Inulit ni Moises ang Batas sa Paghuhukom (continued)
1451 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Kapag hiniwalay ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansa, iyong mga lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, at kapag kayo ay dumating kasunod nila at nanirahan sa kanilang mga lungsod at mga bahay, 2 dapat kayong pumili ng tatlong lungsod para sa inyong sarili sa gitna ng inyong lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo para angkinin. 3 Dapat kayong gumawa ng isang daanan at hatiin ang mga hangganan ng inyong lupain sa tatlong bahagi, ang lupain na gagawin ni Yahweh na inyong Diyos na inyong manahin, para ang bawat isang nakapatay ng ibang tao ay maaaring tumakas doon.
4 Ito ang batas para sa isang nakapatay ng kapwa at siyang tumakas doon para mabuhay: sinumang nakapatay ng kaniyang kapitbahay ng hindi sinasadya, na hindi niya dating kinamuhian— 5 gaya nang isang taong pumunta sa kagubatan kasama ang kaniyang kapitbahay para pumutol ng kahoy, at ipapalo ang kaniyang kamay gamit ang palakol para pumutol ng isang puno, at nadulas ang ulo mula sa hawakan at tinamaan ang kaniyang kapitbahay kung kaya't namatay siya— kaya dapat na tumakas ang taong iyon sa isa sa mga lungsod na iyon at mabuhay.
6 Kung hindi maaaring habulin ng tagapaghiganti sa dugo kung sino ang kumitil sa buhay, at sa matinding galit maabutan siya dahil isang mahabang paglalakbay ito. At hinampas niya siya at pinatay, kahit na hindi karapat-dapat na mamatay ang taong iyon; at kaya't hindi siya karapat-dapat sa parusang kamatayan dahil hindi niya kinamuhian ang kaniyang kapit-bahay bago pa ito nangyari. 7 Kaya inuutos ko sa inyo na pumili ng tatlong lungosod para sa inyong sarili.
8 Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, gaya ng kaniyang ipinangakong gagawin sa inyong mga ninuno, at ibibigay sa inyo ang lahat ng lupain na ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno; 9 kung pananatilihin ninyo ang lahat ng mga utos na ito para gawin ang mga ito, na inuutos ko sa inyo ngayon—mga utos na ibigin si Yahweh na inyong Diyos at lumakad palagi sa kaniyang mga kaparaanan, sa gayon dapat kayong magdagdag ng tatlo pang lungsod para sa inyong sarili, bukod sa tatlong ito.
10 Gawin ito para hindi dumanak ang walang salang dugo sa gitna ng lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo bilang isang pamana, para walang dugo ng pagkakasala ang mapunta sa inyo.
11 Pero kung sinuman ang nagagalit sa kaniyang kapit-bahay, inabangan siya, mangibabaw laban sa kaniya, at malubha siyang sinugatan kung kaya't namatay siya, at kung tatakas siya papunta sa isa sa mga lungsod na iyon— 12 dapat magpadala ang mga nakatatanda ng kaniyang lungsod at dalhin siya pabalik mula roon, at ibigay siya sa kamay ng mapagkakatiwalaang kamag-anak, para mamatay siya. 13 Hindi dapat maawa ang inyong mata sa kaniya; sa halip, dapat ninyong pawiin ang dugo ng pagkakasala mula sa Israel, sa ikakabuti ninyo.
14 Hindi dapat ninyo alisin ang mga palatandaan sa lupa ng inyong kapitbahay na inilagay nila sa lugar ng mahabang panahon na ang nakalipas, sa inyong pamana na inyong mamanahin, sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos para angkinin.
15 Hindi dapat mangibabaw laban sa isang tao ang isang tanging saksi para sa anumang kasalan, sa anumang bagay siya nagkasala; sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi, dapat mapatunayan ang anumang bagay.
16 Ipagpalagay na nangibabaw ang hindi matuwid na saksi laban sa sinumang tao para magpatotoo laban sa kaniyang maling gawain. 17 Pagkatapos silang dalawa, kung sino sa pagitan nila ang may umiiral na pagtatalo, ay dapat tumayo sa harapan ni Yahweh, sa harapan ng mga pari at ng mga hukom na naglilingkod sa mga araw na iyon. 18 Dapat na gumawa ang mga hukom ng masigasig na pagtatanong; tingnan, kung ang saksi ay isang bulaang saksi at nagpahayag ng hindi totoo laban sa kaniyang kapatid, 19 kung gayon dapat ninyong gawin sa kaniya, ang nais niyang gawin sa kaniyang kapatid; at maaalis ninyo ang kasamaan mula sa inyo. 20 Pagkatapos silang mga naiwan ay makakarinig at matatakot, at mula sa panahong iyon hindi na gagawa pa ng anumang kasamaan sa gitna ninyo. 21 Hindi dapat maawa ang inyong mga mata; buhay ang ibabayad para sa buhay, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa.
20:1 Kapag martsa na kayo para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway, at nakakita ng mga kabayo, mga karwaheng pandigma, at maraming bilang ng tao kaysa inyo, hindi dapat kayo matakot sa kanila; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto. 2 Kapag kayo ay malapit na sa digmaan, dapat na lumapit ang pari at magsalita sa mga tao, 3 at sabihin sa kanila, 'Makinig kayo, Israel, malapit na kayo ngayon sa digmaan laban sa inyong mga kaaway; huwag kayong panghinaan ng loob; huwag kayong matakot, ni manginig, ni matakot sa kanila; 4 dahil si Yahweh na inyong Diyos ang siyang sasama sa ninyo para ipaglaban kayo laban sa inyong mga kaaway at para kayo ay iligtas.'
5 Dapat makipag usap ang mga opisyal sa mga tao at sabihing, 'Anong lalaki ang naroon na nagtayo ng isang bagong bahay at hindi ito inihinandog? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang tahanan, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang tao ang maghandog nito. 6 Anong lalaki ang naroon na siyang nagtanim ng isang ubasan at hindi nagamit ang bunga nito? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang gagamit ng bunga nito. 7 Anong lalaki ang naroon na siyang nakatakdang ipakasal sa isang babae pero hindi pa niya pinakasalan? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang mapangasawa niya.'
8 Ang mga opisyal ay dapat pang magsalita sa mga tao at sabihing, 'Anong lalaki ang naroon na siyang natatakot o naduduwag? Hayaan siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay, para ang puso ng kaniyang kapatid ay hindi matunaw tulad ng kaniyang sariling puso.'
9 Kapag natapos ng magsalita ang mga opisyal sa mga tao, dapat silang magtalaga ng mga mamumuno sa kanila.
10 Kapag kayo ay nagmartsa para salakayin ang isang lungod, gumawa ng isang handog ng pangkapayapaan sa mga taong iyon. 11 Kung tanggapin nila ang inyong alok at buksan ang kanilang mga tarangkahan, lahat ng mga taong matagpuan rito ay dapat sapilitang magtrabaho para sa inyo at dapat na maglingkod sa inyo.
12 Pero kung walang mag-alok ng kapayapaan sa inyo, sa halip ay makipagdigmaan laban sa inyo, kung ganun dapat ninyo itong salakayin, 13 at kapag ibinigay na sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tagumpay at ilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala, dapat ninyong patayin ang bawat lalaki sa bayan. 14 Pero ang mga kababaihan, ang mga bata, mga baka, at lahat ng bagay na nasa lungsod, at lahat ng mapapakinabangan nito, kunin bilang inyo samsam ang lahat ng ito para sa iyong sarili. Gamitin ninyo ang nasamsam mula sa inyong mga kaaway, na siyang si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay sa inyo. 15 Dapat kayong kumilos sa ganitong paraan tungo sa lahat ng mga lungsod na sadyang malayo mula sa inyo, mga lungsod na hindi nabibilang sa mga lungsod na sumusunod sa mga bansang ito.
16 Sa mga lungsod ng mga taong ito na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana, wala dapat kayong ililigtas ng buhay sa mga humihinga. 17 Sa halip, ganap ninyo silang wasakin: ang Heteo, ang Amoreo, ang Cananeo, ang Perezeo, Heviteo, at ang Jebuseo, tulad ng inutos ni Yahweh na inyong Diyos. 18 Gawin ninyo ito para hindi nila kayo turuang kumilos sa alinmang mga kasuklam-suklam na paraan, na ginawa nila sa kanilang mga diyus-diyusan. Kung gagawin ninyo, magkakasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos.
19 Kapag sasalakayin ninyo ang isang lungsod sa mahabang panahon, sa pakikipaglaban ninyo dito para makuha ito, hindi ninyo dapat sirain ang mga puno nito sa pagputol gamit ang palakol laban sa kanila. Dahil maaari kayong kumain mula sa mga ito, kaya hindi ninyo dapat sila putulin. Dahil ang puno ba sa bukid ay ang taong dapat ninyong salakayin? 20 Ang mga puno lamang na alam ninyong punong hindi makakain, ang maaari ninyong wasakin at putulin; magtatayo kayo ng mga kuta laban sa lungsod na nakikipag digma sa inyo, hanggang ito ay bumagsak.