Ang Unang Tatak: Nagtatagumpay ang Ebanghelyo

Binuksan ang unang tatak. Ipinahahayag ng kasunod na pangitain ang pangkalahatang pagtatagumpay ng ebanghelyo sa mga Judio at mga Gentil.

A.D. 96

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Pahayag 6:1–2

1 Tumingin ako nang buksan ng Kordero ang isa sa pitong mga selyo, at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na sinabi sa tinig na gaya ng tunog ng kulog, “Halika!”

2 Tumingin ako at naroon ang isang puting kabayo! Ang nakasakay ay may hawak na pana, at binigyan siya ng isang korona. Siya ay lumabas bilang isang manlulupig para manakop.

Ang Ikalawang Tatak: Nangalat ang mga Judio

Binuksan ang ikalawang tatak. Ipinahahayag nito ang malulupit na pag-uusig at ganap na pagkakangalat ng mga Judio sa ilalim nina Trajano at Adriano (102–138).

Pahayag 6:3–4

3 Nang buksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na sinabi, “Halika!”

4 Pagkatapos lumabas ang isa pang kabayo—maningas na pula. Sa sakay nito ay ibinigay ang pahintulot na alisin ang kapayapaan mula sa lupa, kaya itong ang mga tao ay magnais na patayin ang isa't isa. Binigyan ang sakay ng isang malaking espada.

Ang Ikatlong Tatak: Kapayapaan at Kasaganaan

Binuksan ang ikatlong tatak. Ipinahahayag nito ang kapayapaan at kasaganaan sa paghahari ng pamilya ni Septimio Severo (193–235).

Pahayag 6:5–6

5 Nang buksan ng Kordero ang ikatlong seal, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na sinabi, “Halika!” Nakita ko ang isang kabayong itim, ang sakay ay may hawak na pares ng timbangan sa kaniyang kamay. 6 Narinig ko ang tinig parang mula sa gitna ng apat ng buhay na nilalang, sinabi, “Isang takal ng trigo para sa isang dinaryo at tatlong takal ng sebada para sa isang dinario. Pero huwag mong ipahamak ang alak at langis.”

Ang Ikaapat na Tatak: Digmaan, Taggutom, at Salot

Binuksan ang ikaapat na tatak. Ipinahahayag nito ang malulupit na digmaan, mga taggutom, pag-uusig, at mga salot na lumaganap sa paghahari nina Maximino, Decio, at Valeriano (255–271).

Pahayag 6:7–8

7 Nang buksan ng Kordero ang ika-apat na selyo, narinig ko ang ika-apat na buhay na nilalang na sinabi, “Halika!”

8 Pagkatapos nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang sakay dito ay pinangalanang Kamatayan at sumusunod sa kaniya ang hades. Sila ay binigyan ng kapangyarihan sa ibabaw ng isang ika-pat sa lupa, para patayin gamit ang espada, kagutuman at karamdaman at sa pamamagitan ng mga mababangis na hayop sa lupa.

Ang Ikalimang Tatak: Ang Huling Pag-uusig ng mga Pagano

Binuksan ang ikalimang tatak. Ipinahahayag nito ang huling pag-uusig ng mga pagano sa Kristiyanismo, at ang mga pangamba ng mga Kristiyano (286–301).

Pahayag 6:9–11

9 Nang buksan ng Kordero ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at sa kanilang patotoo na pinanghawakan nila nang buong pananalig. 10 Umiyak sila nang may malakas na tinig, “Gaano katagal, Tagapamahala sa ibabaw ng lahat, banal at totoo, hanggang hatulan mo ang mga nabubuhay sa lupa, at hanggang ipaghiganti mo ang aming dugo?

11 Pagkatapos bawa't isa sa kanila ay binigyan ng puting damit, at sila ay sinabihan na dapat silang maghintay ng kaunti hanggang ang lubos na bilang ng kapwa nila mga lingkod at mga kapatid na lalaki at babae ay abutin siyang patayin, na gaya nilang pinatay.

Ang Ikaanim na Tatak: Ibinagsak ang Paganismo

Binuksan ang ikaanim na tatak. Inilalarawan nito ang mga pagyanig sa Imperyong Romano sa pangwakas na pagbagsak ng paganismo, at ang matagumpay na pagkakatatag ng Kristiyanong iglesya bilang kapalit nito. Itinuturo rin ng bahaging ito ng pangitain ang walang hanggang kaligayahan ng mga unang martir, at ang papuring ibinibigay nila sa Diyos at sa Kordero (323).

Pahayag 6:12–7:17

12 Nang buksan ng Kordero ang ika-anim na selyo, nagmasid ako, at nagkaroon ng malakas na lindol. Ang araw ay naging kasing itim ng sako. At ang kabilugan ng buwan ay naging parang dugo. 13 Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa, tulad ng puno ng igos na ang mga bunga ay nahuhulog sa panahon ng taglamig kapag inihip ng malakas na hangin. 14 Naglaho ang langit tulad ng balumbong nirolyo ng pataas. Bawat bundok at isla ay nalipat sa kanilang mga kinalalagyan.

15 Pagkatapos ang mga hari sa lupa at ang mahahalagang tao, at ang mga heneral, ang mayaman, ang makapangyarihan, at iba pa, alipin at malaya, nagtago sa mga kuweba at sa kalagitnaan ng mga bato sa kabundukan. 16 Tabunan kami! Itago mo kami mula sa mukha niya na siyang nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero.” 17 Dahil darating ang dakilang araw ng kanilang poot, at sino ang makakayang tumayo?”

7:1 Pagkatapos nito nakita ako ng apat na angel nakatayo sa apat na sulok ng lupa, mahigpit na hinahawakan ang apat na hangin sa lupa kaya dapat walang umihip na hangin sa lupa, sa dagat at laban sa anumang puno. 2 Nakita ko ang isa pang anghel na dumarating mula sa silangan, na taglay ang selyo ng buhay na Diyos. Sumigaw siya nang may malakas na tinig sa apat na anghel na binigyan ng pahintulot na pinsalain ang lupa at dagat. “ 3 Huwag ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga puno, hanggang lagyan na namin ng isang tatak ang mga noo ng lingkod ng ating Diyos.”

4 Narinig ko ang bilang ng siyang mga natatakan: 144, 000, siyang mga natatakan mula sa bawat lipi ng bayan ng Israel: 5 12, 000 mula sa lipi ni Juda ay natatakan, 12, 000 mula sa lipi ni Ruben, 12, 000 mula sa lipi ni Gad, 6 12, 000 mula sa lipi ni Asher, 12, 000 mula sa lipi ni Neftali, 12, 000 mula sa lipi ni Manases. 7 12, 000 mula sa lipi ni Simeon, 12000 mula sa lipi ni Levi, 12, 000 mula sa tlipi ni Isacar. 8 12, 000 mula sa lipi ni Zebulun, 12, 000 mula sa lipi ni Jose at 12, 000 mula sa lipi ni Benjamin ay natatakan.

9 Pagkatapos makita ko ang mga ito, at mayroong isang malaking maraming tao na walang sinuman ang makabilang — mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika — nakatayo sa harap ng trono sa harapan ng Kordero. Nakasuot sila ng puting mga balabal at hawak ang mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay, 10 at sila ay sumisigaw ng may malakas na tinig: “Ang kaligtasan ay pagmamay-ari ng ating Diyos, siya na nakaupo sa trono, at ng Kordero!”

11 Ang lahat ng mga anghel ay nakatayo sa paligid ng trono, at sa paligid ng mga matatanda at ng apat na buhay na mga nilalang, at sila ay humiga sa lupa, at inilapat ang kanilang mga mukha sa lupa sa harap ng trono at sumamba sila sa Diyos, 12 na nagsasabing, “Amen! Papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan ay sumaating Diyos magpakailan pa man. Amen!”

13 Pagkatapos isa sa mga matatanda ay nagtanong sa akin: “Sino ang mga ito, nadaramitan ng puting mga kasuotan, at saan sila nagmula?”

14 Sinabi ko sa kaniya, “Alam po ninyo, ginoo,” at sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero.” 15 Dahil sa ganitong dahilan, sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos at sumasamba sila araw at gabi sa kaniyang templo. Siya na siyang nakaupo sa trono, ay maglalatag ng tolda sa ibabaw nila. 16 Hindi na sila magugutom muli, ni sila ay mauuhaw muli. Hindi sila masasaktan sa araw ni anumang nasusunog na init. 17 Dahil ang Kordero na nasa gitna ng trono ay kanilang magiging pastol, at gagabayan niya sila patungo sa bukal na tubig ng buhay, papahirin ng Diyos ang bawat luha mula sa kanilang mga mata.”

Ang Ikapitong Tatak: Pitong Anghel na may mga Trumpeta

Binuksan ang ikapitong tatak. Lumitaw sa langit ang pitong anghel na may pitong trumpeta. Ipinahahayag ang mga panalangin ng pasasalamat ng mga Kristiyanong nagpapahinga na ngayon, at ang pagtanggap ng Diyos sa kanilang mga panalangin, kasama ng nalalapit na pagwasak ng mga barbaro sa imperyo.

Pahayag 8:1–5

1 Nang buksan ng Kordero ang ika-pitong selyo, naroon ang isang katahimikan sa langit nang mga kalahating oras. 2 Pagkatapos nakita ko ang pitong anghel na siyang nakatayo sa harap ng Diyos. at pitong mga trumpeta ang ibinigay sa kanila.

3 Isa pang anghel ang dumating, hawak ang isang gintong mangkok ng insenso, nakatayo sa altar. Maraming insenso ang ibinigay sa kaniya, sa gayon dapat niya itong ialay kasama ng mga panalangin ng lahat ng mga mananampalataya sa gintong altar sa harap ng trono. 4 Ang usok ng insenso kasama ng mga panalangin ng mga mananampalataya, ay bumangon sa harap ng Diyos mula sa kamay ng anghel.

5 Kinuha ng anghel ang mangkok ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa altar. Pagkatapos ibinato niya ito sa lupa, at nagkaroon ng salpukan ng mga kulog, mga dagungdong, at mga kislap ng kidlat at isang lindol.

Ang Unang Trumpeta: Sumasalakay ang mga Bansa sa Hilaga

Nagsisimula sa pagtunog ng pitong trumpeta ang isang bagong panahon ng pagpapabagsak sa kapangyarihang Romano, na hanggang ngayon ay pumipigil sa taong makasalanan. Tumunog ang unang trumpeta. Ang kasunod na mga kababalaghan ay nagbabadya ng pagsalakay sa Imperyong Romano ng mga barbarong bansa sa Hilaga (323–412).

Pahayag 8:6–7

6 Ang pitong anghel na may mga trumpeta ay naghanda para patunigin sa kanila.

7 Pinatunog ng unang anghel ang kaniyang trumpeta, at umulan ng yelo at apoy na may halong dugo. Ito ay inihagis pababa sa lupa kaya ang ikatlong bahagi nito ay natupok, ang ikatlong bahagi ng mga puno ay natupok, at ang lahat ng mga damong berde ay natupok.

Ang Ikalawang Trumpeta: Nananaig ang mga Vandal

Tumunog ang ikalawang trumpeta. Winasak ng mga Vandal at Alan sa ilalim ni Genserico ang kapangyarihang pampolitika ng Kanlurang Imperyong Romano (395–455).

Pahayag 8:8–9

8 Pinatunog ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta, at isang bagay na parang isang napakalaking bundok na nasusunog ng apoy ang itinapon sa dagat. Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo, 9 ang ikatlong bahagi ng buhay na mga nilalang sa tubig ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nasira.

Ang Ikatlong Trumpeta: Pumait ang mga Tubig

Tumunog ang ikatlong trumpeta. Maaaring ibinabadya rito ang pagpapatalsik kay Augustulo, ang huling Romanong emperador ng Kanluran; o ang pagtalikod sa pananampalataya o katiwalian ng ambisyosong mga pinuno ng iglesya; o ang paglaganap ng mga pananaw ni Agustin, na higit sa alinmang iba ay nagpapait sa mga tubig ng buhay at sumira sa pagkakaisang Kristiyano (455–476).

Pahayag 8:10–11

10 Pinatunog ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, at isang napakalaking bituin ang nahulog mula sa himpapawid, nagliliyab tulad ng isang sulo, sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal na tubig. 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging mapait, at maraming mga tao ang namatay mula sa tubig na naging mapait.

Ang Ikaapat na Trumpeta: Nagwakas ang Huling Awtoridad ng Roma

Tumunog ang ikaapat na trumpeta. Inihuhula nito ang mga digmaan sa Italia sa pagitan ng mga mananakop ng Roma, ng mga heneral ni Justiniano, at ng mga Goth, at ang pagkakatatag ng Eksarkado ng Ravenna, na pumawi sa lahat ng natitirang awtoridad ng Roma, hanggang sa taong 606.

Pahayag 8:12

12 Pinatunog ng ika-apat na anghel ang kaniyang trumpeta, at ang ikatlong bahagi ng araw ay hinampas, gayun din ang ikatlong bahagi ng buwan, at ikatlo ng mga bituin. Kaya ang ikatlo sa kanila ay nagdilim, ang ikatlo sa araw at ikatlo sa gabi ay nawalan ng liwanag.

Inihanda ang Daan para sa Dalawang Malaking Pagtalikod sa Pananampalataya

Nagsisimula ngayon ang isa pang di-malilimutang panahon sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang pangkalahatang katiwalian sa mga Kristiyano at ang kahinaang pampolitika ng imperyo ay naghahanda ng daan para sa dalawang malaking pagtalikod sa pananampalataya, na tatagal nang 1260 taon at sabay na lilitaw sa silangan at kanlurang mga imperyo (606).

Pahayag 8:13

13 Tumingin ako, at narinig ko na lumilipad ang isang agila sa gitna ng himapapawid, tumatawag ng may malakas na tinig, “Kaawa-awa, kaawa-awa, kaawa-awa, sila na nabubuhay sa lupa, dahil sa natitira pang mga pagsabog ng trumpeta na malapit ng patunugin ng tatlong anghel.”