Inulit ni Moises ang Batas sa Paghuhukom (continued)

1451 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Deuteronomio 23–24

1 Sinumang lalaki na ang kanilang mga pribadong bahagi ay nadurog o naputol ay hindi maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.

2 Walang anak sa labas ang maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh; hanggang sa ikasampung salinlahi ng kaniyang mga kaapu-apuhan, wala sa kanila ang maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.

3 Isang Ammonita o isang Moabita ay hindi maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh; hanggang sa ikasampung salinlahi ng kaniyang mga kaapu-apuhan, wala sa kanila ang maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh. 4 Ito ay dahil hindi nila kayo sinalubong ng may tinapay at tubig sa daan, noong kayo ay lumabas sa Ehipto, at dahil inupahan nila laban sa inyo si Balaam ang anak na lalaki ni Beor mula Petor sa Aram Naharaim, para sumpain kayo. 5 Pero si Yahweh na inyong Diyos ay hindi nakinig kay Balaam; sa halip, si Yahweh na inyong Diyos ay ginawa pagpapala ang mga sumpa para sa inyo, dahil si Yahweh na inyong Diyos ay minahal kayo. 6 Hindi ninyo dapat hanapin ang kanilang kapayapaan o kaunlaran, sa lahat ng inyong araw.

7 Hindi ninyo dapat kamuhian ang isang Edomita, dahil siya ay kapwa ninyo Israelita; hindi ninyo dapat kasuklaman ang isang taga-Ehipto, dahil kayo ay dating isang dayuhan sa kaniyang lupain. 8 Ang mga kaapu-apuhan ng ikatlong salinlahi na isinilang sa kanila ay maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.

9 Kapag kayo ay maglalakad bilang isang hukbo laban sa inyong mga kaaway, dapat ninyong bantayan ang inyong mga sarili mula sa masasamang bagay. 10 Kung mayroon man sa inyong isang lalaki na marumi dahil sa nangyari sa kaniya kinagabihan, dapat siyang lumabas sa kampo ng mga sundalo; hindi siya dapat bumalik sa kampo. 11 Kapag sumapit na ang gabi, dapat niyang paliguan ang kaniyang sarili sa tubig, kapag lumubog na ang araw, maaari na siyang bumalik sa loob ng kampo.

12 Dapat kayong magkaroon ng isang lugar sa labas ng kampo kung saan maaari kayong pumunta; 13 at magkaroon kayo sa inyong mga kagamitan ng magagamit panghukay; kapag kayo ay tumingkayad para maginhawaan ang inyong sarili, dapat kayong maghukay gamit ito at pagkatapos ay lagyan muli ng lupa para takpan ang anumang lumabas mula sa inyo.

14 Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay naglalakad sa gitna ninyo para bigyan kayo ng tagumpay at ibigay ang inyong mga kalaban sa inyo. Kaya dapat ninyong gawing banal ang kampo, nang sa ganun wala siyang makitang maruming bagay sa inyo at tumalikod mula sa inyo.

15 Hindi ninyo dapat ibalik sa kaniyang amo ang isang alipin na tumakas mula sa kaniyang amo. 16 Hayaan ninyo siyang manirahan kasama ninyo, sa anumang bayan na kaniyang pipiliin. Huwag ninyo siyang pahirapan.

17 Hindi dapat magkaroon ng bayarang babae sa sinuman sa mga anak na babae ng Israel, ni hindi dapat magkaroon ng bayarang lalaki sa mga anak na lalaki ng Israel. 18 Hindi dapat kayo magdala ng mga kabayaran sa isang bayarang babae, o mga kabayaran sa isang bayarang lalaki, sa bahay ni Yahweh na inyong Diyos sa anumang panata; dahil ang dalawang bagay na ito ay kasuklamsuklam kay Yahweh na inyong Diyos.

19 Hindi dapat kayo magpahiram ng may tubo sa kapwa ninyo Israelita—tubo sa pera, tubo sa pagkain, o tubo sa kahit na anong pinapahiram na may tubo. 20 Sa isang dayuhan ay maaari kayong magpahiram ng may tubo; pero sa inyong kapwa Israelita ay hindi kayo dapat magpahiram ng mayroong tubo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng paglagyan ng inyong kamay, sa lupain kung saan ay inyong aangkinin.

21 Kapag kayo ay gumawa ng panata kay Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat kayo matagal sa pagtupad nito, dahil si Yahweh na inyong Diyos ay tiyak hihingiin ito sa inyo; magiging kasalanan ito kapag hindi ninyo ito tutuparin. 22 Pero kung pipigilan ninyo ang inyong sarili sa pag-gawa ng isang panata, ito ay hindi na magiging kasalanan sa inyo. 23 Ang lumabas sa inyong mga labi ay dapat ninyong tuparin at gawin; ayon sa inyong naipanata kay Yahweh na inyong Diyos, anumang bagay na malaya ninyong naipangako sa pamamagitan ng inyong bibig.

24 Kapag kayo ay pumunta sa ubasan ng inyong kapitbahay, maaari kayong kumain ng dami ng mga ubas hanggang sa nais ninyo, Pero huwag kayong maglagay ng ilan man sa inyong buslo.

25 Kapag kayo ay pumunta sa hinog na bunga ng inyong kapitbahay, maaari ninyong pitasin ang mga ulo ng butil sa pamamagitan ng inyong kamay, pero huwag ninyong lagyan ng karit sa hinog na butil ng inyong kapitbahay.

24:1 Kapag ang isang lalaki ay kumuha ng isang asawa at pinakasalan niya, kung wala siyang nakitang pabor sa kaniyang mga mata dahil nakakita siya ng hindi angkop na bagay sa kaniya, dapat siyang sumulat ng liham ng pagkakahiwalay, ilagay ito sa kaniyang kamay at palabasin siya sa kaniyang bahay.

2 Kapag siya umalis sa kaniyang bahay, maaari siyang umalis at maging asawa ng ibang lalaki. 3 Kung ang pangalawang asawang lalaki ay napoot sa kaniya at sinulatan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, inilalagay ito sa kaniyang kamay at pinaalis niya sa kaniyang bahay; o kung namatay ang pangalawang asawang lalaki, ang lalaking kumuha sa kaniya para magiging kaniyang asawa— 4 pagkatapos ang kaniyang dating asawa na unang nagpalayas sa kaniya, maaaring hindi niya ito tanggapin na kaniyang asawa, matapos na siya'y maging marumi, dahil iyon ay hindi kalugod-lugod sa harapan ni Yahweh. Hindi ka dapat na magdulot sa lupain na maging makasalanan, ang lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.

5 Kapag ang lalaki ay kumuha ng bagong asawa, hindi siya sasama sa labanan kasama ang hukbo, ni utusan ng sapilitang tungkulin; siya ay malaya na nasa kaniyang bahay sa loob ng isang taon at magpapasaya sa kaniyang asawa na kaniyang kinuha.

6 Walang tao ang maaaring kumuha ng gilingan o sa mataas na gilingang bato bilang isang sangla, dahil iyon ay pagkuha ng buhay ng taoo bilang kasunduan.

7 Kung ang isang tao ay natagpuang dinudukot ang sinuman sa kaniyang mga kapatid mula sa bayan ng Israel at pinakitunguhan niya bilang isang alipin at binenta siya, ang magnanakaw na iyon ay dapat mamatay; at alisin ninyo ang kasamaan sa inyo.

8 Pakinggang mabuti ang tungkol sa anumang sakit ng ketong, sa gayon bigyan ninyo ng mainamn na pansin at sumunod sa bawat tagubilin sa inyo ng mga pari, na mga levita, na nagturo sa inyo; ayon sa iniutos ko sa kanila, para kayo ay kumilos. 9 Isaisip kung ano ang ginawa ni Yahweh na iyong Diyos kay Miriam, nang kayo'y lumabas sa Ehipto.

10 Kapag ikaw ay magpapahiram sa inyong kapitbahay ng anumang uri ng utang, huwag kayong papasok sa kaniyang bahay para kunin ang kaniyang inutang. 11 Ikaw ay tatayo sa labas at ang taong inyong pinahiram ay dadalhin sa labas ang uinutang niya sa inyo. 12 Kung siya ay isang taong mahirap, huwag kayong matulog sinangla niya na nasa inyong pag-aari. 13 Kapag lumubog ang araw, siguraduhing isuli sa kaniya ang sinangla niya sa paglubog ng araw, para siya ay makatulog sa kaniyang balabal at pagpalain ka, ito ay magiging matuwid sa harapan ni Yahweh na iyong Diyos.

14 Hindi dapat ninyo pahirapan ang isang inuupahang lingkod na mahirap at nangangailangan, maging siya ay kapwa mong mga Israelita, o mga dayuhan na nasa inyong lupain sa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod; 15 Bawat araw dapat ninyo ibigay sa kaniya ang kaniyang sahod, dapat hindi lulubog ang araw na hindi siya mabayaran, dahil siya ay mahirap at umaasa dito. Gawin ito para hindi siya dumaing kay Yahweh laban sa inyo at hindi ito magiging kasalanan na iyong nagawa.

16 Hindi dapat patayin ang mga magulang para sa kanilang mga anak, ni ang mga anak ay papatayin para sa kanilang mga magulang; sa halip, bawat isa ay dapat patayin para sa sariling nilang kasalanan.

17 Huwag ninyong piliting ilayo ang hustisya na nararapat sa dayuhan o as ulila, o kunin ang damit ng balo bilang kabayaran sa utang. 18 Sa halip, dapat ninyong isaisip na kayo ay isang alipin sa Ehipto at si Yahweh na inyong Diyos ay iniligtas kayo mula doon. Samakatuwid, tinuturuan ko kayo na sumunod sa utos na ito.

19 Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay.

20 Kapag inalog niyo ang puno ng olibo, dapat hindi na ninyo babalikang muli ang mga sanga, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo.

21 Kapag pinagtipon-tipon ninyo ang mga ubas sa inyong ubasan, hindi mo na dapat pulutin ang nasa likuran mo, ito ay para na sa dayuhan, sa mga ulila, o sa balo. 22 Dapat ninyong isaisip na kayo ay naging isang alipin sa lupain ng Ehipto; kaya't itinuturo ko sa inyo na sundin ang utos na ito.