Bahagi 6: Natapos ang Sampung Salot

Ang Ikasiyam na Salot: Tatlong Araw ng Kadiliman

1491 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Exodo 10:21–27

21 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay patungo sa kalangitan, para magkaroon ng kadiliman sa buong lupain ng Ehipto, kadiliman na maaaring madama.”

22 Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay patungo sa kalangitan at nagkaroon ng makapal na kadiliman sa buong lupain ng Ehipto sa loob ng tatlong araw. 23 Wala ni isang nakakakita ng sinuman; wala ni isang lumisan sa kanilang mga tirahan sa loob ng tatlong araw. Pero, mayroong ilaw ang lahat ng mga Israelita, sa lugar kung saan sila nakatira.

24 Pinatawag ng Paraon si Moises at sinabing, “Lumakad kayo at sambahin si Yahweh. Maaari na ring sumama sa inyo maging ang inyong mga pamilya, pero dapat maiwan ang inyong mga kawan at mga grupo ng mga hayop.”

25 Pero sinabi ni Moises, “Kailangan mo rin magbigay ng mga hayop para sa mga alay at sunog na mga handog para maihandog namin kay Yahweh na aming Diyos. 26 Kailangan din naming isama ang aming mga baka; wala ni isang paa nila ang maiiwan, dahil kailangan namin silang dalhin para sa pagsamba kay Yahweh na aming Diyos. Dahil hindi namin alam kung ano ang aming kakailanganin sa pagsamba kay Yahweh hanggang sa makarating kami roon.”

27 Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ng Paraon at hindi niya sila hinayaang umalis. Sinabi ng Paraon kay Moises,

Ang Ikasampung Salot: Pinatay ang mga Panganay

Ibinanta ang Pagkamatay ng mga Panganay

Exodo 11:1–8

1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Mayroon pa rin akong isang salot na dadalhin kay Paraon at sa Ehipto. Pagkatapos niyan, papayagan na niya kayong makaalis mula rito. Kapag ganap na pinayagan na niya kayong makaalis, itataboy niya kayo ng tuluyan. 2 Turuan mo ang mga tao na ang bawat mga lalaki at babae ay humingi sa kanilang kapitbahay ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto.”

3 Ngayon ginawang masabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Bukod dito, ang tauhan ni Moises ay talagang kahanga-hanga sa paningin ng mga alipin ni Paraon at mga tao sa Ehipto.

4 Sinabi ni Moises. “Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi. 5 Mamamatay ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hanggang sa panganay ng aliping babae na siyang nasa likod ng gilingan ng trigo nito, at sa lahat ng panganay ng mga baka. 6 Pagkatapos magkakaroon ng isang matinding iyakan sa buong lupain ng Ehipto, tulad ng hindi pa kailanman nangyari at hindi na kailanman mangyayaring muli. 7 Pero kahit hindi tumahol ang isang aso laban sa alinmang taga-Israel, sinuman laban sa tao o hayop. Sa ganitong paraan malalaman ninyo ang pagkakaiba ng pagtrato ko sa mga taga-Ehipto at sa mga Israelita.' 8 Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako.” Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit.

Exodo 10:28–29

28 “Lumayo kayo sa akin! Mag-ingat sa isang bagay, nang hindi mo na ako muling makita, dahil sa araw na makita mo ang aking mukha, mamamatay ka.”

29 Sinabi ni Moises, “Ikaw na mismo ang nagsalita. Hindi ko na muling makikita ang iyong mukha.”

Exodo 11:9–10

9 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hindi makikinig si Paraon sa iyo. Ito ay mangyari para makagawa ako ng maraming kamangha-manghang mga bagay sa lupain ng Ehipto.”

10 Ginawa lahat nina Moises at Aaron ang mga kababalaghan sa harapan ni Paraon. Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi pinayagan ni Paraon na makaalis ang mga Israelita sa kaniyang lupain.

Kinain ang Paskua

Exodo 12:21–28

21 Pagkatapos ipinatawag lahat ni Moises ang mga matatanda sa Israel at sinabi sa kanila, “Lumakad kayo at pumili ng mga tupa o mga maliliit na kambing na sapat para maipakain sa inyong mga pamilya at papatayin ang Paskuang tupa. 22 Pagkatapos kumuha ng isang bigkis ng hisopo at isawsaw sa dugo na nasa isang palanggana. Ipahid ang dugo na nasa palanggana sa itaas ng balangkas ng pinto sa dalawang magkabilang poste. Wala sa inyo ni isa ang lalabas ng pintuan ng kaniyang tahanan hanggang sa umaga.

23 Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.

24 Dapat ninyong ipagdiwang ang pangyayaring ito. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan. 25 Kung kayo ay papasok sa lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo, tulad ng ipinangako niyang gagawin, dapat ninyong sundin ang pagsambang gawain na ito.

26 Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?' 27 At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh. 28 Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.

Pinatay ang mga Panganay

Exodo 12:29–30

29 Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.

30 Nagising si Paraon sa gabing iyon—siya, at ang lahat ng kaniyang alipin, at lahat ng mga taga-Ehipto. Nagkaroon ng malakas na pagdadalamhati sa Ehipto, dahil wala ni isang tahanan ang naroroon ang walang namatay.