Bahagi 2: Ang Pagtatayo ng Templo
1011 hanggang 1005 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 At sinimulang ipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita si Yahweh kay David na kaniyang ama. Inihanda niya ang lugar na binalak ni David para rito sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
1 Kaya inumpisahan itayo ni Solomon ang templo ni Yahweh. Ito ay nangyari sa ika-480 taon pagkatapos lumabas ng lupain ng Ehipto ang bayan ng Israel, sa ika-apat na taon ng paghahari ni Solomon sa buong Israel, sa buwan ng Ziv, na ikalawang buwan.
2 Sinimulan niyang ipatayo sa ikalawang araw ng ikalawang buwan, sa ika-apat na taon ng kaniyang paghahari.
3 At ganito ang mga sukat ng pundasyong inilatag ni Solomon para sa tahanan ng Diyos. Gamit ang sinaunang paraan ng siko, ang haba ay animnapung siko at ang lapad ay dalawampung siko. 4 Dalawampung siko ang haba ng portiko sa harapan ng tahanan, kapantay ng lapad ng mga gusali. Dalawampung siko rin ang taas nito at binalot ni Solomon ang loob nito ng purong ginto.
5 Ginawa rin niya ang kisame ng pangunahing bulwagan gamit ang kahoy ng pino, na kaniyang binalutan ng purong ginto, at inukitan niya ng mga puno ng palma at mga kadena. 6 Pinalamutian niya ang tahanan ng mga mamahaling bato; ang ginto ay ginto mula sa Parvaim. 7 Binalot niya rin ng ginto ang mga hamba, mga bungad, mga dingding at mga pintuan ng ginto; umukit siya ng kerubin sa mga dingding nito.
8 Ipinatayo niya ang kabanal-banalang lugar. Kapantay ng haba nito ang lapad ng tahanan, dalawampung siko at dalawampung siko rin ang lapad nito. Binalutan niya ito ng purong ginto na nagkakahalaga ng anim na raang talento. 9 Limampung siklo ng ginto ang bigat ng mga pako. Binalot niya ng ginto ang mga ibabaw nito.
4 Para sa bahay gumawa siya ng bintana na may balangkas na mas makitid sa labas kaysa sa loob.
5 Sa gilid ng mga pader ng pangunahing silid siya ay nagtayo ng mga silid sa paligid nito, sa paligid ng parehong panlabas na silid at panloob na silid. Siya ay nagtayo ng mga silid sa paligid ng lahat ng panig. 6 Ang pinakamababang palapag ay limang kubit ang lawak, ang gitna ay anim na kubit ang lawak, at ang ikatlo ay pitong kubit ang lawak. Para sa labas gumawa siya ng ungos sa mga pader ng templo sa lahat ng paligid para ang mga biga ay hindi maaring maisingit sa mga pader ng templo.
7 Ang templo ay itinayo ng mga batong inihanda sa tibagan; walang martilyo, palakol, o anumang kagamitan gawa sa bakal ang narinig sa templo habang ito ay itinatayo.
8 Sa timog na bahagi ng templo ay may pasukan sa ibabang palapag, at maaaring aakyat sa hagdan patungo sa gitnang palapag, at mula sa gitna patungo sa ikatlong palapag.
15 Pagkatapos itinayo niya ang mga panloob na pader ng templo sa pamamagitan ng mga tablang sedar. Mula sa sahig ng templo hanggang sa kisame, tinakpan niya ang mga ito sa loob sa pamamagitan ng kahoy, at tinakpan niya ang sahig ng templo sa pamamagitan ng mga tablang saypres.
16 Nagtayo siya ng dalawampung kubit sa likuran ng templo sa pamamagitan ng tablang sedar mula sa sahig hanggang sa kisame. Itinayo niya ang silid na ito para maging panloob na silid, ang kabanal-banalang lugar. 17 Ang pangunahing bulwagan, na banal na lugar na nasa harap ng kabanal-banalang lugar, ay apatnapung kubit ang haba.
18 May sedar sa loob ng templo, inukit sa hugis ng mga gurd at mga nakabukang bulaklak. Lahat ay sedar sa loob. Walang makikitang gawa sa bato doon.
19 Ihihanda ni Solomon ang panloob na silid sa loob ng templo para ilagay doon ang arko ng tipan ni Yahweh. 20 Ang panloob na silid ay dalawampung kubit ang haba, dalawampung kubit ang lapad, at dalawampung kubit ang taas; nilatagan ni Solomon ang mga pader ng purong ginto at tinakpan ang altar ng sedar na kahoy.
21 Nilatagan ni Solomon ang loob ng templo ng purong ginto. At nilagyan niya ng tanikalang ginto ang kabilang panig na harap ng panloob na silid, at nilatagan niya ng ginto ang harapan. 22 Nilatagan niya ang buong panloob ng ginto hanggang ang lahat ng templo ay matapos. Nilatagan niya rin ng ginto ang buong altar na nabibilang sa panloob na silid.
23 Gumawa si Solomon ng dalawang kerubin na kahoy mula sa puno ng olibo, ang bawat isa ay sampung kubit ang taas. 24 Ang isang pakpak ng unang kerubin ay limang kubit ang haba at ang isa pang pakpak nito ay limang kubit din ang haba. Kaya mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa kabilang dulo ng ikalawang pakpak ay mayroong sampung kubit ang agwat. 25 Ang lapad ng pakpak ng isang kerubin ay mayroon din sampung kubit. Kapwa kerubin ay mayroon parehong sukat at hugis. 26 Ang taas ng isang kerubin ay sampung kubit at ganoon din ang isa pang kerubin.
27 Inilagay ni Solomon ang mga kerubin sa pinakaloob na silid. Ang mga pakpak ng mga kerubin ay iniunat para ang pakpak ng isa ay madikit sa isang pader, at ang pakpak ng isa pang kerubin ay madikit sa isa pang pader. Ang kanilang mga pakpak ay nakadikit sa isa't isa sa gitna ng kabanal-banalang lugar. 28 Nilatagan ni Solomon ang mga kerubin ng ginto.
13 Ang mga pakpak ng mga kerubin na ito ay bumubuka na may kabuuang sukat na dalawampung siko. Nakatayo ang mga kerubin, na nakaharap ang kanilang mga mukha sa pangunahing bulwagan.
14 Ginawa niyang kulay ube, asul, at pulang tela at pinong lino ang kurtina at dinisenyuhan niya ito ng mga kerubin.
29 Inukitan niya ang lahat ng pader sa paligid ng templo ng mga hugis ng kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak, sa panlabas at panloob na mga silid. 30 Nilatagan ni Solomon ng ginto ang sahig ng templo, sa panlabas at panloob na mga silid.
31 Si Solomon ay nagpaggawa ng mga pintong gawa sa punong olibo para sa pasukan papunta sa panloob na silid. Ang hamba at mga poste ng pinto ay mayroon limang bahagi na may mga puwang. 32 Kaya nagpagawa siya ng dalawang pinto na gawa sa puno ng olibo, at gumawa siya sa mga ito ng mga ukit ng kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak. Binalutan niya ang mga ito ng ginto, at kanyang ikinalat ang mga ginto sa kerubin at mga puno ng palma.
33 Sa ganitong paraan, gumawa rin si Solomon para sa pasukan ng templo ng poste ng pinto na gawa sa puno ng olibo na mayroong apat na bahagi na may mga puwang 34 at dalawang pinto gawa sa kahoy ng puno ng saypres. Ang dalawang panel ng isang pinto ay natitiklop, at ang dalawang panel ng isa pang pinto ay natitiklop. 35 Inukitan niya ang mga ito ng mga kerubin, mga puno ng palma, at mga nakabukang bulaklak, at pantay niyang nilatagan ng ginto ang inukit na ginawa.
36 Itinayo niya ang panloob na patyo ng may tatlong hanay ng mga tabas na bato at isang hanay ng mga bigang sedar
13 Pinasundo ni Haring Solomon si Hiram at dinala siya mula sa Tiro. 14 Si Hiram ay anak na lalaki ng isang balo ng tribo ng Nephtali; ang kaniyang ama ay lalaking taga-Tiro, isang mahusay na manggagawa ng tanso. Si Hiram ay puno ng karunungan at kaalaman at kahusayan sa malaking gawain gamit ang tanso. Pumunta siya kay Haring Solomon para gumawa ng lahat ng kagamitan na yari sa tanso para sa hari.
15 Hinugis ni Hiram ang dalawang poste ng tanso, bawat isa ay labing walong kubit ang taas at labing dalawang kubit ang palibot. 16 Siya ay gumawa ng dalawang kapitel ng makintab na tanso para ilagay sa taas ng poste. Ang taas ng bawat kapitel ay limang siko. 17 May mga mahahaba't makitid na mga metal na nilmabat at mga tinirintas na mga tanikala para sa mga kapitel na ginawang mga palamuti sa taas ng mga haligi, pito sa bawat kapitel.
18 Kaya si Hiram ay gumawa ng dalawang hanay ng mga granada sa paligid ng bawat poste para palamutian ang kanilang mga kapitel. 19 Ang mga kapitel sa itaas ng poste ng portiko ay may palamuti ng mga liryo, apat na kubit ang taas. 20 Kasama din ang kapitel sa dalawang haligi, malapit sa kanilang tuktok, ay nakapalibot ang dalawang daang nakahanay na granada.
21 Kaniyang itinayo ang mga poste sa portiko ng templo. Ang poste sa kanan ay pinangalanang Jakin, at ang poste sa kaliwa ay Boaz. 22 Sa itaas ng mga haligi ay mga palamuti tulad ng mga liryo. Ang paghuhugis ng mga haligi ay natapos sa ganitong paraan.
1 Bukod dito, gumawa siya ng isang altar na tanso; ang haba nito ay dalawampung siko, at ang lapad nito ay dalawampung siko. Ang taas nito ay sampung siko.
23 Naghulma ng pabilog na dagat na bakal si Hiram, sampung kubit mula sa labi't labi. Ang taas nito ay limang kubit, at ang dagat ay tatlumpung kubit ang palibot na sukat. 24 Sa ilalim ng labi ay nakapalibot sa dagat ay bunga ng halamang gumagapang, sampu sa bawat kubit, hinulma lahat kasabay ng hinulmang dagat.
25 Ang dagat ay nakapatong sa labing dalawang hinulmang baka, tatlong nakaharap sa hilaga, tatlong nakaharap sa kanluran, tatlong nakaharap sa timog, at tatlong nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa kanila, at ang lahat ng kanilang puwitan ay nakapwesto sa bandang loob. 26 Ang dagat ay kasing kapal ng isang kamay, at ang labi nito ay hinulma tulad ng labi ng isang tasa, tulad ng isang bulaklak na liryo. Ang dagat ay naglalaman ng dalawang libong bat na tubig.
27 Gumawa si Hiram ng sampung patungan na tanso. Bawat isang patungan ay apat na kubit ang haba at apat na kubit ang lapad, at tatlong kubit ang taas.
28 Ang pagkakagawa ng patungan ay tulad nito. Mayroon silang mga mahahabang tabla na nakatayo sa pagitan ng mga balangkas, 29 at sa mga tabla at mga balangkas ay mga leon, mga baka, at mga kerubin. Sa itaas at sa ibaba ng mga leon at mga baka ay mga koronang pinanday.
30 Ang bawat patungan ay may apat na tansong gulong at ehe, at ang apat na sulok nito ay may suporta sa ilalim para sa kawa. Ang mga suporta ay hinulma sa korona sa gilid ng bawat isa. 31 Ang bukana ay bilog tulad ng isang patungan, isang kubit at kalahating lawak, at nasa loob ng korona na nakaangat ang isang kubit. Sa bukana ay mga inukit na bagay, at ang kanilang mga tabla ay parisukat, hindi bilog.
32 Ang apat na gulong ay nakapailalam sa mga tabla, at ang mga ehe ng mga gulong at ang kanilang mga bahay ay nasa patungan. Ang taas ng isang gulong ay isa't kalahating kubit. 33 Ang mga gulong ay pinanday tulad ng mga gulong ng mga karwaheng pandigma. Ang kanilang bahay, mga gilid, mga rayos ng gulong at boha ay hinulmang bakal.
34 Mayroong apat na hawakan sa apat na sulok ng bawat tuntungan, ipinanday mismo sa tuntungan. 35 Sa itaas ng mga tuntungan ay may isang nakapalibot na tali na kalahating kubit ang lalim, at sa itaas ng tuntungan ang mga suporta nito at ang mga mahabang tabla nito ay nakakabit.
36 Sa ibabaw ng mga suporta at sa mga tabla si Hiram ay umukit ng mga kerubin, mga leon, at mga puno ng palma na nagtakip ng puwang, at sila ay napapalibutan ng mga korona. 37 Ginawa niya ang sampung patungan sa ganitong paraan. Ang lahat ng iyon ay hinulma sa iisang hulmahan, at mayroon silang isang sukat, at kaparehang hugis.
38 Si Hiram ay gumawa ng sampung hugasang tanso. Ang isang hugasan ay kayang humawak ng apatnapung bat na tubig. Bawat hugasan ay apat na mga kubit ang lapad, at mayroong isang hugasan sa bawat sampung mga patungan.
39 Gumawa siya ng limang mga patungan na nakaharap sa bahaging timog ng templo at lima sa hilagang bahagi ng templo. Nilagay niya ang dagat sa silangang sulok, nakaharap sa bahaging timog ng templo.
40 Ginawa ni Hiram ang mga hugasan at ang mga pala at patubigang mangkok. Pagkatapos kaniyang natapos ang lahat ng kaniyang ginawa para kay Haring Solomon sa templo ni Yahweh: 41 ang dalawang poste, at ang tulad-mangkok na mga kapitel na nasa itaas ng dalawang poste, at ang dalawang pangkat ng palamuting lambat para takpan ang dalawang tulad mangkok na mga kapitel na nasa itaas ng mga poste. 42 Ginawa niya ang apat na daang granada para sa dalawang pangkat ng palamuting nilambat: dalawang hanay ng granada para sa bawat pangkat ng palamuting nilambat para takpan ang dalawang tulad mangkok ng mga kapitel na nasa mga poste, 43 at ang sampung mga patungan, at ang sampung hugasan sa mga patungan. 44 Ginawa niya ang dagat at ang labing dalawang mga bakang nasa ilalim nito; 45 gayun din ang mga kaldero, mga pala, mga kawa, at lahat ng iba pang kasangkapan — ang mga ito ay ginawa ni Hiram mula sa makintab na tanso, para kay Haring Solomon, para sa templo ni Yahweh. 46 Pinahulma ito ng Hari sa kapatagan ng Jordan, sa isang maputik na lupain sa pagitan ng Succoth at Sarthan. 47 Hindi tinimbang ni Solomon ang lahat ng mga kasangkapan dahil masyadong marami para timbangin, kaya ang timbang ng tanso ay hindi malalaman.
48 Pinagawa ni Solomon ang lahat ng kasangkapan na nasa loob ng templo ni Yahweh mula sa ginto: ang gintong dambana at ang lamesa kung saan ilalagay ang tinapay na handog. 49 Ang patungan ng ilaw, lima sa kanan at lima sa kaliwa, sa harap ng panloob na silid ay gawa sa purong ginto, at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga pang-ipit ay ginto. 50 Ang mga saro, ang panggupit ng ilawan, mga mangkok, mga kutsara, at mga pansindi ng insenso ay nilikha mula sa purong ginto. Gayundin ang mga bisagra ng pinto ng panloob na silid, na siyang kabanal-banalang lugar, at ang mga pintuan ng pangunahing bulwagan ng templo ay gawa din sa ginto.
8 Gumawa siya ng sampung mesa at inilagay sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa. Gumawa siya ng sandaang palangganang ginto.
9 Bukod pa rito, ginawa niya ang patyo ng mga pari at ang malaking patyo, at ang mga pinto ng patyo; binalot niya ng tanso ang pinto ng mga ito.
10 Inilagay niya ang dagat sa gawing kanan ng tahanan, sa silangan na nakaharap sa timog.
9 Kaya itinayo ni Solomon ang templo at tinapos ito; binubungan niya ang templo sa pamamagitan ng mga biga at mga makakapal na tablang sedar. 10 Itinayo niya ang mga silid sa gilid salungat sa panloob na mga silid ng templo, bawat panig ay limang kubit ang taas, ito ay nakakabit sa templo sa pamamagitan ng bigang sedar.
11 Ang salita ni Yahweh ay nakarating kay Solomon, nagsasabi “ 12 Tungkol dito sa templo na iyong itinatayo, kung ikaw ay lalakad ayon sa aking mga alituntunin at gagawa ng katarungan, pananatilihin ang lahat ng aking kautusan at sumunod sa mga ito, pagtitibayin ko ang aking pangako sa iyo na aking ginawa kay David na iyong ama. 13 Ako ay mananahan sa bayan ng Israel at hindi ko sila tatalikdan.
14 Kaya itinayo ni Solomon ang templo at tinapos ito.
51 Sa ganitong paraan, ang lahat ng gawain ni Haring Solomon sa tahanan ni Yahweh ay tapos na. Kaya ipinasok ni Solomon ang mga bagay na inihandog ni David, na kaniyang ama, kay Yahweh, at ang pilak, ang ginto, at ang mga kasangkapan, at nilagay ito sa bodega sa tahanan ni Yahweh.
37 Ang pundasyon ng templo ni Yahweh ay inilatag sa ika-apat na taon, sa buwan ng Ziv. 38 Sa ika-labing-isang taon, sa buwan ng Bul, na ika-walong buwan, ang templo ay natapos sa lahat ng mga bahagi nito at umayon sa lahat ng mga detalye nito. Inabot ng pitong taon si Solomon para maitayo ang templo.
2 Ang templo na itinayo ni Haring Solomon para kay Yahweh ay may animnapung kubit na haba, dalawampung kubit na lawak, at tatlumpong kubit na taas. 3 Ang portiko sa harapan ng pangunahing bulwagan ng templo ay dalawampung kubit ang haba, kasing lapad ng templo, at sampung kubit na lalim sa harapan ng templo.
10 Gumawa siya ng dalawang imahe ng mga kurebin para sa kabanal-banalang lugar; binalot ito ng ginto ng mga manggagawa. 11 Dalawampung siko ang haba ng lahat ng mga pakpak ng mga kerubin; limang siko ang haba ng pakpak ng isang kerubin, na umaabot sa dingding ng silid; at ang isang pakpak ay limang siko rin na umaabot sa pakpak ng isa pang kerubin. 12 Ang pakpak ng isang pang kerubin ay limang siko rin, na umaabot sa dingding ng silid; ang isang pakpak nito ay limang siko rin, na umaabot sa pakpak ng naunang kerubin.
15 Gumawa rin si Solomon ng dalawang haligi, tatlumpu't limang siko ang taas ng bawat isa, para sa harapan ng tahanan; ang ulunan na nasa tuktok ng mga ito ay limang siko ang taas.
16 Gumawa siya ng mga kadena para sa mga haligi at inilagay ang mga ito sa tuktok nito; gumawa rin siya ng isang daang granada at idinugtong ang mga ito sa mga kadena. * 17 Inilagay niya ang mga haligi sa harapan ng templo, ang isa sa kanang bahagi at ang isa ay sa kaliwa; pinangalanan niya ang haliging nasa kanan ng Jaquin at ang haligi sa kaliwa ay Boaz.
2 Ginawa rin niya ang lagayan ng tubig na tinawag na bilog na dagat na gawa sa hinulmang metal, na may sampung siko ang luwang ng labi. Ang taas nito ay limang siko, at ang dagat ay tatlumpung siko ang sukat pabilog. 3 Sa ilalim ng labi nito ay mga toro na pumapalibot sa dagat, sampu sa bawat siko na kasamang hinulma nang hulmahin ang dagat.
4 Ang lagayan ng tubig na tinawag na dagat ay nakapatong sa labindalawang toro, ang tatlo ay nakaharap sa hilaga, ang tatlo ay nakaharap sa timog, ang tatlo ay nakaharap sa kanluran, at ang tatlo ay nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa mga ito, at lahat ng kanilang mga puwitan ay nakapaloob. 5 Ang dagat ay kasing kapal ng lapad ng isang kamay, at ang labi nito ay pinanday gaya ng labi ng kopa, gaya ng bulaklak na liryo. Ang dagat ay may lamang tatlong libong baldeng tubig.
6 Gumawa rin siya ng sampung palanggana para sa paghuhugas ng mga bagay; naglagay siya ng lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa; ang mga kasangkapang ginamit sa pagsasagawa ng handog na susunugin ay huhugasan sa mga ito. Ngunit ang dagat ay paghuhugasan ng mga pari.
7 Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.
11 Ginawa ni Huram ang mga palayok, ang mga pala at ang mga mangkok na pangwisik. Kaya tinapos ni Hiram ang trabahong ginawa niya para kay Haring Solomon sa loob ng tahanan ng Diyos: 12 ang dalawang haligi, at ang tila mangkok na nasa itaas ng dalawang haligi, at ang dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi. 13 Ginawa niya ang apatnaraang granada para sa dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon: dalawang hilera ng granada para sa bawat hanay ng lambat upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi. 14 Ginawa rin niya ang mga patungan at ang mga palangganang ipapatong sa patungan; 15 isang dagat ng maraming tubig at labindalawang toro sa ilalim nito, 16 maging ang mga palayok, mga pala, mga pantusok ng karne, at lahat ng iba pang mga kasangkapan—ginawa ni Huramabi ang mga ito mula sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon, para sa tahanan ni Yahweh. 17 Hinulma ng hari ang mga ito sa kapatagan ng Jordan, sa maputik na lupa sa pagitan ng Sucot at Zaretan. 18 Kaya ginawa ni Solomon ang lahat ng mga sisidlang ito sa labis na kasaganaan; sa katunayan, ang timbang ng tanso ay hindi malaman.
19 Ginawa ni Solomon ang lahat ng mga kasangkapan na nasa loob ng tahanan ng Diyos, maging ang gintong altar, at ang mga mesa kung saan ilalagay ang tinapay na handog; 20 ang mga patungan ng ilawan kasama ang mga ilawan ng mga ito, na dinisenyo upang sindihan sa harap ng loobang silid—gawa ang mga ito sa purong ginto; 21 at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga panipit ay gawa sa ginto, purong ginto. 22 Maging ang mga sindihan ng ilawan, mga palanggana, mga panandok, at mga sunugan ng insenso ay gawa lahat sa purong ginto. Gayon din sa bungad ng tahanan, ang mga loobang pintuan nito patungo sa dakong kabanal-banalan at ang mga pintuan ng tahanan, ang templo, ay gawa sa ginto.