Hinati ang Lupain
1444 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Ito ang mga lugar ng lupain na tinanggap ng bayan ng Israel bilang kanilang mana sa lupain ng Canaan, na nakalaan para sa kanila ni Eleazar na pari, ni Josue na anak na lalaki ni Nun, at ng mga pinuno ng mga lipi ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel. 2 Ang kanilang pamana ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan para sa siyam at kalahating mga lipi, gaya lamang ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises, 3 Dahil ibinigay ni Moises ang pamana sa dalawa at kalahating mga lipi sa ibayong Jordan, pero sa mga Levita, wala siyang pamana.
4 Ang lipi ni Jose ay talagang dalawang lipi, Manases at Ephraim. At walang bahagi ng pamana ang ibinigay sa mga Levita doon sa lupain, pero may mga lungsod lamang para matirahan, kasama ang kanilang mga lupang-pastulan para sa kanilang alagang baka at para sa kanilang sariling materyal na pangangailangan.
5 Ginawa ng bayan ng Israel ang iniutos ni Yahweh kay Moises, kaya naitalaga nila ang lupain.
Ang Mana ng Dalawa at Kalahating Lipi
15 Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan. 16 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba. 17 Tinanggap din ni Ruben ang Hesbon, at ang lahat ng mga lungsod nito na nasa kapatagan, Dibon, at Bamoth Baal, at Beth Baalmeon, 18 at Jahaz, at Kademot, at Mepaat, 19 at Kiriataim, at Sibma, at Zeretsahar sa burol ng lambak. 20 Tinanggap din ni Ruben ang Beth Peor, ang mga libis ng Pisga, Beth Jeshimot, 21 lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon, na magkasamang tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon, na nanirahan sa lupain. 22 Pinatay din ng bayan ng Israel si Balaam na anak na lalaki ni Beor gamit ang espada, na nagsanay sa paghula, kasama ang ibang pinatay nila. 23 Ang hangganan ng lipi ni Ruben ay ang Ilog Jordan; ito ang kanilang hangganan. Ito ang pamana ng lipi ni Ruben, ibinigay sa bawat mga angkan nila, kasama ng kanilang mga lungsod at mga nayon.
24 Ito ang ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, angkan sa angkan: 25 Ang kanilang nasasakupan ay Jacer, lahat ng mga lungsod ng Galaad at kalahati ng lupa ng mga Ammonita, hanggang Aroer, na nasa silangan ng Rabba, 26 mula sa Hesbon hanggang sa Ramath Mizpeh at Betonim, mula sa Mahanaim hanggang sa nasasakupan ng Debir. 27 Doon sa lambak, binigay sa kanila ni Moises ang Beth Haram, Beth Nimra, Sucot, at Zapon, ang natitirang kaharian ni Sihon na hari ng Hesbon, kasama ang Jordan bilang isang hangganan, hanggang sa ibabang dulo ng dagat ng Cinneret, pasilangan sa ibayo ng Jordan.
28 Ito ang pamana ng lipi ni Gad, angkan sa angkan, kasama ang kanilang mga lungsod at mga nayon.
29 Nagbigay ng pamana si Moises sa kalahating lipi ni Manases. Itinalaga ito sa kalahating lipi ng bayan ni Manases, ibinigay sa bawat mga lipi nila.
30 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mahanaim, buong Basan, buong kaharian ni Og hari ng Basan, at sa buong bayan ng Jair, na nasa Basan, animnapung lungsod; 31 kalahati ng Galaad, at Astarot at Edrei (ang mga maharlikang lungsod ng Og sa Basan). Ito ang mga itinalaga sa angkan ni Machir na anak na lalaki ni Manases—kalahati ng bayan ni Machir, na ibinigay sa bawat mga pamilya nila.
32 Ito ang pamana na itinalaga ni Moises sa kanila sa mga kapatagan ng Moab, sa ibayo ng Jordan silangan ng Jerico.
33 Hindi binigyan ni Moises ng pamana ang lipi ng Levi. Yahweh, ang Diyos ng Israel ang kanilang pamana, tulad ng sinabi niya sa kanila.
Ang Mana ni Caleb
6 Pagkatapos nagpunta ang lipi ni Juda kay Josue sa Gilgal. Sinabi ni Caleb na anak ni Jepunne na Canezeo, sinabi sa kaniya, “Alam mo kung ano ang sinabi ni Yahweh kay Moises na lingkod ng Diyos tungkol sa iyo at sa akin sa Kades Barnea. 7 Apatnapung taong gulang ako nang isinugo ako ni Moises na lingkod ni Yahweh mula sa Kades Barnea para magmanman sa lupain. Muli akong nagdala nang isang ulat sa kaniya na parang ito ay nasa puso ko para gawin.
8 Pero ang aking mga kapatid ay sumama sa akin na nagawang matakot ang puso ng bayan. Pero lubos akong sumunod kay Yahweh na aking Diyos. 9 Sumumpa si Moises sa araw na iyon na sinasabing, 'Tiyak na ang lupang nilakaran mo ay magiging isang pamana para sa iyo at para sa iyong mga anak magpakailanman, dahil lubos kang sumunod kay Yahweh na aking Diyos.'
10 Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako. 11 Malakas pa rin ako ngayon gaya noong araw na isinugo ako ni Moises. Ang lakas ko ngayon ay katulad ng lakas ko noon, para sa digmaan at para sa pag-alis at sa pagdating.
12 Kaya ngayon ibigay mo sa akin ang maburol na bansang ito, na ipinangako sa akin ni Yahweh ng araw na iyon. Dahil narinig mo sa araw na iyon ang Anakim ay mayroong malalaking pinagtibay na mga lungsod. Maaaring si Yahweh ay magiging kasama ko at paalisin ko sila, gaya nang sinabi ni Yahweh.”
13 Pagkatapos pinagpala siya ni Josue at ibinigay ang Hebron bilang isang pamana kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne. 14 Kaya naging pamana ang Hebron kay Caleb na lalaking anak ni Jepunne na Cenezeo hanggang sa araw na ito, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 15 Ngayon, Kiriat Arba ang dating pangalan ng Hebron. (Si Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim). Pagkatapos nagkaroon ng kapahingahan ang lupain mula sa digmaan.
13 Sa pagsunod ng utos ni Yahweh kay Josue, Binigyan ni Josue si Caleb na anak na lalaki ni Jepunne ng isang itinalagang lupain sa kalagitnaan ng lipi ng Juda, Kiriat, Arba, iyon ay Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.) 14 Pinalayas ni Caleb mula doon ang tatlong lipi ng mga kaapu-apuhan ni Anak: Sesai Aiman at Talmai, mga kaapu-apuhan ni Anak.
15 Umakyat siya mula doon laban sa mga naninirahan sa Debir (ang pangalang Debir ay karaniwang tinawag na Kiriat Seper). 16 Sinabi ni Caleb, “Ang lalaking lulusob sa Kiriat Seper at bibihagin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa ang aking anak na babae bilang isang asawa.” 17 Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz, kapatid na lalaki ni Caleb, ang bumihag dito. Kaya ibinigay ni Caleb sa kanya si Acsa na kaniyang anak na babae bilang isang asawa.
18 Nangyari ito nang pumunta si Acsa sa kaniya, pilit siyang humingi sa kaniyang ama ng isang bukid. At nang bumaba siya sa kaniyang asno, sinabi ni Caleb sa kaniya, “Ano ang nais mo?”
19 Sumagot si Acsa, “Gumawa ka sa akin ng isang natatanging pabor. Yamang ibinigay mo sa akin ang lupain ng Negev, bigyan mo rin ako ng ilang mga bukal ng tubig.” At ibinigay ni Caleb sa kanya ang mataas na bahagi ng mga bukal at mababang bahagi ng mga bukal.