Ang Kuwento ni Ruth (continued)
1245 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Sinabi sa kaniya ni Naomi, na kaniyang biyenan, “Aking anak, hindi ba dapat na humanap ako ng lugar para makapagpahinga ka, kaya maging maayos ang mga bagay para sa iyo? 2 Ngayon si Boaz, ang lalaki na ang mga kabataang babaing manggagawa ay nakasama mo, hindi ba kamag-anak natin siya? Tingnan mo, magtatahip siya ng sebada mamayang gabi sa giikang palapag. 3 Kaya, maglinis, maglagay ka ng pabango, magpalit ka ng damit, at bumaba sa giikan. Pero huwag ka munang magpakilala sa lalaki hanggang matapos siyang kumain at uminom. 4 At tiyakin mo, kapag humiga siya, na matandaan mo ang lugar kung saan siya nakahiga para mamaya ay maaari kang pumunta sa kaniya, alisin ang takip ng kaniyang mga paa, at humiga roon. Pagkatapos sasabihin niya sa iyo ang iyong gagawin.”
5 Sinabi ni Ruth kay Naomi, “Gagawin ko ang lahat ng bagay na sasabihin ninyo.” 6 Kaya bumaba siya sa giikan, at sumunod siya sa mga tagubiling ibinigay sa kaniya ng kaniyang biyenan.
7 Nang si Boaz ay makakain at makainom at ang kaniyang puso ay masigla, pumunta siya para humiga sa dulo ng tumpok ng butil. Pagkatapos siya ay dahan-dahang lumapit, inalis ang takip ng kaniyang mga paa, at nahiga.
8 Nangyari ito noong hatinggabi na ang lalaki ay nagulat. Bumalikwas siya, at naroon ang isang babae na nakahiga sa kaniyang paanan.
9 Sinabi niya, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako si Ruth, ang iyong babaeng lingkod. Ilatag mo ang inyong balabal sa iyong babaeng lingkod, dahil ikaw ay isang malapit na kamag-anak.”
10 Sinabi ni Boaz, “Aking anak, pagpalain ka nawa ni Yahweh. Nagpakita ka ng higit na kabaitan sa huli kaysa sa simula, dahil hindi ka humabol alinman sa mga binata, maging mahirap man o mayaman. 11 At ngayon, aking anak, huwag kang matakot! Gagawin ko para sa iyo ang lahat ng sabihin mo, dahil ang buong lungsod ng aking bayan ay nalalaman na ikaw ay isang karapat-dapat na babae. 12 Ngayon ito ay totoo na ako ay isang malapit na kamag-anak; sa gayon, may isang kamag-anak na mas malapit kaysa akin. 13 Manatili ka rito ngayong gabi, at sa umaga, kung gagampanan niya para sa iyo ang tungkulin ng isang kamag-anak, mabuti, hayaang gawin niya ang tungkulin ng isang kamag-anak. Pero kung hindi niya gagawin ang tungkulin ng isang kamag-anak para sa iyo, pagkatapos ako ang gagawa nito, sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh. Mahiga ka hanggang sa umaga.”
14 Kaya nahiga siya sa kaniyang paanan hanggang umaga. Pero bumangon siya bago pa man may sinumang makakilala ng ibang tao. Dahil sinabi ni Boaz, “Huwag hayaang malaman na pumarito ang babae sa giikan.” 15 Pagkatapos sinabi ni Boaz, “Dalhin mo ang iyong balabal at hawakan mo ito.” Nang gawin niya iyon, nakasukat siya ng anim na malalaking sukat ng sebada sa loob nito at pinasan niya. Pagkatapos nagtungo siya sa lungsod.
16 Nang dumating si Ruth sa kaniyang biyenan, sinabi niya, “Kamusta ang iyong ginawa, aking anak?” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniya ang lahat ng nagawa ng lalaki para sa kaniya. 17 Sinabi niya, “Itong anim na sukat ng sebada ay kung ano ang ibinigay niya sa akin, dahil sinabi niya, 'Huwag kang umalis na walang dala sa iyong biyenan.'”
18 Pagkatapos sinabi ni Naomi, “Manatili ka rito, aking anak, hanggang malaman mo kung anong mangyayari sa bagay na ito, dahil hindi titigil ang lalaki hanggang matapos niya ang bagay na ito ngayon.”
4:1 Ngayon umakyat si Boaz sa tarangkahan at umupo roon. Maya-maya, dumaan ang malapit na kamag-anak na nabanggit ni Boaz. Sinabi ni Boaz sa kaniya, “Aking kaibigan, lumapit ka at maupo rito.” Lumapit ang lalaki at umupo.
2 Pagkatapos nagdala si Boaz ng sampung lalaki na mga nakatatanda sa lungsod at sinabing, “Umupo kayo rito.” Kaya umupo sila.
3 Sinabi ni Boaz sa malapit na kamag-anak, “Si Naomi, na nagbalik mula sa bansa ng Moab, ay ipinagbibili ang kapiraso ng lupain na noon ay sa ating kapatid na si Elimelek. 4 Iniisip kong ipagbigay-alam at sabihin sa iyo, 'Bilhin mo ito sa harapan ng mga nakaupo rito, at sa harapan ng mga nakatatanda ng aking bayan.' Kung nais mong tubusin ito, tubusin mo. Pero kung hindi mo gustong tubusin ito, sabihin mo sa akin para malaman ko, dahil wala ni isang tutubos nito maliban sa iyo, at ako ang kasunod mo.” Pagkatapos, sinabi ng ibang lalaki, “Tutubusin ko ito.”
5 Pagkatapos sinabi ni Boaz, “Sa araw na bilhin mo ang bukid mula sa kamay ni Naomi, kailangan mo ring kunin si Ruth na Moabita, ang asawa ng namatay na lalaki, sa utos para maitaas ang pangalan ng namatay sa kaniyang pamana.”
6 Pagkatapos sinabi ng malapit na kamag-anak, “Hindi ko ito matutubos para sa aking sarili nang hindi masisira ang aking sariling pamana. Kunin mo ang aking karapatan ng pagtubos para sa iyong sarili, dahil hindi ko ito matutubos.”
7 Ngayon ito ang kaugalian sa Israel sa mga naunang panahon patungkol sa pagtubos at pagpalit ng mga ari-arian. Para patunayan ang lahat ng mga bagay, hinuhubad ng isang tao ang kaniyang sapatos at ibinibigay ito sa kaniyang kapitbahay; ito ang paraan sa paggawa ng ayon sa batas na mga kasunduan sa Israel. 8 Kaya sinabi ng malapit na kamag-anak kay Boaz, “Bilhin ito para sa iyong sarili.” At hinubad niya ang kaniyang sapatos.
9 Pagkatapos sinabi ni Boaz sa mga nakatatanda at sa lahat ng mga tao, “Kayo ang mga saksi sa araw na ito na nabili ko ang lahat ng dating kay Elimelek at lahat ng dating kay Quelion at Mahlon mula sa kamay ni Naomi. 10 Bukod dito tungkol kay Ruth na Moabita, ang asawa ni Mahlon: nakuha ko rin siya na maging aking asawa, sa utos para maitaas ko ang pangalan ng namatay na lalaki sa kaniyang pamana, kaya ang kaniyang pangalan ay hindi mapuputol mula sa gitna ng kaniyang mga kapatid at mula sa tarangkahan ng kaniyang lugar. Kayo ang mga saksi ngayon.”
11 Sinabi ng lahat ng mga tao na nasa tarangkahan at mga nakatatanda, “Kami ang mga saksi. Gawin nawa ni Yahweh ang babae na pumasok sa iyong bahay tulad nina Raquel at Lea, ang dalawa na nagtayo ng bahay sa Israel. Magtagumpay ka nawa sa Efrata at maging kilala sa Betlehem. 12 Nawa ang iyong bahay ay maging tulad ng bahay ni Fares, na ipinanganak ni Tamar kay Juda, sa pamamagitan ng anak na ibibigay sa iyo ni Yahweh sa dalagang ito.”
13 Kaya kinuha ni Boaz si Ruth, at siya ay naging asawa niya. Sinipingan niya ito, at pinahintulutan ni Yahweh na mabuntis siya at nagsilang siya ng isang anak na lalaki.
14 Sinabi ng mga babae kay Naomi, “Pagpalain ka nawa ni Yahweh, na hindi ka iniwan sa araw na ito na walang isang malapit na kamag-anak, itong sanggol. Nawa maging kilala ang kaniyang pangalan sa Israel. 15 Nawa maging isa siyang tagapagpanumbalik ng buhay, at isang tagapagpalusog sa iyong katandaan, dahil isinilang siya ng iyong manugang, na nagmahal sa iyo, na mas mabuti sa iyo kaysa pitong anak na lalaki.”
16 Pagkatapos kinuha ni Naomi ang bata, pinahiga niya siya sa kaniyang dibdib at inalagaan siya.
17 At ang mga babae, kaniyang mga kapitbahay, binigyan siya ng pangalan, sinasabing, “Isang bata ang ipinanganak kay Naomi.” Pinangalanan nila siyang Obed. Naging ama siya ni Jesse, na naging ama ni David.
18 Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Fares: si Fares ang naging ama ni Hezron, 19 si Hezron ang naging ama ni Ram, si Ram ang naging ama ni Aminadab, 20 si Aminadab ang naging ama ni Naason, si Naason ang naging ama ni Salmon, 21 si Salmon ang naging ama ni Boaz, si Boaz ang naging ama ni Obed, 22 si Obed ang naging ama ni Jesse, at si Jesse ang naging ama ni David.