Inulit ni Moises ang Batas sa Paghuhukom (continued)

1451 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Deuteronomio 21–22

1 Kung may isang taong natagpuang pinatay sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo para angkinin, na nakahiga sa bukid, at hindi matukoy kung sino ang sumalakay sa kaniya; 2 sa gayon dapat lumabas ang inyong mga nakatatanda at inyong mga hukom, at dapat silang mag sukat sa mga lungsod na nakapalibot sa kaniya na siyang pinatay.

3 At ang lungsod na pinakamalapit sa taong pinatay—dapat kumuha ang mga nakatatanda nito ng isang dumalagang baka mula sa mga hayop, isa na hindi pa pinagtrabaho, na hindi pa nalagyan ng pamatok. 4 Dapat magdala ang mga nakatatanda ng lungod na iyon ng dumalagang baka pababa sa isang lambak na may umaagos na tubig, isang lambak na hindi pa na aararo ni tinaniman, at dapat baliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa lambak.

5 Dapat lumapit ang mga pari, mga kaapu-apuhan ni Levi, dahil sila ang pinili ni Yahweh na inyong Diyos para paglingkuran siya at para pagpalain ang mga tao sa pangalan ni Yahweh; makinig sa kanilang mga payo, dahil ang kanilang salita ang magiging pasya sa bawat pagtatalo at kaso ng pagsalakay. 6 Dapat hugasan ng lahat ng nakatatanda ng lungsod na pinakamalapit sa taong pinatay ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa may lambak; 7 at dapat silang sumagot sa kaso at sabihin, 'Hindi ang aming mga kamay ang nagpadanak ng dugong ito, ni hindi ito nakita ng aming mga mata. 8 Yahweh, Patawarin mo ang iyong mga tao sa Israel na iyong iniligtas, at ipawalang sala para sa inosenteng pagdanak ng dugo sa kalagitnaan ng iyong bayang Israel.' Pagkatapos papatawarin sila sa pagdanak ng dugo. 9 Sa ganitong paraan aalisin mo ang inosenteng dugo mula sa inyong kalagitnaan, kung gagawin ninyo kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh.

10 Kapag kayo ay lalabas para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway at ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tagumpay at inilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala, dapat ninyo silang dalhin bilang mga bihag. 11 Kung may makita kayo sa mga bihag na isang magandang babae, at nagkagusto kayo sa kaniya at ninais ninyo siyang kunin para maging sarili ninyong asawa, 12 pagkatapos iuuwi ninyo siya sa inyong bahay, aahitan niya ang kaniyang ulo at puputulin ang kaniyang mga kuko. 13 Huhubarin niya ang suot-suot niyang mga damit nang siya ay bihagin, at siya ay mananatili sa inyong tahanan at magluluksa para sa kaniyang ama at kaniyang ina ng isang buong buwan. Pagkatapos nito maaari ka nang matulog kasama niya at magiging kaniyang asawa, at siya ay magiging iyong asawa. 14 Pero kung hindi ka nalugod sa kaniya, hayaan ninyo nalang siyang pumunta kung saan niya hilingin. Pero hindi ninyo siya dapat na ipagbili para lamang sa pera, at huwag ninyo siyang ituring na parang isang alipin, dahil ipinahiya ninyo siya.

15 Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa, isang minamahal at isang kinasusuklaman, at pareho silang may mga anak sa kaniya— pareho sa minamahal na asawa at ang kinasusuklamang asawa—kung ang panganay na lalaking anak ay sa nasa kinasusuklaman, 16 sa gayon sa araw na ang lalaki ay magbibigay ng pamana sa kaniyang mga anak na lalaki na kanilang magiging pag-aari, hindi niya maaring gawin ang anak na lalaki sa minamahal na asawa na maging panganay na anak bago ang anak na lalaki sa kinasusuklamang asawa, ang siyang tunay na panganay na anak na lalaki.

17 Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.

18 Kung ang isang lalaki ay may isang anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na hindi sumusunod sa boses ng kaniyang ama o sa boses ng kaniyang ina, at sinuman, kahit na siya ay kanilang itinutuwid, hindi nakikinig sa kanila; 19 sa gayon dapat lamang siyang pigilan ng kaniyang ama at kaniyang ina at dalhin siya palabas sa mga nakatatanda ng kaniyang lungsod at sa tarangkahan ng kaniyang siyudad. 20 Dapat nilang sabihin sa mga nakatatanda sa kaniyang lungsod, 'Ang aming anak na lalaking ito ay matigas ang ulo at suwail; hindi siya sumusunod sa aming boses; siya ay isang matakaw at isang lasenggo.'

21 Pagkatapos ang lahat ng kalalakihan sa kaniyang lungsod ay dapat batuhin siya hanggang mamatay gamit ang mga bato; at maaalis ninyo ang kasamaan mula sa inyo. Maririnig ito ng buong Israel at matatakot.

22 Kung ang isang tao ay nakagawa ng isang kasalanan na karapat dapat para sa kamatayan at patayin siya, at ibitin ninyo siya sa isang puno, 23 sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.

22:1 Hindi dapat ninyo pabayaan ang lalaking baka ng inyong kapwa Israelita o ang kaniyang tupa ay naligaw at itago ang inyong sarili mula sa kanila; dapat tiyakin ninyong isauli ito sa kaniya. 2 Kung ang kapwa ninyo Israelita ay hindi malapit sa inyo, o hindi ninyo siya kilala, kung gayon iuwi ninyo ang hayop sa inyong tahanan, at ito ay dapat nasa sa inyo hanggang hanapin niya ito, at pagkatapos ito ay dapat ibalik ninyo sa kaniya. 3 Kailangan gawin din ninyo ito sa kaniyang asno; kailangan gawin rin ninyo ito sa kaniyang damit; kailangan gawin rin ninyo ito sa bawat nawawalang bagay ng inyong kapwa Israelita, anumang bagay na kaniyang nawala at inyong nakita; hindi ninyo maaaring itago sa inyong sarili.

4 Hindi ninyo dapat masdan lang ang asno ng inyong kasamahang Israelita o ang kaniyang natumbang lalaking baka sa daan at itago ang inyong sarili mula sa kanila; dapat tiyakin ninyong tulungan siya para muling ibangon ito.

5 Ang isang babae ay hindi dapat magsuot ng kung anong may kinalaman sa isang lalaki, at ni ang isang lalaki ay magsuot ng pambabaeng kasuotan; dahil kung sinuman ang gagawa ng mga bagay na ito ay isang bagay na kasuklam-suklam para kay Yahweh na inyong Diyos.

6 Kung ang isang pugad ng ibon ay mangyaring nasa inyong harapan sa daanan, sa anumang punong kahoy sa lupa, na may mga inakay o mga itlog sa loob nito, at ang inang ibon na naglilimlim sa inakay o sa ibabaw ng mga itlog, hindi ninyo dapat kunin ang inang ibon kasama ang inakay. 7 Dapat tiyakin ninyong pakawalan ang inang ibon, pero ang inakay ay maaring ninyong kunin sa inyong sarili. Sundin ang utos na ito para maging mabuti sa inyo, at para mapahaba ninyo ang inyong mga araw.

8 Kapag kayo ay nagpatayo ng isang bagong bahay, kung gayon dapat gumawa kayo ng isang barandilya para sa inyong bubong, para hindi kayo magdala ng dugo sa inyong bahay, kung sinuman ang mahuhulog mula doon.

9 Dapat hindi kayo magtanim sa inyong ubasan ng dalawang uri ng buto, para ang buong ani ay hindi kunin ng banal na lugar, ang buto na inyong hinasik at ang bunga ng ubasan.

10 Hindi dapat kayo mag-araro kasama ang isang lalaking baka at isang asno ng magkasama.

11 Hindi dapat kayo magsuot ng tela na gawa sa lana at lino ng magkasama.

12 Dapat gawan ninyo ang inyong sarili ng mga palawit sa apat na mga sulok ng balabal na inyong isusuot.

13 Ipagpalagay na ang isang lalaki ay kumuha ng isang asawa, at sinipingan niya, 14 at pagkatapos ay kinamuhian niya, at pinaratangan niya ng nakakahiyang mga bagay at naglagay ng isang masamang reputasyon sa kaniya, at sasabihing, 'Kinuha ko itong babae, pero nang sinipingan ko siya, natuklasan kong wala siyang katibayan sa kaniyang pagkabirhen' 15 Pagkatapos ang ama at ina ng babae ay dapat magpakita ng katunayan ng kaniyang pagkabirhen sa mga nakatatanda sa lungsod. 16 Ang ama ng dalaga ay dapat magsalita sa mga nakatatanda, 'Ibinigay ko ang aking anak na babae sa lalaking ito bilang isang asawa, at siya ay kinamuhian niya. 17 Tingnan ninyo, siya ay pinaratangan niya ng nakakahiyang mga bagay at sinabi, “Wala akong nakitang katibayan sa pagkabirhen ng inyong anak na babae”—gayon pa man ito ay nagpapatunay sa pagkabirhen ng aking anak na babae.' At pagkatapos ilalatag nila palabas ang damit sa harapan ng mga nakatatanda ng lungsod.

18 Ang mga nakatatanda sa lungsod na iyon ay dapat kunin ang lalaking iyon at siya ay parusahan; 19 at pagmultahin ng isang daang shekel ng pilak, at ibigay ang mga ito sa ama ng babae, dahil nilagyan ng lalaki ng isang masamang kapurihan ang isang birhen ng Israel. Dapat siya ay maging kaniyang asawa; hindi niya maaaring palayasin siya sa buong buhay niya.

20 Pero kung ang bagay na ito ay totoo, na ang katibayan ng pagkabirhen ay hindi nakita sa babae, 21 kung gayon kailangan nilang dalhin palabas ang babae sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at ang mga lalaki ng kaniyang lungsod ay dapat siyang batuhin, hanggang siya ay mamatay, dahil siya ay gumawa ng isang nakakahiyang asal sa Israel, na umasal gaya ng isang bayarang babae sa bahay ng kaniyang ama; at aalisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.

22 Kung ang isang lalaki ay nakitang sumiping sa isang babae na kasal na sa ibang lalaki, kung gayon silang dalawa ay dapat mamatay, ang lalaking sumiping sa babae, at ang babae mismo; dapat alisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.

23 Kung may isang dalagang isang birhen, may kasunduang ipakakasal sa isang lalaki, at may ibang lalaking nakakita sa kaniya sa lungsod at sumiping sa kaniya, 24 dalhin silang dalawa sa tarangkahan ng lungsod, at sila ay babatuhin hanggang mamatay. Dapat ninyong batuhin ang babae, dahil hindi siya sumigaw, kahit siya ay nasa lungsod. Dapat ninyong batuhin ang lalaki, dahil nilapastangan niya ang asawa ng kaniyang kapwa; at aalisin ninyo ang kasamaan na mula sa inyo.

25 Pero kung makita ng lalaki sa bukid ang babae na may kasunduan ikakasal, at sinunggaban niya ito at sinipingan, kung gayon tanging ang lalaking sumiping sa kaniya ang dapat mamatay. 26 Pero sa dalaga, wala kayong dapat gawin; walang kasalanan na kamatayan ang nararapat sa dalaga. Dahil ang kasong ito ay katulad nang isang lalaking umatake sa kaniyang kapwa at pinatay niya. 27 Dahil siya ay nakita niya sa bukid; sumigaw ang babaeng may kasunduang ipakakasal, pero wala doon ni isa para siya ay iligtas.

28 Kung makakita ang isang lalaki ng isang dalaga na isang birhen pero walang pang kasunduang ipakakasal, at kung siya ay sinunggaban niya at sinipingan, at kung sila ay natuklusan, 29 sa gayon ang lalaking sumiping sa kaniya ay dapat magbigay ng limampung mga shekel na pilak sa ama ng babae, at siya ay dapat maging kaniyang asawa, dahil ipinahiya niya siya. Hindi niya maaaring palayasin siya sa buong buhay niya.

30 Hindi dapat kunin ng isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama bilang sa kaniya; hindi niya dapat kunin ang karapatan ng pag-aasawa ng kaniyang ama.