Bahagi 8: Ang Kamatayan ni Solomon

975 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

1 Mga Hari 11:41–43

41 Para sa ibang mga bagay tungkol kay Solomon, lahat ng kaniyang mga ginawa at ang kaniyang karunungan, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ni Solomon? 42 Naghari si Solomon sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.

43 Natulog siya kasama ang kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa lungsod ng kaniyang amang si David. Ang kaniyang anak na lalaki na si Rehoboam ang humalili sa kaniya bilang hari.

2 Mga Cronica 9:29–31

29 Ang iba pang mga pangyayari tungkol kay Solomon mula sa simula hanggang sa wakas, hindi ba ito nakasulat sa Kasaysayan ni Propeta Natan at sa Pahayag ni Ahias na taga-Shilo at sa mga Pangitain ni Propeta Iddo tungkol kay Reboam na anak ni Nebat? 30 Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel ng apatnapung taon. 31 At namatay siya at inilibing ng mga tao sa lungsod ni David na kaniyang ama. Si Rehoboam na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.