Ang Ikalimang Trumpeta: Si Muhammad at ang mga Saraceno

Ang paglitaw, pag-unlad, at pangwakas na pagbagsak ng dalawang magkasabay na pagtalikod sa pananampalataya, ang dalawang malaking kaaway ng kapayapaan, kaalaman, at kaligayahan ng sangkatauhan—ang kapapahan at Islam—ay inilalarawan ng unang dalawang trumpeta ng kapighatian, at ng ikatlong trumpeta ng kapighatian hanggang sa ikaanim na mangkok, na ibinuhos sa panahon ng ikatlo. Tumunog ang ikalimang trumpeta, o unang trumpeta ng kapighatian. Ang pagbagsak ng isang bituin, ang mga katiwalian ng silangang iglesya, ay nagbubunsod sa pagtalikod sa pananampalataya ni Muhammad at ng mga Saraceno, na nananaig sa mga Kristiyanong nasa kamalian sa loob ng 150 taon (606 hanggang 762).

A.D. 96

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Pahayag 9:1–11

1 Pagkatapos hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta. Nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. Ibinigay sa bituin ang susi ng lagusan patungo sa napakalalim na hukay. 2 Binuksan niya ang lagusan ng napakalalim na hukay at lumabas ang isang haligi ng usok sa lagusan tulad ng usok mula sa malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang hangin dahil sa usok na lumalabas mula sa lagusan.

3 Lumabas sa lupa ang mga balang mula sa usok, at binigyan sila ng kapangyarihan katulad ng mga alakdan sa lupa. 4 Sinabihan sila na huwag pinsalain ang damo sa lupa o anumang berdeng halaman o puno, pero mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo. 5 Sila ay hindi nagbigay ng pahintulot na patayin ang mga taong iyon, pero pahirapan lamang sila sa loob ng limang buwan. Kanilang matinding paghihirap ay naging tulad ng kagat ng isang alakdan kapag hinampas ng isang tao. 6 Sa mga araw na iyon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, pero di nila ito mahahanap. Sila ay matagal mamamatay, pero lalayo sa kanila ang kamatayan.

7 Ang mga balang ay katulad ng mga kabayong nakahanda sa digmaan. Sa kanilang mga ulo ay may tulad ng mga gintong korona at ang kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha ng tao. 8 May buhok silang gaya ng buhok ng mga babae at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng ngipin ng mga leon. 9 Mayroon silang mga baluting tulad ng baluting bakal, at ang tunog ng kanilang mga pakpak ay parang tunog na gawa sa mga karwahe at mga kabayong tumatakbo sa loob ng digmaan. 10 Mayroon silang mga buntot na may tulis tulad ng mga alakdan; sa kanilang mga buntot ay may kapangyarihan silang makasakit sa mga tao nang limang buwan. 11 Mayroon silang hari na nangunguna sa kanila ang anghel sa pinakailalim ng hukay. Ang kaniyang pangalan sa Hebreo ay Abadon at sa Griego ang kaniyang pangalan ay Apolion.

Ang Ikaanim na Trumpeta: Sumasalakay ang Apat na Sultanato

Pagkaraan ng mahabang pagitan, tumunog ang ikaanim na trumpeta. Ang apat na sultanato ng kapangyarihang Muslim, na ang mga kabisera ay Baghdad, Damasco, Aleppo, at Iconio, ay nagsimulang umalis sa kanilang mga lupain malapit sa Eufrates at sumalakay sa mga Kristiyano. Nakamit nila ang kanilang unang tagumpay noong 1281. Winasak nila ang imperyong Griego, at para sa pagwasak na ito sila ay inihanda (1453). Ang huli nilang pagpapalawak ng teritoryo ay naganap noong 1672.

Pahayag 9:12–21

12 Ang unang kaawa-awa ay nakaraan. Masdan mo! Matapos ito may dalawang pang kapahamakan ang darating.

13 Hinipan ng ika-anim na angel ang kaniyang trumpeta, at narinig ko ang tinig na nagmumula sa mga sungay ng gintong altar na naroon sa harapan ng Diyos. 14 Sinabi ng tinig sa ika-anim na anghel na may trumpet, “Pakawalan ang apat ng anghel na nakagapos sa dakilang ilog Eufrates”.

15 Ang apat na anghel na siyang naihanda para sa sobrang oras na iyon, nang araw na iypn, nang buwan na iyon, at nang taon na iyon ay pinalaya par patayin ang ikatlong bahagi ng sang katauhan. 16 Ang bilang ng mga kawal na nasakay sa kabayo ay 200, 000, 000. Narinig ko ang kanilang bilang.

17 Ganito ko nakita ang mga kabayo sa aking pangitain, at ang mga nakasakay sa kanila. Ang kanilang mga baluti ay maningas na pula, matingkad na asul at asupreng dilaw. Ang ulo ng mga kabayo ay kahawig ng mga ulo ng mga lion at lumalabas sa kanilang mga bibig ang apoy, usok at asupre. 18 Ang ikatlong bahagi ng bayan ay pinatay sa pamamagitan ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok, at asupre na lumabas sa kanilang mga bibig. 19 Dahil ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at sa kanilang mga buntot—dahil ang kanilang mga buntot ay tulad ng mga ahas, at mayroon silang mga ulo na nagsanhi ng mga sugat sa tao.

20 Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy—mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad. 21 Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw.

Isang Hiwalay na Balumbon para sa Kanlurang Imperyo

Matapos ihula ang kasaysayan ng silangang imperyo, nagpapatuloy ang propesiya sa kasaysayan ng kanlurang imperyo sa loob ng parehong panahon na 1260 taon. Ang bahaging ito ng propesiya ay ibinigay kay Juan ng isa pang anghel bilang isang hiwalay na balumbon, upang maiba ito sa mga pangyayaring inihula ng dalawang trumpeta ng kapighatian.

Pahayag 10

1 Pagkatapos nakita ko ang isa pang malakas na anghel bumababa mula sa langit. Nababalutan siya ng isang ulap at may isang bahanghari sa itaas ng kaiyang ulo. Ang kaniyang mukha ay tulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay gaya ng haliging apoy. 2 May hawak siya sa kaniyang kamay na isang maliit na balumbon na nakabukas, at ipinatong niya sa dagat ang kaniyang kanang paa at ang kaniyang kaliwang paa sa lupa. 3 Pagkatapos sumigaw siya ng malakas na tinig gaya ng umaatungal na leon, at nang siya ay sumigaw ang pitong mga kulog ay dumagundong.

4 Nang dumagundong ang pitong kulog, halos isusulat ko na, pero narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinasabing, “Manatiling lihin anuman ang sinabi ng pitong kulog. Huwag itong isulat.”

5 Pagkatapos ang anghel na aking nakitang nakatayo sa dagat at sa lupa, ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit 6 at nanumpa sa pamamagitan niya na mabubuhay magpakailanman — siyang lumikha ng langit at lahat ng naroon, ang lupa at lahat ng naroon, at ang dagat at lahat ng naroon: “Walang maaaring magtagal doon. 7 Pero sa araw kung kailan ang ika-pitong anghel ay malapit nang hipan ang kaniyang trumpeta, pagkatapos ang hiwaga ng Diyos ay naganap na, gaya ng kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga lingkod na mga propheta.”

8 Narinig ko ang tinig mula sa langit na may muling sinasabi sa akin: “Lumakad ka, kunin mo ang bukas na balumbon na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.”

9 Pagkatapos pumunta ako sa angel at sinabi ko sa kaniya na ibigay niya sa akin ang maliit na balumbon. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo ang balumbon at kaiinin ito. Gagawin nitong mapait ang iyong tiyan, pero sa iyong bibig ito ay magiging kasing tamis ng pulot.

10 Kinuha ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ko ito. Ito ay kasing tamis ng pulot sa aking bibig pero pagkatapos ko itong kainin ay pumait ang aking tiyan.

11 Pagkatapos ilang mga tinig ang nagsabi sa akin, “Kailangan mong magpropesiya muli tungkol sa maraming tao, mga bansa, mga wika at sa mga hari.”

Ang Dalawang Saksi na Nakasuot ng Telang Sako

Ang maliit na balumbon, na naglalaman ng makahulang kasaysayan ng kanlurang iglesya, ay nahahati sa limang bahagi. Inilalarawan ng unang bahagi ang paghihiwalay ng mga Kristiyano sa pangalan lamang at ng mga espirituwal na Kristiyano, at ang paghamak, pangkalahatang pagpapabaya, at pagkapoot sa mga kasulatan at sa mga tunay na tagapagpaliwanag nito, sa pamamagitan ng paglalarawan ng dalawang saksing nagpapahayag ng propesiya habang nakasuot ng telang sako. Inihuhula nito na ang mga saksing ito ay magpapahayag ng propesiya nang halos 1260 taon, hanggang sa malapit nang matapos ang kanilang pagpapatotoo na nakasuot ng telang sako, kung kailan sila papatayin, muling mabubuhay, at magtatagumpay laban sa mga nagalak sa kanilang pagkamatay. Mangyayari ito bago tumunog ang ikapitong trumpeta. Napakahirap unawain ng bahaging ito ng Pahayag: maaaring isa itong pangkalahatang panimula sa nilalaman ng maliit na balumbon (606–1866).

Pahayag 11:1–14

1 Isang tambo ang binigay sa akin para gamitin tulad ng isang panukat. Sinabihan ako, “Tumayo ka at sukatin ang templo ng Diyos at ang altar, at ang mga sumasamba sa loob nito. 2 Pero huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng templo, dahil naibigay na iyon sa mga Gentil. Pagtatapakan nila ang banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. 3 Bibigyan ko ang aking dalawang saksi ng kapangyarihan para magpropesiya sa loob ng 1, 260 na araw, na nakadamit ng sako. “

4 Ang mga saksing ito ay ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawan na nakatayo sa harapan ng Panginoon sa lupa. 5 Kung sinuman ang magpapasyang manakit sa kanila, lalabas ang apoy mula sa kanilang bibig at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Sinuman ang magnanais manakit ay papatayin sa ganitong paraan. 6 Ang mga saksing ito ay may kapangyarihan para isara ang kalangitan kaya walang bubuhos na ulan sa oras nang sila ay magpropesiya. May kapangyarihang silang gawing dugo ang mga tubig at hampasin ang mundo kasama ang lahat ng uri ng salot anuman ang kanilang hilingin.

7 Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin. 8 Ang kanilang mga katawan ay ilalatag sa kalsada sa dakilang lungsod (na tinatawag na Sodom at Egipto bilang simbolo) kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon. 9 Sa loob ng tatlo at kalahating araw ilan mula sa bawat bayan, lipi, wika, at bansa ay tinitingnan ang kanilang mga katawan at hindi nila pahihintulutang ilagay sa isang libingan. 10 Silang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa kanila at magdiriwang, kahit nagpapadala sila ng mga kaloob sa isa't isa dahil itong dalawang propeta ay pinahirapan ang mga naninirahan sa lupa.

11 Pero makalipas ang tatlo at kalahating araw isang hininga ng buhay mula sa Diyos ay papasok sa kanila at sila ay tatayo sa kanilang mga paa. Matinding takot ang lulukob sa lahat ng makakakita sa kanila. 12 Pagkatapos maririnig nila ang malakas na tinig mula sa langit na sinasabi sa kanila, “Umakyat kayo rito!” At sila ay aakyat sa langit sa isang ulap, habang nakatingin ang kanilang mga kaaway.

13 Sa oras na iyon nagkaroon doon ng isang matinding lindol at ang ika-sampung bahagi ng lungsod nagiba. Pitong libong tao ang namatay sa lindol at ang mga nakaligtas ay natakot at nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos ng langit.

14 Ang ikalawang kapighatian ay lumipas na. Pagmasdan ito! Ang ikatlong kapighatian ay mabilis dadating.