Mga Paghahanda para sa Paglilingkod sa Templo
1015 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
2 Tinipon niya ang lahat ng mga pinuno ng Israel, kasama ang mga pari at mga Levita.
3 Binilang ang mga Levita na nasa tatlumpung taong gulang at higit pa. Tatlumpu't walong libo ang bilang nila. 4 Sa mga ito, dalawampu't apat na libo ang mangangasiwa ng trabaho sa tahanan ni Yahweh, at anim na libo ang mga opisyal at mga hukom. 5 Ang apat na libo ay mga taga-bantay ng pintuan at apat na libo ang magpupuri kay Yahweh na may mga instrumento “na ginawa ko para sa pagsamba” sabi ni David.
6 Hinati sila ni David sa pangkat na umayon sa mga anak na lalaki ni Levi: Gershon, Kohat at Merari.
7 Mula sa mga angkan na nagmula kay Gershon, si Ladan at Simei. 8 Mayroong tatlo sa mga lalaking anak ni Ladan: sina Jehiel na pinuno, Zetam at Joel. 9 Mayroong tatlo sa mga lalaking anak ni Simei: sina Zelomit, Haziel at Haran. Ito ang mga pinuno ng mga angkan ni Ladan. 10 Ang apat na anak na lalaki ni Simei: sina Jahat, Zisa, Jeus at Berias. 11 Si Jahat ang panganay at si Zisa ang pangalawa ngunit hindi nagkaroon ng maraming anak na lalaki sina Jeus at Beria, kaya sila ay binilang na isang angkan na may parehong tungkulin.
12 Ang apat na anak na lalaki ni Kohat: sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 13 Ang mga anak ni Amram: sina Aaron at Moises. Napili si Aaron at ang kaniyang kaapu-apuhan sa isang permanenteng batayan upang ihandog ang mga bagay na ganap na pag-aari ni Yahweh, upang maghandog ng insenso kay Yahweh, upang maglingkod sa kaniya, at upang magbigay ng mga pagpapala sa kaniyang pangalan magpakailanman. 14 Tungkol naman kay Moises na lingkod ng Diyos, ang kaniyang mga anak ay itinuring na mga Levita. 15 Ang mga anak na lalaki ni Moises ay sina Gershon at Eliezer. 16 Si Sebuel ang pinakamatanda sa kaapu-apuhan ni Gershon 17 Si Rehabias ang kaapu-apuhan ni Eliezer. Wala ng ibang anak na lalaki si Eliezer, ngunit si Rehabias ay maraming mga kaapu-apuhan. 18 Ang anak na lalaki ni Izar ay si Zelomit na pinuno. 19 Ang kapu-apuhan ni Hebron ay si Jerias, ang panganay, si Amarias ang pangalawa, si Jahaziel ang pangatlo, at si Jecamiam ang pang-apat. 20 Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay si Micas na panganay, at si Isias na ikalawa.
21 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Sina Eleazar at Kis ang mga anak na lalaki ni Mahli. 22 Namatay si Eleazar na hindi nagkaroon ng mga anak na lalaki. Mayroon lamang siyang anak na mga babae. Sila ay naging asawa ng mga anak na lalaki ni Kis. 23 Ang tatlong mga anak na lalaki ni Musi ay sina Mahli, Eder, at Jeremot.
24 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Levi ayon sa kanilang mga angkan. Sila ang mga pinuno na binilang at nilista sa pamamagitan ng pangalan, ng mga angkan na gumawa ng gawain ng paglilingkod sa tahanan ni Yahweh, mula sa dalampung taong gulang pataas.
25 Sapagkat sinabi ni David, “Si Yahweh, na Diyos ng Israel, ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang mga tao. Ginawa niya ang kaniyang tahanan sa Jerusalem magpakailanman. 26 Hindi na kinakailangan pang buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at lahat ng kagamitang ginagamit sa paglilingkod dito.
27 Sapagkat sa huling mga salita ni David, ang mga Levita ay binilang mula sa gulang na dalampung taon pataas. 28 Ang kanilang tungkulin ay upang tulungan ang kaapu-apuhan ni Aaron sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Sila ang mangangalaga sa mga patyo, mga silid, ang seremonya sa paglilinis ng lahat ng mga bagay na pag-aari ni Yahweh, at iba pang gawain sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos. 29 Sila rin ang mamamahala sa tinapay na handog, ang pinong harina para sa mga handog na butil, ang manipis na tinapay na walang pampaalsa, ang inihurnong mga handog, ang mga handog na hinaluan ng langis, at lahat ng panukat ng dami at sukat ng mga bagay.
30 Tumatayo rin sila tuwing umaga upang magpasalamat at magpuri kay Yahweh. Ginagawa rin nila ito sa gabi 31 at sa tuwing iniaalay ang mga handog na susunugin kay Yahweh, sa Araw ng Pamamahinga at sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga araw ng pista. Ang saktong bilang na itinakda sa pamamagitan ng kautusan, ay kailangan na laging nasa harap ni Yahweh. 32 Sila ang mamamahala sa tolda ng pagtitipon, sa banal na lugar, at tutulungan nila ang mga katulad nilang kaapu-apuhan ni Aaron sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh.
24:1 Ang mga pangkat ayon sa mga kaapu-apuhan ni Aaron ay ito: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 2 Sina Nadab at Abihu ay namatay bago namatay ang kanilang ama. Wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ay naglingkod bilang mga pari.
3 Si David kasama si Zadok, na anak ni Eleazar, at si Ahimelec, na anak ni Itamar ang naghati sa kanila sa grupo para sa kanilang tungkulin bilang pari. 4 Mas marami ang mga namumunong kalalakihan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar kaysa sa mga kaapu-apuhan ni Itamar, kaya hinati nila ang mga kaapu-apuhan ni Eleazar sa labing anim na pangkat. Ginawa nila ito ayon sa mga pinuno ng mga angkan at ayon sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. Ang mga pangkat na ito ay walo ang bilang na kumakatawan sa kanilang angkan.
5 Sila ay hinati ng walang pinapanigan sa pamamagitan ng bunutan sapagkat naroon ang mga itinalagang tagapangasiwa at mga tagapanguna ng Diyos mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar at mga kaapu-apuhan ni Itamar.
6 Isinulat ni Semaias na anak ni Netanel na eskriba, na isang Levita, ang kanilang mga pangalan sa harapan ng hari, ng mga opisyal, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pari at mga Levitang pamilya. Isang angkan ang napili sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar, at ang susunod ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. 7 Ang unang napili sa pamamagitan ng sapalaran ay si Jehoiarib, ang pangalawa ay si Jedaias, 8 ang pangatlo ay si Harim, ang pang-apat ay si Seorim, 9 ang ikalima ay si Malaquias, ang ikaanim ay si Mijamin, 10 ang ikapito ay si Hacos, ang ikawalo ay si Abias, 11 ang ikasiyam ay si Jeshua, ang ikasampu ay si Secanias, 12 ang ikalabing-isa ay si Eliasib, ang ikalabindalawa ay si Jaquim, 13 ang ikalabintatlo ay si Jupa, ang ikalabing-apat ay si Jesebeab, 14 ang ikalabinglima ay si Bilga, ang ikalabing-anim ay si Imer, 15 Ang ikalabingpito ay si Hezer, ang ikalabingwalo ay si Afses, 16 ikalabinsiyam ay si Petaya, ang ay si Hazaquiel, 17 ang ikadalawampu't isa ay si Jaquin, ang ikadalawampu't dalawa ay si Gamul, 18 ang ikadalawampu't tatlo ay si Delaias, at ang ikadalawampu't apat ay si Maasias.
19 Ito ang pagkakasunud-sunod ng kanilang paglilingkod nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh, na sinusunod ang alituntuning ibinigay sa kanila ni Aaron na kanilang ninuno, gaya ng iniutos sa kaniya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
20 Ito ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi: Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Amram ay si Subael. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Subael ay si Jehedias. 21 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Amram ay si Isias. 22 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Isharita ay si Zelomot. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Zelomot ay si Jahat. 23 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Hebron ay si Jerias ang pinakamatanda, ikalawa ay si Amarias, pangatlo ay si Jahaziel, at ang ikaapat ay si Jecamiam. 24 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Uziel ay si Micas. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Micas ay si Samir. 25 Ang kapatid na lalaki ni Micas ay si Isias. Kabilang si Zacarias sa mga anak ni Isias. 26 Kabilang si Mahli at Musi sa mga kaapu-apuhan ni Merari. Kabilang si Beno sa mga kaapu-apuhan ni Jaazias. 27 Kabilang din sina Jaazias, Beno, Soham, Zacur at Ibri sa mga kaapu-apuhan ni Merari. 28 Kabilang si Eleazar na walang mga anak sa mga kaapu-apuhan ni Mahli. 29 Kabilang si Jerameel sa mga kaapu-apuhan ni Kish. 30 Kabilang din sina Mahli, Eder at si Jerimot sa mga kaapu-apuhan ni Musi. Ito ang mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga pamilya. 31 Nagsapalaran din ang mga kalalakihang ito sa harap ng haring si David, Zadok, Ahimelec, at mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Ang mga pamilya ng mga panganay na lalaki ay nagsapalaran kasama ng mga bunso. Nagsapalaran sila gaya ng ginawa ng mga kaapu-apuhan ni Aaron.