Inalipin ng mga Midianita ang mga Israelita

Ang mga Israelita sa silangan at hilaga ay inalipin ng mga Midianita, at naging hukom si Gideon.

1252 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Mga Hukom 6:1–6

1 Ang bayan ng Israel ay gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, at sila'y inilagay niya sa ilalim ng kapangyarihan ng Midianita ng pitong taon. 2 Ang kapangyarihan ng Midianita ang nagpahirap sa Israel. Dahil sa Midianita, gumawa ang bayan ng Israel ng makukublihan para sa kanilang sarili mula sa mga yungib sa mga burol, sa mga kuweba, at mga matibay na tanggulan.

3 Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita. 4 Inilalagay nila ang kanilang mga sundalo sa lupain at winawasak ang mga pananim, hanggang sa Gaza. Wala silang itinitirang pagkain sa Israel, walang tupa, ni mga baka, o mga asno. 5 Sa tuwing sila at kanilang mga alagang hayop at mga tolda ay dadating, darating sila na gaya ng pulutong ng mga balang, at ito ay hindi kayang bilangin maging ang mga tao o ang kanilang mga kamelyo. Sinakop nila ang lupain para wasakin ito.

6 Pinahina ng Midianita ang mga Israelita ng napakatindi na ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh.

Ang Kuwento ni Ruth 1245 B.C.

Ruth 1–2

1 Nangyari ito noong mga araw nang ang mga hukom ay namahala na nagkaroon ng taggutom doon, at isang tiyak na lalaki ng Bethlehem ng Juda ang pumunta sa bansa ng Moab kasama ang kaniyang asawa at kaniyang dalawang anak na lalaki. 2 Elimelek ang pangalan ng lalaki at Naomi ang pangalan ng kaniyang asawa. Ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na lalaki ay sina Mahlon at Quelion, na mga Efrateo na taga-Bethlehem-Juda. Nakarating sila sa bansa ng Moab at nanirahan doon.

3 Pagkatapos namatay si Elimelek na asawa ni Naomi, at naiwan siyang kasama ng kaniyang dalawang anak na lalaki. 4 Itong mga anak na lalaki ay kumuha ng mga asawa mula sa mga kababaihan ng Moab; ang pangalan ng isa ay Orpa at ang pangalan ng isa pa ay Ruth. Nanirahan sila roon nang halos sampung taon. 5 Pagkatapos parehong namatay sina Mahlon at Quelion, kaya naiwan si Naomi wala ang kaniyang asawa at wala ang kaniyang dalawang anak.

6 Pagkatapos nagpasya si Naomi na umalis ng Moab kasama ang kaniyang mga manugang at bumalik sa Juda dahil narinig niya sa rehiyon ng Maob na tinulungan ni Yahweh ang kaniyang bayan na nangangailangan at binigyan sila ng pagkain. 7 Kaya umalis siya sa lugar kung saan siya naroon kasama ang kaniyang mga manugang na babae at naglakad sila pababa sa daan para bumalik sa lupain ng Juda.

8 Sinabi ni Naomi sa kaniyang dalawang manugang na babae, “Lumakad, bumalik, kayo bawat isa sa inyo, sa bahay ng inyong ina. Nawa ipakita ni Yahweh ang kabaitan sa inyo, tulad ng pagpapakita ninyo ng katapatan sa namatay at sa akin. 9 Nawa idulot sa inyo ng Panginoon ang pahinga, bawat isa sa inyo sa bahay ng panibagong asawa.” Pagkatapos hinalikan niya sila at nagtaas sila ng mga boses at umiyak. 10 Sinabi nila sa kaniya, “Hindi! Babalik kami kasama mo sa iyong lahi.”

11 Pero sinabi ni Naomi, “Bumalik kayo, aking mga anak! Bakit kayo sasama sa akin? May mga anak pa ba ako sa aking sinapupunan para sa inyo, para maging asawa ninyo? 12 Bumalik kayo, aking mga anak, lumakad sa sarili ninyong landas dahil ako ay napakatanda na para magkaroon ng asawa. Kung sabihin ko, “Umaasa akong makakuha ako ng asawa ngayong gabi,' at pagkatapos magsilang ng mga anak na lalaki, 13 kung gayon maghihintay pa ba kayo hanggang lumaki sila? Maghihintay pa ba kayo at hindi magpapakasal sa mga lalaki ngayon? Huwag, mga anak ko! Ito ay higit na magpapahirap sa akin kaysa magpapahirap sa inyo, dahil bumaling laban sa akin ang kamay ni Yahweh.

14 Pagkatapos ang kaniyang mga manugang ay nagtaas ng kanilang mga boses at muling umiyak. Hinalikan ni Orpah ang kaniyang biyenan nang may pamamaalam, pero si Ruth ay nanatili sa kaniya.

15 Sinabi ni Naomi, “Makinig ka, ang hipag mo ay bumalik na sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga diyos! Bumalik ka kasama ang iyong hipag.”

16 Pero sinabi ni Ruth, “Huwag mo akong palayuin mula sa iyo, sapagkat kung saan ka pupunta, doon ako pupunta; kung saan ka titira, doon ako titira; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos. 17 Kung saan ka mamamatay, doon ako mamamatay at doon din ako ililibing. Nawa parusahan ako ni Yahweh, at kahit higit pa, kung anuman pero kamatayan kailanman ang magpahiwalay sa atin.

18 Nang makita ni Naomi na nagpasya nang sumama si Ruth sa kanya, tumigil na siyang makipagtalo sa kaniya.

19 Kaya naglakbay ang dalawa hanggang makarating sila sa bayan ng Bethlehem. Nangyari ito nang dumating sila sa Bethlehem, ang buong bayan ay sobrang nagulat tungkol sa kanila. Sinabi ng mga kababaihan, “Ito ba si Naomi?”

20 Pero sinabi niya sa kanila, “Huwag ako tawaging Naomi. Tawagin akong Maramdamin, dahil ang Maykapal ay sobrang nagdaramdam sa akin. 21 Lumabas akong puno pero muli akong ibinalik ni Yahweh sa bahay ng walang dala. Kaya bakit tinatawag ninyo akong Naomi, nakikitang hinatulan ako ni Yahweh, na pinahirapan ako ng Maykapal?”

22 Kaya sina Naomi at Ruth na Moabita, na kaniyang manugang, ay bumalik mula sa bansa ng Moab. Dumating sila sa Bethlehem sa simula ng pag-aani ng sebada.

2:1 Ngayon ang asawa ni Naomi, si Elimelek, ay may kamag-anak, si Boaz, na isang mayaman, maimpluwensiyang tao.

2 Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.”

3 Si Ruth ay nagpunta at namulot sa bukid kasunod ng mga mang-aani. Nangyaring napunta siya sa bahagi ng bukiring nabibilang kay Boaz, na may kaugnayan kay Elimelek.

4 Masdan, si Boaz ay dumating mula Betlehem at sinabi sa mga mang-aani, “Sumainyo nawa si Yahweh.” Sumagot sila sa kaniya, “Pagpalain kayo nawa ni Yahweh”.

5 Pagkatapos, sinabi ni Boaz sa kaniyang lingkod na nangangasiwa sa mga mang-aani,” Kanino nabibilang ang kabataang babaeng ito?”

6 Sumagot ang lingkod na nangangasiwa sa mga mang-aani at sinabi, “Iyan ang kabataang babaeng Moabitang bumalik kasama ni Naomi mula sa lupain ng Moab. 7 Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap hayaan mo akong mamulot at magtipon ng mga uhay habang sumusunod ako sa mga nag-aani.' Kaya dumating siya rito at nagpapatuloy mula umaga hanggang ngayon, maliban na nagpahinga siya nang kaunti sa bahay.”

8 Pagkatapos sinabi ni Boaz kay Ruth, “Nakikinig ka ba sa akin, aking anak? Huwag kang pumaroon at mamulot sa ibang bukid; huwag mong iwan ang aking bukid. Sa halip, manatili ka rito at magtrabaho kasama ng aking mga kabataang babaing manggagawa. 9 Panatilihin mo lang na nakatuon ang iyong mga mata sa bukid kung saan ang mga lalaki ay nag-aani at sumusunod sa likod ng ibang kababaihan. Hindi ko ba tinagubilinan ang mga kalalakihan na huwag kang galawin? Kapag nauuhaw ka, maaari kang pumunta sa mga banga ng tubig at inumin ang tubig na naigib ng mga kalalakihan.”

10 Pagkatapos yumuko siya sa harap ni Boaz, na nakasayad ang ulo sa lupa. Sinabi niya sa kaniya, “Bakit ako nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, dapat ka bang magmalasakit sa akin, isang dayuhan?”

11 Sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya,” Naibalita sa akin, lahat ng nagawa mo simula nang mamatay ang iyong asawa. Iniwan mo ang iyong ama, ina, at ang lupain ng iyong kapanganakan para sundan ang iyong biyenang babae at para pumunta sa isang bayang hindi mo kilala. 12 Gantimpalaan ka nawa ni Yahweh dahil sa iyong ginawa. Makatanggap ka nawa ng buong kabayaran mula kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa ilalim ng mga pakpak na nahanap mo ang kanlungan.”

13 Pagkatapos sinabi niya, “Hayaan mong makatagpo ako ng pabor sa inyong paningin, aking panginoon, dahil inaliw mo ako, at nakipag-usap kang may kagandahang-loob sa akin, kahit na hindi ako isa sa inyong mga babaeng lingkod.”

14 Nang oras na ng kainan sinabi ni Boaz kay Ruth, “Pumarito ka, at kumain ng kaunting tinapay, at isawsaw mo ang iyong pagkain sa sukang alak.” Umupo siya sa gilid ng mga mang-aani, at inalok niya siya ng kaunting inihaw na butil. Kumain siya hanggang sa mabusog siya at iniwan ang natira nito.

15 Nang tumindig siya para mamulot, inutusan ni Boaz ang kaniyang mga kabataang lalaki, sinasabing, “Hayaan ninyo siyang mamulot kahit sa mga binigkis, at huwag magsasabi ng kahit anong masama sa kaniya. 16 At dapat hilain ninyo palabas ang ilang mga binigkis para sa kaniya mula sa mga bigkis, at iwan ang mga ito para pulutin niya. Huwag ninyo siyang sasawayin.”

17 Kaya namulot siya sa bukid hanggang gabi. Pagkatapos giniik niya ang mga uhay ng butil na kaniyang napulot, at ang butil ay halos isang salop ng sebada. 18 Binuhat niya ito at nagtungo ng lungsod. Pagkatapos nakita ng kaniyang biyenan ang kaniyang napulot. Dinala din ni Ruth ang inihaw na butil na natira mula sa kaniyang pagkain at ibinigay ito sa kaniya.

19 Sinabi ng kaniyang biyenan sa kaniya, “Saan ka namulot ngayong araw? Saan ka pumunta para magtrabaho? Pagpalain nawa ang lalaking tumulong sa iyo.” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniyang biyenan ang tungkol sa lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan siya nagtrabaho. Sinabi niya,” Ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan ako nagtrabaho ngayon ay Boaz.”

20 Sinabi ni Naomi sa kaniyang manugang,” Pagpalain nawa siya ni Yahweh, na hindi itinigil ang kaniyang katapatan sa buhay at sa mga patay.” Sinabi ni Naomi sa kaniya,” Ang lalaking iyon ay malapit na kamag-anak natin; isa sa mga tagasagip na kamag-anak natin.”

21 Sinabi ni Ruth na Moabita, “Tunay nga, sinabi niya sa akin, 'Dapat kang manatiling malapit sa aking mga kabataang lalaki hanggang matapos nilang lahat ang aking ani. ”

22 Sinabi ni Naomi kay Ruth na manugang niya, “Mabuti iyon, aking anak, lumabas ka kasama ng kaniyang mga kabaatang babaeng manggagawa, para hindi ka mapahamak alinman sa ibang bukid.”

23 Kaya nanatili siyang malapit sa mga babaing manggagawa ni Boaz para mamulot hanggang matapos ang pag-aani ng sebada at pag-aani ng trigo. Nakatira siya kasama ng kaniyang biyenan.