Binihag ang Sampung Lipi
Nagpatuloy ang paghahari ni Hosea. Binihag ang sampung lipi.
723 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
5 Pagkatapos nilusob ng hari ng Asiria ang buong lupain, at nilusob ang Samaria at sinakop ito sa loob ng tatlong taon.
6 Sa ika-siyam na taon ni Hosea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinalang bihag ang Israel sa Asiria. Dinala niya sila sa Hala, sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.
7 Ang pagkakabihag na ito ay naganap dahil ang mga Israelita ay nagkasala laban kay Yahweh ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kapangyarihan ng Faraon hari ng Egipto. Ang mga tao ay sumasamba sa ibang mga diyos at 8 sinusundan ang mga kaugalian ng mga bansang itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mga Israelita, at sa mga kaugalian ginagawa ng mga hari ng Israel.
9 Ang mga Israelita ay palihim na gumawa ng mga bagay na hindi matuwid laban kay Yahweh ang kanilang Diyos. Nagtayo sila ng mga dambana sa lahat ng lungsod, mula sa tore ng tagabantay hanggang sa pinagtibay na lungsod. 10 Nagtayo rin sila ng mga banal na batong poste at poste ni Asera sa bawat burol at lilim ng luntiang puno. 11 Nagsunog sila ng insenso roon sa mga dambana, tulad ng mga ginagawa ng mga bansa, silang mga itinaboy ni Yahweh sa kanilang harapan. Nagsagawa ang mga Israelita ng mga masasamang bagay na nagpagalit kay Yahweh; 12 sumamba sila sa diyus-diyosan, na sinabi ni Yahweh sa kanila, ''huwag ninyo itong gagawin.''
13 Gayon man si Yahweh ay nagpahayag sa Israel at sa Juda sa bawat propeta at sugo, sinasabing, ''Talikuran ang inyong masasamang gawa at sundin aking mga utos at aking mga bilin, at maingat na sundin lahat ng batas aking pinag-utos sa inyong mga ama, at aking ipinabatid sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod ang mga propeta.''
14 Pero hindi sila nakikinig; sa halip sila ay nagmamatigas tulad ng kanilang mga ninuno na hindi nagtiwala kay Yahweh ang kanilang Diyos. 15 Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
16 Sinuway nilang lahat ang mga utos ni Yahweh na kanilang Diyos. Gumawa sila ng imahe ng dalawang batang baka mula sa hinulmang bakal para sambahin. Gumawa sila ng poste ni Asera, at sinamba lahat ng bituin sa langit at si Baal. 17 Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa apoy bilang mga handog na susunugin, gumamit ng panghuhula at panggagayuma, pinagbili kanilang mga sarili para gawin ang masama sa paningin ni Yahweh, at siya ay galitin.
18 Kaya galit na galit sa Israel si Yahweh at inalis sila sa kaniyang paningin. Walang ibang natira maliban sa lipi ni Juda. 19 Kahit ang Juda ay hindi sinunod ang mga utos ni Yahweh ang kanilang Diyos, pero sa halip ay sinundan din ang mga kaugaliang sinusunod ng Israel. 20 Kaya tinanggihan ni Yahweh lahat ng lahi ng Israel; pinahirapan niya sila at ibinigay sila sa kamay ng mga taong aako sa kanila bilang bagay na samsam, hanggang itinaboy niya sila sa kaniyang harapan.
21 Pinilas niya ang Israel sa maharlikang angkan ni David, at ginawa nilang hari si Jeroboam anak ni Nebat. Nilihis ni Jeroboam ang Israel mula sa pagsunod kay Yahweh at hinayaan gumawa ng isang malaking kasalanan. 22 Sinunod ng mga Israelita lahat ng pagkakasala ni Jeroboam at hindi nilisan ang mga ito, 23 kaya inalis ni Yahweh ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng sinabi niya sa lahat ng kaniyang mga lingkod ang mga propeta na gagawin niya. Kaya ang Israel ay tinanggay sa Asiria mula sa sarili niyang lupain, at ito ang kalagayan hanggang sa araw na ito.
9 Sa ika-apat na taon ni Haring Hezekias, na ika-pitong taon ni Haring Hosea na anak ni Ela hari ng Israel, nilusob ni Salmaneser na hari ng Asiria ang Samaria at pinalibutan ito. 10 Sa katapusan ng ikatlong taon ay kinuha nila ito, sa ika-anim na taon ni Hezekias, na ika-siyam na taon ni Hoshea na hari ng Israel; sa ganitong paraan ay nasakop ang Samaria. 11 Kaya dinala ng hari ng Asiria ang mga Israelita papuntang Asiria at nilagay sila sa Hala, at sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes. 12 Ginawa niya ito dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh na kanilang Diyos, pero nilabag ang kaniyang tipan, lahat ng inutos ni Moises ang lingkod ni Yahweh. Tinanggihan nilang makinig dito o gawin ito.