Panahon 7: Ang Pagkabihag sa Babilonia

Bahagi 1: Mga Pangyayari sa Jerusalem Hanggang sa Pagkasunog ng Templo

Mga pangyayari sa Jerusalem, mula sa simula ng pagkabihag hanggang sa pagkasunog ng templo.

Binasa ang Balumbon sa Ikalawang Pagkakataon

Nagpatuloy ang paghahari ni Jehoiakim. Ang ikalawang pagbasa sa balumbon.

605 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Jeremias 36:9–32

9 Nangyari ito sa ika-limang taon at ika-siyam na buwan ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na ang lahat ng mga tao sa Jerusalem at ang mga tao na dumating sa Jerusalem sa mga lungsod ng Juda na nagpahayag ng pag-aayuno sa pagpaparangal kay Yahweh. 10 Binasa ni Baruc ng malakas ang mga salita ni Jeremias sa tahanan ni Yahweh, mula sa silid ni Gemarias na anak ni Safan na eskriba, sa itaas ng patyo, malapit sa tarangkahan patungo sa tahanan ni Yahweh. Ginawa niya ito sa pakikinig ng lahat ng mga tao.

11 Ngayon, si Micaias na anak ni Gemarias na anak ni Safan ay narinig ang lahat ng mga salita ni Yahweh sa kasulatang balumbon. 12 Bumaba siya sa tahanan ng hari, sa silid ng kalihim. Tingnan ninyo, lahat ng mga opisyal ay nakaupo roon, si Elisama na eskriba, si Delaias na anak ni Semias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan at Zedekias na anak ni Hananias at ang lahat ng mga opisyal. 13 At ibinalita ni Micaias sa kanila ang lahat ng mga salita na kaniyang narinig na binasa ng malakas ni Baruc sa pakikinig ng mga tao.

14 Kaya ipinadala ng lahat ng mga opsiyal si Jehudi na anak ni Netanias na anak ni Selemias na anak ni Cusi kay Baruc. Sinabi ni Jehudi kay Baruc, “Kunin mo ang kasulatang balumbon na iyong binasa sa pakikinig ng mga tao at ikaw ay lumapit.” Kaya kinuha ni Baruc na anak ni Nerias ang kasulatang binalumbon at pumunta sa mga opisyal.

15 At sinabi nila sa kaniya, “Maupo ka at basahin mo ito sa aming pakikinig. “Kaya binasa ni Baruc ang kasulatang balumbon.

16 At nangyari nang kanilang narinig ang lahat ng mga salitang ito, natakot ang bawat tao at sinabi kay Baruc, “Nararapat nating ibalita ang lahat ng mga salitang ito sa hari.”

17 Pagkatapos, tinanong nila si Baruc, “Sabihin mo sa amin, paano mo nagawang isulat ang lahat ng mga salitang ito, sa pagsasalaysay ni Jeremias?”

18 Sinabi ni Baruc sa kanila, “Isinalaysay niya sa akin ang lahat ng mga salitang ito at isinulat ko ang mga ito sa tinta sa balumbon na ito.”

19 At sinabi ng mga opisyal kay Baruc, “Umalis ka at magtago, at ganoon din si Jeremias. Huwag ninyong ipaalam kahit kanino ang kinaroroonan ninyo.”

20 Pagkatapos, pumunta sila sa bulwagan ng hari at ibinalita ang mga salitang ito sa kaniya. Ngunit una nilang inilagay ang kasulatang balumbon sa silid ng kalihim na si Elisama.

21 At isinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang kasulatang balumbon. Kinuha iyon ni Jehudi sa silid ng kalihim na si Elisama. At binasa niya ito nang malakas sa hari at sa lahat ng mga opisyal na nakatayo sa kaniyang tabi.

22 Ngayon, nanatili ang hari sa tahanang pang-taglamig sa ika-siyam na buwan, at isang apuyan na nagniningas sa kaniyang harapan. 23 Nangyari ito nang mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na mga hanay, nais itong tanggalin nang hari gamit ang isang kutsilyo at itapon ito sa apuyan hanggang masira ang lahat ng kasulatang balumbon.

24 Ngunit wala sa hari ni ang sinuman sa kaniyang mga lingkod ang nakarinig sa lahat ng mga salitang ito ang natakot, ni punitin ang kanilang mga kasuotan. 25 Maging sina Elnatan, Delaias at Gemarias ay hinimok ang hari upang hindi sunugin ang kasulatang balumbon, ngunit hindi siya nakinig sa kanila. 26 At inutusan ng hari si Jerameel, isang kamag-anak, si Seraias na anak ni Azriel at Selenias na anak ni Abdeel upang hulihin si Baruc na eskriba at ang propetang si Jeremias, ngunit itinago sila ni Yahweh.

27 At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias pagkatapos sunugin ng hari ang kasulatang balumbon at ang mga salita na isinulat ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias, at sinabi niya. 28 “Bumalik ka, kumuha ka ng ibang balumbon para sa iyong sarili at isulat doon ang lahat ng mga salitang naroon sa naunang kasulatang balumbon, na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda.

29 At kailangan mo itong sabihin kay Jehoiakim na hari ng Juda: 'Sinunog mo ang kasulatang balumbon na iyon! At sinabi mo: Bakit mo isinulat iyon, “Tiyak na darating ang hari ng Babilonia at wawasakin ang lupaing ito, sapagkat wawasakin niya ang tao at mga hayop dito"?”'

30 Samakatuwid, sinabi ito ni Yahweh tungkol sa iyo, Jehoiakim na hari ng Juda, “Wala sa mga kaapu-apuhan mo ang makakaupo kahit kailan sa trono ni David. Para sa iyo, ang iyong bangkay ay itatapon sa init ng araw at sa lamig ng gabi. 31 Sapagkat parurusahan kita, ang iyong mga kaapu-apuhan, at iyong mga lingkod para sa mga kasamaan ninyong lahat. Dadalhin ko sa iyo, sa lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at bawat tao sa Juda, ang lahat ng mga sakuna na aking ibinanta sa iyo, ngunit hindi mo ito binigyang pansin.”

32 Kaya kumuha pa ng ibang balumbon si Jeremias at ibinigay ito kay Baruc na anak ng eskribang si Nerias. Isinulat iyon ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias sa lahat ng mga salitang nasa kasulatang balumbon na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda. At saka, maraming ibang magkatulad na mga salita ang idinagdag sa balumbon na ito.

Nagrebelde at Namatay si Jehoiakim 603 B.C.

2 Mga Hari 24:2

2 Nagpadala si Yahweh laban kay Jehoiakim ng mga pangkat ng mga Caldean, Aramean, Moabita, at Ammonita; ipinadala niya sila laban sa Juda para wasakin ito. Ito ay naaayon sa salita ni Yahweh na sinabi sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.

2 Mga Cronica 36:5

5 Dalawampu't limang taong gulang si Jehoiakim nang magsimula siyang maghari, at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano ang masamang sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos.

2 Mga Hari 24:5

5 Sa ibang mga bagay patungkol kay Johoiakim, at lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?

2 Mga Cronica 36:8

8 Para naman sa mga ibang usapin tungkol kay Jehoiakim, ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa niya at ang mga nalaman laban sa kaniya ay nasusulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Pagkatapos, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang pumalit sa kaniya bilang hari.