; mayroong piniling 180, 000 kalalakihan na mga sundalo, para labanan ang lipi ng Israel, para ibalik muli ang kaharian kay Rehoboam na anak ni Solomon.
22 Ngunit dumating ang salita ng Diyos kay Semaias, ang lingkod ng Diyos; ito ang sinabi, 23 “Sabihin kay Rehoboam na anak ni Solomon, hari ng Juda, sa lahat ng lipi ni Juda at Benjamin, at sa natitirang mga tao; sabihing, 24 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi ninyo dapat nilulusob o nilalabanan ang inyong mga kapatid na bayang Israel. Bawat lalaki ay dapat magbalik sa kaniyang tahanan, dahil kalooban ko na mangyari ang bagay na ito.”' Kaya nakinig sila sa salita ni Yahweh at bumalik at nagpunta sa kani-kanilang daan, at sinunod nila ang kaniyang salita.
Pinamahalaan ni Rehoboam ang Juda 973 B.C.
5 Nanirahan si Rehoboam sa Jerusalem at nagpatayo ng mga lungsod sa Juda upang maging pananggalang. 6 Ipinatayo niya ang Bethlehem, Etam, Tekoa, 7 Beth-sur, Soco, Adullam, 8 Gat, Maresa, Zif, 9 Adoraim, Laquis, Azeka, 10 Zora, Aijalon, at Hebron. Ito ay mga pinatibay na lungsod sa Juda at Benjamin. 11 Pinatibay niya ang mga tanggulan at naglagay ng mga pinuno sa mga ito na may kasamang imbakan ng mga pagkain, langis at alak. 12 Naglagay siya ng mga kalasag at mga sibat sa bawat lungsod at labis na pinatibay ang mga lungsod. Sakop niya ang Juda at Benjamin.
13 Pumunta sa kaniya ang mga pari at ang mga Levitang nasa buong Israel na mula sa loob ng kanilang hangganan. 14 Sapagkat iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan at mga pag-aari upang pumunta sa Juda at Jerusalem; sapagkat itinaboy sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, kaya hindi na sila makagagawa pa ng mga tungkulin ng pari para kay Yahweh. 15 Nagtalaga si Jeroboam ng mga pari para sa mga dambana at sa mga diyus-diyosang guya at kambing na kaniyang ipinagawa.
16 Sumunod sa kanila ang mga tao mula sa lahat ng mga tribu ng Israel na itinuon ang kanilang puso na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Pumunta sila sa Jerusalem upang maghandog kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. 17 Kaya pinalakas nila ang kaharian ng Juda at pinatatag sa loob ng tatlong taon si Rehoboam na anak ni Solomon sapagkat sa loob ng tatlong taon, sinunod nila ang paraan ng pamumuhay nina David at Solomon.
18 Napangasawa ni Rehoboam si Mahalat, ang anak na babae ni Jerimot na anak ni David at ni Abihail na anak ni Eliab na na anak ni Jesse. 19 Nagsilang siya ng mga batang lalaki na sina Jeus, Semarias at Zaham.
20 Kasunod ni Mahalat, napangasawa ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Isinilang niya sina Abiaz, Atai, Ziza at Selomit. 21 Minahal ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom nang higit sa lahat ng kaniyang ibang mga asawa at sa kaniyang mga asawang alipin (mayroon siyang labing-walong asawa at animnapung asawang alipin at naging ama ng labing-walong mga anak na lalaki at animnapung mga anak na babae).
22 Itinalaga ni Rehoboam si Abias na anak ni Maaca upang maging pinuno sa kaniyang mga kapatid. Naisip niyang gawing hari si Abias. 23 Namuno ng may karunungan si Rehoboam, ikinalat niya ang lahat ng kaniyang lalaking anak sa buong lupain ng Juda at Benjamin hanggang sa mga matitibay na lungsod. Binigyan rin niya sila ng saganang pagkain at naghanap siya ng maraming asawa para sa kanila.
12:1 Nangyari nang naging matatag na ang paghahari ni Rehoboam at malakas siya, tinalikuran niya ang mga kautusan ni Yahweh—kasama ang buong Israel.
22 Gumawa ng kasamaan ang Juda sa paningin ni Yahweh; nagbunsod sa kaniya para siya ay magselos sa mga kasalanang ginawa nila, higit pa sa lahat ng bagay na nagawa ng kanilang ninuno. 23 Dahil sila ay nagtayo rin ng mga dambana, mga sagradong haliging bato, at poste ni Asera sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat luntiang puno. 24 Mayroon ding mga kultong bayarang lalaki at babae sa lupain. Ginawa din nila ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa ng mga bansa, na pinalayas ni Yahweh sa harapan ng bayang Israel.