Mga Paghahanda para sa Paglilingkod sa Templo (continued)
1015 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Ito ang talaan ng mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita, mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, gayun din ang mga pinuno ng hukbo na naglilingkod sa hari sa iba't ibang paraan. Bawat pangkat ng mga hukbo ay naglilingkod sa bawat buwan sa buong taon. Sa bawat pangkat ay mayroong 24, 000 na mga kalalakihan. 2 Ang namahala sa pangkat ng unang buwan ay si Jasobeam na anak ni Zabdiel. Sa kaniyang pangkat ay mayroong 24, 000 kalalakihan. 3 Kabilang siya sa mga kaapu-apuhan ni Peres at nangangasiwa sa lahat ng mga opisyal ng hukbo para sa unang buwan. 4 Ang namamahala sa pangkat sa ikalawang buwan ay si Dodai, mula sa angkan na nagmula sa mga kaapu-apuhan ni Aho. Si Miclot ang nasa ikalawang tungkulin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 5 Ang pinuno ng hukbo para sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada, na pari at pinuno. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 6 Ang Benaias na ito ang siyang pinuno ng tatlumpo at namamahala sa tatlumpo. Si Amizabad na kaniyang anak ay nasa kaniyang pangkat. 7 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaapat na buwan ay si Asahel na kapatid ni Joab. Ang kaniyang anak na si Zebadias ang naging pinuno ng mga kawal pagkatapos niya. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 8 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalimang buwan ay si Samhut, isa sa mga kaapu-apuhan ni Ishar. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 9 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaanim na buwan ay si Ira na mula sa Tekoa na anak ni Ikes. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 10 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikapitong buwan ay si Helez na Pelonita, mula sa mga tao ng Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 11 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikawalong buwan ay si Sibecai na Husatita mula sa angkan ng Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 12 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita, mula sa tribo ni Benjamin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 mga kalalakihan. 13 Ang pinuno ng mg kawal para sa ikasampung buwan ay si Maharai mula sa lungsod ng Netofa mula sa angkan ni Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 14 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing isang buwan ay si Benaias mula sa lungsod ng Piraton, mula sa tribo ni Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 15 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na mula sa Netofa mula sa angkan ni Otniel. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan.
16 Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel: Para sa tribo ni Ruben, si Eliezer na anak ni Zicri ang pinuno. Para sa tribo ni Simeon, si Sefatias na anak ni Maaca ang pinuno. 17 Para sa tribo ni Levi, si Hashabias na anak ni Kemuel ang pinuno at pinangunahan ni Zadok ang mga kaapu-apuhan ni Aaron. 18 Para sa tribo ni Juda, si Elihu na isa sa mga kapatid ni David ang pinuno. Para sa tribo ni Isacar, si Omri na anak ni Micael ang pinuno. 19 Para sa tribo ni Zebulun, si Ismaias na anak ni Obadias ang pinuno. Para sa tribo ni Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel ang pinuno. 20 Para sa tribo ni Efraim, si Hosea na anak ni Azarias ang pinuno. Para sa kalahating tribo ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias ang pinuno. 21 Para sa kalahating tribo ni Manases na nasa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias ang pinuno. Para sa tribo ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner ang pinuno. 22 Para sa tribo ni Dan, si Azarel na anak ni Jeroham ang pinuno. Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel.
25 Si Azmavet na anak ni Abdiel ang namahala sa kaban ng yaman ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzias ang namahala sa mga bahay-imbakan sa bukid, sa lungsod, at sa mga nayon at sa mga pinatibay na mga tore. 26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namahala sa mga magsasakang nag-aararo ng lupa. 27 Si Simei na mula sa Rama ang namahala ng mga ubasan, at Si Zabdi na mula sa Sephan ang namahala ng mga ubas at ang mga imbakan ng alak. 28 Si Baal Hahan na mula sa Geder ang namahala sa mga punong olibo at mga puno ng sicamoro na nasa mga mabababang lugar, at si Joas ang namahala sa mga imbakan ng langis. 29 Pinamahalaan ni Sitrai na mula sa Saron ang mga kawan na pinapastulan sa Saron, at pinamahalaan ni Safat na anak ni Adlai ang mga kawan na nasa mga lambak. 30 Sa mga kamelyo, si Obil na Ismaelita ang namahala, at si Jedeias na mula sa Meronot ang namahala sa mga babaeng asno. Si Jaziz na Hagrita ang namahala sa mga kawan. 31 Lahat ng ito ay mga tagapamahala ng mga pag-aari ni Haring David.
32 Si Jonatan na tiyo ni David, ay isang tagapayo, sapagkat isa siyang marunong na tao at isang eskriba. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang nangalaga sa mga anak na lalaki ng hari. 33 Si Ahitofel ang tagapayo ng hari, at si Husai na mula sa mga tao ng Arkita ay sariling taga-payo ng hari. 34 Kinuha ni Joiada na anak ni Benaias at ni Abiatar ang tungkulin ni Ahitofel. Si Joab ang pinuno ng hukbo ng mga kawal ng hari.
11 Pagkatapos nito ibinigay ni David kay Solomon na kaniyang anak ang plano para sa portiko ng templo, ng mga gusali ng templo, ng mga silid imbakan, ng mga silid na nasa itaas, ng mga silid sa loob, at ang silid kung saan ilalagay ang takip ng luklukan ng awa. 12 Ibinigay niya ang plano na kaniyang iginuhit para sa patyo ng bahay ni Yahweh, ang lahat ng nakapalibot na mga silid, ang silid imbakan sa tahanan ng Diyos, at ang mga kabang-yaman na pag-aari ni Yahweh. 13 Ibinigay niya ang mga tuntunin para sa mga gawain ng bawat pangkat ng mga pari at mga Levita, para sa mga itinalagang responsibilidad para sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh, at para sa lahat ng mga bagay sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. 14 Ibinigay niya ang timbang ng lahat ng sisidlang ginto, at ng lahat ng sisidlang pilak, at ng lahat ng mga bagay na kailangan para sa bawat uri ng paglilingkod. 15 Ibinigay ang mga detalye ng mga ito, ang timbang, kabilang ang detalye para sa mga ilawang ginto at para sa mga gintong patungan ng mga ito, ang mga detalye ng timbang ng bawat isa nito, pati na ang patungang pilak at ang mga detalye para sa tamang paggamit sa bawat patungan ng mga ilawan. 16 Ibinigay niya ang timbang ng mga ginto para sa mga lamesa ng tinapay na handog, para sa bawat lamesa, at ang timbang ng pilak para sa mga lamesang pilak. 17 Ibinigay niya ang timbang ng purong ginto para sa mga panusok ng karne, mga palanggana, at mga tasa. Ibinigay niya ang timbang para sa bawat gintong mangkok, at ang timbang ng bawat pilak na mangkok. 18 Ibinigay niya ang timbang ng pinong ginto para sa altar ng insenso, at ng ginto para sa disenyo ng mga kerubin na nakabuka ang kanilang mga pakpak at tumatakip sa kaban ng tipan ni Yahweh.
19 Sinabi ni David, “Isinulat ko ang mga ito habang pinapatnubayan ako ni Yahweh at ipinaunawa sa akin ang tungkol sa mga disenyo.”
20 Sinabi ni David kay Solomon na kaniyang anak, “Magpakatatag ka at maging matapang. Gawin mo ang gawain. Huwag kang matakot o mabalisa, sapagkat si Yahweh na Diyos na aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa paglilingkod sa templo ni Yahweh. 21 Tingnan mo, narito ang mga pangkat ng mga pari at mga Levita para sa lahat ng paglilingkod sa templo ng Diyos. Makakasama mo sila, kasama ng lahat ng mga kalalakihang bihasang at may kusang loob upang tulungan ka sa gawain at upang gampanan ang paglilingkod. Ang mga opisyal at ang lahat ng mga tao ay handang sumunod sa iyong mga utos.”