Nangaral sina Pedro at Juan sa Maraming Nayon ng mga Samaritano

A.D. 34

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Mga Gawa 8:25

25 Nang si Pedro at Juan ay nagpatotoo at nagpahayag ng salita ng Panginoon, sila ay bumalik sa Jerusalem; habang nasa daan, nangaral sila ng ebanghelyo sa maraming nayon ng mga Samaritano.

Binautismuhan ni Felipe ang Ingat-yaman ni Reyna Candace

Ang ingat-yaman ni Reyna Candace, isang proselito ng katuwiran, ay sumampalataya at binautismuhan ni Felipe, na ngayon ay nangangaral sa mga lungsod ng Judea.

Mga Gawa 8:26–40

26 Ngayon ang anghel ng Panginoon ay nangusap kay Felipe at sinabi, “Tumayo ka at pumunta sa bahaging timog sa daang pababa mula sa Jerusalem papuntang Gaza.”( Ang daang ito ay nasa disyerto). 27 Siya ay tumayo at umalis. May isang lalaking mula Ethiopia, isang eunoko na may dakilang kapangyarihan mula kay Candace, na reyna ng mga Etiope. Siya ang namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan. Siya ay pumunta sa Jerusalem upang sumamba. 28 Siya ay bumalik at nakaupo sa kaniyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni propeta Isaias.

29 Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Umakyat ka at sabayan mo ang karwahe.”

30 Kaya patakbong lumapit si Felipe, at narinig niyang binabasa ang aklat ni propeta Isaias, at sinabi, “Naiintindihan mo ba ang iyong binabasa?”

31 Sumagot ang taga-Ethiopia, “Paano ko maiintindihan, maliban kung may magtuturo sa akin?” Nakiusap siya kay Felipe na umakyat sa karwahe at umupo sa tabi niya.

32 Ito ang bahagi ng kasulatan na binabasa ng taga Ethopia, “Siya ay tulad ng tupa na dinala sa bahay katayan; at tulad ng isang kordero sa harap ng manggugupit na tahimik, hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig: 33 Sa kaniyang kahihiyan kinuha sa kaniya ang katarungan: sino ang magpapahayag sa kaniyang salinlahi? sapagkat ang kaniyang buhay ay kinuha mula sa mundong ito.”

34 Kaya nagtanongang eunoko kay Felipe, at sinabi, “Nakikiusap ako sa iyo sino ang tinutukoy ng propeta? ang kaniyang sarili ba mismo o ibang tao?”

35 Nagsimulang magsalita si Felipe; Nagsimula siya sa kasulatan ni Isaias upang ipangaral si Jesus sa kaniya.

36 Habang nagpapatuloy sila sa daan, napunta sila sa ilang bahagi ng tubig; at sinabi ng eunoko, “Tingnan mo, may tubig dito, ano pa ang puwedeng makahadlang sa akin upang ma bautismuhan?” 37 Sinabi ni Felipe,” kung nananampalataya ka ng buong puso, ikaw ay mag pabautismo. Ang taga Ethopia ay sumagot,” Naniniwala ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos.” 38 Kaya inutusan ng taga Ethopia na tumigil ang karwahe. Bumaba sila sa tubig, si Felipe at ang eunoko at binautismuhan siya ni Felipe.

39 Nang umahon sila sa tubig, kinuha ng Espiritu ng Panginoon si Felipe at hindi na siya nakita ng eunuko; at siya ay umalis ng may kagalakan. 40 Ngunit si Felipe ay lumitaw sa Azoto. Siya ay dumaan sa rehiyong iyon at ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng lungsod, hanggang sa makarating siya sa Ceasaria.

Nangaral sa mga Judio ang mga Nangalat na Sumampalataya

Marami sa mga sumampalatayang tumakas mula sa Jerusalem dahil sa pag-uusig doon ay nangaral ng ebanghelyo sa mga Judio sa mga lalawigan.

Mga Gawa 8:4

4 Gayon pa man, ang mga mananampalataya na nagsikalat ay nagpatuloy na mangaral ng salita ng Diyos.

Sumampalataya si Saulo Habang Patungo sa Damasco A.D. 35

Habang papunta sa Damasco, si Saulo ay nagbalik-loob sa pananampalatayang kanyang sinasalungat, nang marinig niya ang Bath Kol at makita ang Shekinah.

Mga Gawa 9:1–9

1 Subalit si Saulo na patuloy pa rin na nagsasalita ng mga banta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon ay nagtungo sa mga pinakapunong pari 2 at humingi sa kaniya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco, upang kung may makita siyang sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay maari niyang dalhin na nakagapos sa Jerusalem.

3 Habang siya ay naglalakbay, nangyari nga na nang malapit na siya sa Damasco, biglang may nagningning na liwanag mula sa langit sa buong paligid; 4 at siya ay natumba sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi sa kanyang, “Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?”

5 Sumagot si Saulo, “Sino kayo Panginoon? “Sumagot ang Panginoon, “Ako si Jesus na iyong inuusig; 6 ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin.”

7 Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita. 8 Tumayo si Saulo sa lupa, at nang imulat niya ang kaniyang mga mata, wala na siyang nakita kaya inakay siya at dinala sa Damasco. 9 Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.