Bahagi 2: Ang Pangkalahatang Paghahati ng Lupain

Isang Buod ng mga Pananakop

1444 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Joshua 12:1–13:14

1 Ngayon ito ang mga hari ng lupain, na siyang lumupig ng kalalakihan ng Israel. Inangkin ng mga Israelita ang lupa sa silangang bahagi ng Jordan kung saan sumisikat ang araw, mula sa lambak ng Ilog Arnon patungo sa Bundok Hermon, at lahat ng Araba sa silangan. 2 Si Sihon ay hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon. Namuno siya mula sa Aroer, kung saan nasa gilid ng bangin ng Arnon mula sa gitna ng lambak, at kalahati ng Galaad pababa sa Ilog Jabbok sa hangganan ng mga Ammonita. 3 Pinamunuan din ni Sihon ang Araba patungo sa Dagat ng Cinneret, sa silangan, patungo sa Dagat ng Araba (ang Dagat ng Asin) patungong silangan, hanggang sa Beth Jesimot at patungong timog, patungo sa paanan ng mga libis ng Bundok Pisga. 4 Si Og, hari ng Bashan, isa sa natira ng Rephaim, na nanirahan sa Astarot at Edrei. 5 Namuno siya sa Bundok Hermon, Saleca, at lahat ng Bashan, patungo sa hangganan ng bayan ng Gesur at mga Maacateo, at kalahati ng Galaad, patungo sa hangganan ni Sihon, hari ng Hesbon.

6 Tinalo sila ni Moises na lingkod ni Yahweh, at ng bayan ng Israel, at ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang lupain bilang pag-aari sa mga Rubenita, ng mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.

7 Ito ang mga hari ng lupain na siyang tinalo ni Josue at ng bayan ng Israel sa kanlurang bahagi ng Jordan, mula sa Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon patungo sa Bundok Halak malapit sa Edom. Ibinigay ni Josue ang lupain sa mga lipi ng Israel para sa kanila para angkinin. 8 Ibinigay niya ang maburol na bansa, ang mga mababang lupain, ang Araba, ang mga gilid ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb—ang lupain ng mga Heteo, mga Amoreo, mga Cananaeo, mga Perezeo, mga Hivita, at mga Jebuseo. 9 Ang mga hari kabilang ang hari ng Jerico, ang hari ng Ai na nasa tabi ng Bethel, 10 ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Enaim, 11 ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lachish, 12 ang hari ng Eglon, ang hari ng Gezer, 13 ang hari ng Debir, ang hari ng Geder, 14 ang hari ng Horma, ang hari ng Arad, 15 ang hari ng Libna, ang hari ng Adulam, 16 ang hari ng Maceda, ang hari ng Bethel, 17 ang hari ng Tappua, ang hari ng Hepher, 18 ang hari ng Apek, ang hari ng Lasaron, 19 ang hari ng Madon, ang hari ng Hasor, 20 ang hari ng Simron-Meron, ang hari ng Acsap, 21 ang hari ng Taanac, ang hari ng Megiddo, 22 ang hari ng Kedes, ang hari ng Jocneam sa Carmel, 23 ang hari ng Dor sa Napat Dor, ang hari ng Goyim sa Gilgal, 24 at ang hari ng Tirsa. Ang kabuuang bilang ng mga hari ay tatlumpu't isa.

13:1 Ngayon matanda na si Josue at nasa ganap ng mga taon nang sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Matanda ka na at marami ng taon ang iyong dinaanan, pero napakarami pa ring lupain ang bibihagin. 2 Ito pa rin ang lupaing natitira: lahat ng mga rehiyon ng mga Palestina, at lahat ng mga Gessureo, 3 (mula sa Sihor, na nasa silangan ng Ehipto, at pahilaga sa hangganan ng Ekron, na itinuring na ari-arian ng mga Cananaeo; ang limang namumuno ng Palestina, ng mga Gazeo, Asdodeo, Ashkelon, Gath, at Ekron—ang nasasakupan ng mga Awites). 4 Doon sa timog, mayroon pa rin lahat ng mga lupain ng mga Cananaeo, at Meara na pag-aari ng mga taga-Sidon, sa Apek, sa hangganan ng mga Amoreo; 5 ang lupain ng mga Gebalita, ang buong Lebanon patungo sa sikat ng araw, mula sa Baal Gad sa ibaba ng Bundok Hermon hanggang Lebo Hamat.

6 Gayon din, lahat ng mga naninirahan sa maburol na lupain mula sa Lebanon hanggang sa Misrepot Maim, kabilang ang buong bayan ng Sidon. Itataboy ko sila sa harapan ng mga hukbo ng Israel. Tiyaking italaga ang lupain sa Israel bilang isang pamana, ayon sa inutos ko sa iyo. 7 Hatiin ang lupaing ito bilang isang pamana para sa siyam na lipi at para sa kalahating lipi ni Manases.”

8 Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan, 9 mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon; 10 lahat ng mga lungsod ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon, sa hangganan ng mga Ammonita; 11 Galaad, at ang rehiyon ng mga Gesurita at mga Maacateo, buong Bundok Hermon, buong Basan hanggang Saleca; 12 ang buong kaharian ng Og sa Basan, na naghari sa Astarot at Edrei—ito ang mga naiwan sa labi ng Rephaim—sinalakay sila ni Moises gamit ang espada at itinaboy sila. 13 Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.

14 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.