Mga Paghahanda para sa Paglilingkod sa Templo (continued)
1015 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito: 2 Mula sa mga anak ni Asaf ay sina Zacur, Jose, Netanias, at Asarelas, ang mga anak na lalaki ni Asaf, sa ilalim ng pangunguna ni Asaf, na nagpapahayag sa ilalim ng pangangasiwa ng hari. 3 Mula naman sa mga anak na lalaki ni Jeduthun ay: sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Simei, Hashabias at Matitias, anim sa kabuuang bilang, sa ilalim ng pangunguna ng kanilang amang si Jeduthun, na siyang tumugtog ng arpa para sa pagpapasalamat at pagpupuri kay Yahweh. 4 Mula sa mga anak ni Heman ay: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gedalti, Ramamti-ezer, Josbecasa, Maloti, Hotir at Mahaziot. 5 Lahat sila ay mga anak ni Heman na propeta ng hari. Binigyan ng Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae upang siya ay parangalan.
6 Lahat sila ay nasa patnubay ng kanilang mga ama. Sila ay mga musikero sa tahanan ni Yahweh, na may mga pompiyang at instrumentong may kuwerdas habang sila ay naglilingkod sa tahanan ng Diyos. Sina Asaf, Jeduthun at Heman ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng hari. 7 Sila at ang kanilang mga kapatid na mahusay at bihasa upang bumuo ng musika para kay Yahweh ay may bilang na 288. 8 Sila ay nagsapalaran para sa kanilang mga tungkulin, pantay-pantay ang lahat, ang nakababata maging ang matatanda, ang guro maging ang mag-aaral. 9 Ngayon tungkol sa mga anak na lalaki ni Asaf: ang unang napili sa pamamagitan ng palabunutan ay napunta sa pamilya ni Jose, ang ikalawa ay napunta sa pamilya ni Gedalia, labindalawang katao ang bilang. 10 Ang ikatlo ay napunta kay Zacur, sa kaniyang mga anak at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 11 Ang ikaapat ay napunta kay Izri, sa kaniyang mga anak at ang kaniyang kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 12 Ang ikalima ay napunta kay Netanias, sa kaniyang mga anak at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 13 Ang ikaanim ay napunta kay Bukias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 14 Ang ikapito ay kay Jesharelah, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 15 Ang ikawalo ay pumunta kay Jesaias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 16 Ang ikasiyam ay napunta kay Matitias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 17 Ang ikasampu ay napunta kay Simei, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 18 Ang ikalabing-isa ay napunta kay Azarel, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 19 Ang ikalabindalawa ay napunta kay Hashabias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 20 Ang ikalabintatlo ay napunta kay Subael, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 21 Ang ikalabing-apat ay napunta kay Matitias, ang kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 22 Ang ikalabinlima ay kay Jeremot, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 23 Ang ikalabing-anim ay napunta kay Hananias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 24 Ang ikalabingpito ay napunta kay Josbecasa, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 25 Ang ikalabingwalo ay napunta kay Hanani, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 26 Ang ikalabingsiyam ay kay Maloti, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 27 Ang ikadalawampu ay napunta kay Eliata, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 28 Ang ikadalawampu't isa ay napunta kay Hotir, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 29 Ang ikadalawampu't dalawa ay napunta kay Gidalti, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 30 Ang ikadalawampu't tatlo ay kay Mahaziot, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 31 Ang ikadalawampu't apat ay pumunta kay Romamti-Ezer, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao.
26:1 Ito ang pagkakahati-hati ng mga pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan: Mula sa angkan ni Korah, si Meselemias na anak ni Korah, kaapu-apuhan ni Asaf. 2 Mayroong mga anak na lalaki si Meselemias: si Zacarias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatniel ang ikaapat, 3 si Elam ang ikalima, si Jehohanan ang ikaanim, si Eliehoenai ang ikapito. 4 May mga anak na lalaki si Obed Edom: Si Semaias ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joa ang ikatlo, at si Sacar ang ikaapat, at si Natanel ang ikalima, 5 si Amiel ang ikaanim, si Isacar ang ikapito, si Peulletai ang ikawalo, sapagkat pinagpala ng Diyos si Obed Edom. 6 Si Semaias, na kaniyang anak ay nagkaroon ng mga anak na lalaki na namumuno sa kani-kanilang mga pamilya. Sila ang mga kalalakihang marami ang kakayahan. 7 Ang mga anak na lalaki ni Semaias ay sina Otni, Refael, Obed at Elzabad. Ang mga kamag-anak niya na sina Elihu at Semaquias ay mga kalalakihang may mga kakayahan rin. 8 Lahat sila ay mga kaapu-apuhan ni Obed-edom. Sila at ang kanilang mga anak at mga kamag-anak ay may kakayahang gawin ang kanilang mga tungkulin sa paglilingkod sa loob ng tabernakulo. Ang animnapu't dalawa sa kanila ay mga kamag-anak ni Obed-edom. 9 Si Meselemias ay may mga lalaking anak at kamag-anak, mga lalaking may kakayahan, labingwalo silang lahat. 10 Si Hosa, na kaapu-apuhan ni Merari, ay may mga anak na lalaki: si Simri ang pinuno (ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama kahit hindi siya ang panganay), 11 si Hilkias ang ikalawa, si Tebalias ang ikatlo, at si Zacarias ang ikaapat. Lahat ng mga anak ni Hosa at mga kamag-anak ay labintatlo ang bilang.
12 Ang pagkakapangkat-pangkat na ito ng mga tagapagbantay ng tarangkahan, na ayon sa kanilang mga pinuno ay may mga tungkulin na tulad ng kanilang mga kamag-anak, upang maglingkod sa tahanan ni Yahweh. 13 Nagpalabunutan sila, maging bata at matanda, ayon sa kanilang mga pamilya, para sa bawat tarangkahan. 14 Nang nagpalabunutan sila para sa silangang tarangkahan, napunta ito kay Selemias. Pagkatapos ay nagpalabunutan uli sila para sa anak niyang si Zacarias, isang matalinong tagapagpayo, at napunta sa kaniya ang hilagang tarangkahan. 15 Kay Obed-edom itinalaga ang tarangkahan sa timog, at itinalaga sa kaniyang mga anak ang mga bahay-imbakan. 16 Itinalaga kina Supim at Hosa ang kanlurang tarangkahan pati na rin ang tarangkahan ng Sallequet, na nasa daang paakyat. Itinakda ang pagbabantay para sa bawat pamilya. 17 Sa bandang silangan ay may anim na Levita, sa hilaga ay may apat sa isang araw, sa timog ay may apat sa isang araw at dalawang pares sa mga bahay-imbakan. 18 Sa kanlurang patyo ay may apat na nakabantay, may apat din sa daanan, at may dalawa sa patyo.
19 Ito ang mga pagkakapangkat-pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan. Marami sa kanila ay mga kaapu-apuhan nina Korah at Merari.
20 Sa mga Levita, si Ahias ang taga-pangasiwa ng mga kayamanan sa tahanan ng Diyos, at ang mga bagay na kayamanan na pag-aari ni Yahweh. 21 Ang mga kaapu-apuhan ni Ladan na nagmula kay Gershon at mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan na Gersonita, ay sina Jehiel at ang kaniyang mga anak, 22 si Zetam, at si Joel na kaniyang kapatid, na nangangasiwa sa mga bahay-imbakan sa tahanan ni Yahweh.
23 May mga bantay din na kinuha mula sa mga angkan nina Amram, Ishar, Hebron, at Uzziel. 24 Si Sebuel na anak ni Gershon na anak ni Moises ang nangangangasiwa ng mga bahay-imbakan. 25 Ang kaniyang mga kamag-anak mula sa angkan ni Eliezer ay ang anak niyang si Rehabias, ang anak na lalaki ni Rehabias na si Jesaias, ang anak na lalaki ni Jesaias na si Joram, ang anak na lalaki ni Joram na si Zicri, at ang anak na lalaki naman ni Zicri na si Selomit. 26 Sina Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ang namamahala sa lahat ng mga bahay-imbakan kung saan nakatago ang mga bagay na pag-aari ni Yahweh, na inilaan ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, at ng mga pinuno ng mga hukbo kay Yahweh. 27 Inilaan nila ang ilan sa mga nasamsam sa labanan para sa pagpapaayos ng tahanan ni Yahweh. 28 Nangangasiwa rin sila sa lahat ng mga bagay na inilaan ni propeta Samuel kay Yahweh, mga bagay na inilaan ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruias. Ang lahat ng mga inilaan kay Yahweh ay nasa ilalim ng pag-iingat ni Selomit at ng kaniyang mga kamag-anak. 29 Sa mga kaapu-apuhan ni Ishar, si Kenanias at ang kaniyang mga anak ang tagapamahala sa mga gawain sa labas ng Israel. Sila ang mga opisyal at mga hukom. 30 Sa mga kaapu-apuhan ni Hebron, sina Hashabaias at ang kaniyang mga kapatid, 1, 700 na kalalakihang may kakayahan, ang tagapamahala sa gawain para kay Yahweh at sa mga gawaing para sa Hari. Sila ay nasa kanlurang bahagi ng Jordan. 31 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Hebron, si Jerijas ang pinuno ng kaniyang mga kaapu-apuhan, na kabilang sa listahan ng kanilang mga pamilya. Sa ika-apatnapung taon ng paghahari ni David sinaliksik nila ang mga talaan at natagpuan nilang may mga mahuhusay na kalalakihan sa kanila sa Jazer ng Gilead. 32 Si Jerijas ay may 2, 700 na kamag-anak, na mga pinuno ng pamilya. Ginawa sila ni David na tagapangasiwa sa tribo ni Ruben at Gad at sa kalahating tribo ni Manases, para sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Diyos at sa Hari.