Nabigo ang Sabwatan ni Haman (continued)
453 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Nang gabing iyon hindi makatulog ang hari. Inutusan niya ang kanyang mga lingkod na dalhin ang mga talaan ng mga pangyayari sa kanyang paghahari, at ito ay basahin nang malakas sa harap ng hari. 2 At natagpuang nakatala roon na isinumbong ni Mordecai ang tungkol kina Bigthana at Teres, dalawa sa mga opisyal ng hari na nagbabantay sa pasukan, na siyang sinubukang saktan si Haring Assuero.
3 Nagtanong ang hari, “Anong karangalan at pagkilala ang nagawa kay Mordecai sa paggawa nito?” Pagkatapos sinabi ng kanyang mga kabataang lalaki, na lingkod niya, “Walang anumang nagawa para sa kanya.”
4 At sinabi ng hari, “Sino ang nasa patyo?” Ngayon si Haman ay pumasok sa panlabas na patyo ng bahay ng hari upang kausapin siya tungkol sa pagbitay kay Mordecai sa bitayang inihanda niya para sa kanya. 5 Sinabi ng mga lingkod ng hari sa kanya, “Si Haman ay nakatayo sa patyo.” Sinabi ng hari, “Hayaan siyang pumasok.”
6 Nang pumasok si Haman, sinabi ng hari sa kanya, “Anong dapat gawin sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari?” Ngayon sinabi ni Haman sa kanyang puso, “Sino ang kinalulugdang parangalan ng hari na higit kaysa sa akin?”
7 Sinabi ni Haman sa hari, “Sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari, 8 hayaang dalhin ang mga maharalikang balabal, mga balabal na isinuot ng hari, at isang kabayong sinakyan ng hari at sa ulo nito ay ang sagisag ng hari. 9 Pagkatapos payagang ibigay ang mga balabal at ang kabayo sa isa sa pinakamarangal na opisyal ng hari. Hayaan silang bihisan ang lalaking kinalulugdang parangalan ng hari, at hayaang pasakayin siya sa kabayong lilibot sa mga lansangan ng bayan. Hayaang ipahayag nila sa harapan niya, 'Ganito ang ginagawa sa kinalulugdang parangalan ng hari!”'
10 Pagkatapos sinabi ng hari kay Haman, “Magmadali, kunin mo ang mga balabal at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mo iyon kay Mordecai na Judio na nakaupo sa tarangkahan ng hari. Huwag mabigo sa isa mang bagay na iyong sinabi.”
11 Pagkatapos kinuha ni Haman ang mga balabal at ang kabayo. Binihisan niya si Mordecai at pinasakay sa kabayo patungo sa mga lansangan ng siyudad. Ipinahayag sa unahan niya, “Ganito ang ginagawa sa tao na kinalulugdang parangalan ng hari!”
12 Bumalik si Mordecai sa tarangkahan ng hari. Ngunit nagmadali si Haman sa kanyang bahay, nagluluksa, na may takip ang ulo.
13 Sinabi ni Haman kay Zeres na kanyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang lahat ng bagay na nangyari sa kanya. Pagkatapos sinabi sa kanya ng kanyang mga kalalakihang kilala sa kanilang karunungan, at Zeres na kanyang asawa, “Kapag si Mordecai, ang tao na siyang nagsimula kang bumagsak, ay Judio, hindi mo siya matatalo, ngunit ikaw ay tiyak na babagsak sa harap niya.
14 Habang nakikipag-usap sila sa kanya, dumating ang mga opisyal ng hari. Nagmadaling dinala si Haman sa handaang inihanda ni Esther.
7:1 Kaya pumunta ang hari at si Haman sa pista kasama ni Reyna Esther. 2 Sa ikalawang araw na ito, habang nagsisilbi sila ng alak, sinabi ng hari kay Esther, “Ano ang iyong kahilingan, Reyna Esther? Ipagkakaloob ito sa iyo. Ano ang iyong pakiusap? Hanggang sa kalahati ng kaharian, ipagkakaloob ito.”
3 Pagkatapos ay sumagot si Reyna Esther, “Kung nakasumpong ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hari, at kung ito ay mamarapatin mo, hayaang ibigay sa akin ang aking buhay—ito ang aking kahilingan, at pakiusap ko rin ito para sa aking lahi. 4 Dahil kami ay ipinagbili, ako at ang aking lahi, upang wasakin, patayin, at lipulin. Kung kami ay ipinagbili lamang sa pagkaalipin, bilang lalaki at babaing alipin, tatahimik na lang sana ako, sapagkat walang kapighatiang tulad nito na magbigay-katarungan para gagambalain ang hari.”
5 Pagkatapos sinabi ni Haring Assuero kay Esther na reyna, “Sino siya? Nasaan ang taong pumuno sa kanyang puso na gumawa ng ganyang bagay?”
6 Sinabi ni Esther, “Ang taong napopoot, ang kaaway na iyon, ay itong masamang si Haman!” Pagkatapos lubhang nasindak si Haman sa harap ng Hari at ng reyna.
7 Tumayo ang hari sa matinding galit mula sa pag-inom ng alak sa kapistahan at pumunta sa hardin ng palasyo, ngunit naiwan si Haman upang magmakaawa para sa kanyang buhay mula kay Reyna Esther. Nakita niya na ang kapahamakan ay pinagpapasyahan na ng hari laban sa kanya.
8 Pagkatapos bumalik ang hari mula sa hardin ng palasyo patungo sa silid kung saan isinilbi ang alak. Kababagsak lamang ni Haman sa upuang kinaroroonan ni Esther. Sinabi ng hari, “Pagsasamantalahan ba niya ang reyna sa aking harapan sa sarili ko pang pamamahay?” Pagkalabas mismo ng mga salitang ito mula sa bibig ng hari, tinakpan ng mga lingkod ang mukha ni Haman.
9 Pagkatapos si Harbona, isa sa mga opisyal na naglilingkod sa hari, ay nagsabing, “Isang bitayang limampung kubit ang taas ang nakatayo sa tabi ng bahay ni Haman. Itinayo niya ito para kay Mordecai, ang nagsalita upang mapangalagaan ang hari.” Sinabi ng hari, “Bitayin siya roon.”
10 Kaya binitay nila si Haman sa bitayang kanyang inihanda para kay Mordecai. Pagkatapos humupa ang matinding galit ng hari.
8:1 Sa araw na iyon ibinigay ni Haring Assuero kay Reyna Esther ang ari-arian ni Haman, na kaaway ng mga Judio. At nagsimulang maglingkod si Mordecai sa hari, dahil sinabihan ni Esther ang hari kung ano ang kaugnayan niya sa kanya. 2 Kinuha ng hari ang panselyong singsing, na binawi niya mula kay Haman, at ibinigay ito kay Mordecai. Itinalaga ni Esther si Mordecai na maging tagapamahala ng lahat ng ari-arian ni Haman.
3 Pagkatapos nakipag-usap muli si Esther sa hari. Iniyuko niya ang kanyang mukha sa lupa at umiyak habang nagmamakaawa sa kanya na tapusin na ang masamang balak ni Haman na Agageo, ang pakanang binuo niya laban sa mga Judio.
4 Pagkatapos itinuro ng hari ang gintong setro kay Esther; bumangon at tumayo siya sa harap ng hari.
5 Sinabi niya, “Kung mamarapatin ng hari, at kung nakasumpong ako ng kagandahang-loob sa iyong paningin, kung ang bagay ay parang wasto sa harap ng hari, at ako ay kalugud-lugod sa iyong mga mata, hayaang isang kautusan ang maisulat upang mapawalang-bisa ang mga liham ni Haman na anak ni Hammedatha na Agageo, ang mga liham na kanyang sinulat para wasakin ang mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ng hari. 6 Sapagkat paano ko makakayang tingnan ang kapahamakang mangyayari sa aking lahi? Paano ko matitiis na panoorin ang pagkalipol ng aking mga kamag-anak?
7 Sinabi ni Haring Assuero kina Esther at Mordecai na Judio, “Tingnan ninyo, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Haman, at binitay nila si Haman sa bitayan, dahil sasalakayin niya ang mga Judio. 8 Sumulat ka ng iba pang kautusan para sa mga Judio sa pangalan ng hari, at selyuhan ito sa pamamagitan ng singsing ng hari. Sapagkat ang kautusang naisulat na sa pangalan ng hari at naselyuhan sa pamamagitan ng singsing ng hari ay hindi maaaring mapawalang-bisa.”
9 Kaya pinatawag ang mga manunulat ng hari sa oras na iyon, sa ikatlong buwan, na buwan ng Sivan, sa ikadalawampu't tatlong araw ng buwan. Isang kautusan ang isinulat na naglalaman ng lahat ng iniuutos ni Mordecai na may kinalaman sa mga Judio. Isinulat ito para sa mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador at mga opisyal ng mga lalawigang matatagpuan mula India hanggang Ethiopia, 127 na lalawigan, sa bawat lalawigan ang liham ay isinulat sa kanilang sariling pagsulat, at sa bawat lahi sa kanilang wika, at sa mga Judio sa kanilang pagsulat at wika.
10 Sumulat si Mordecai sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ito ng panselyong singsing ng hari. Pinadala ang mga kasulatan sa pamamagitan ng mga tagahatid na nakasakay sa mabibilis na mga kabayo na siyang ginagamit sa paglilingkod sa hari, pinarami mula sa maharlikang palahiang hayop.
11 Pinahintulutan ng hari ang mga Judio na nasa bawat siyudad na magtipun-tipon at gumawa ng paninindigan upang pangalagaan ang kanilang buhay; upang ubusin, patayin, at lipulin ang anumang sandatahang lakas mula sa alinmang lahi o lalawigang gustong sumalakay sa kanila, kasali ang mga bata at mga kababaihan o dambungin ang kanilang mga ari-arian. 12 Ipapairal ito sa lahat ng lalawigan ni Haring Assuero, sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, na buwan ng Adar.
13 Ang kopya ng utos ay ilalathala bilang batas at ilalantad ito sa lahat ng tao. Ang mga Judio ay dapat handa sa araw na iyon upang maghiganti sa kanilang mga kaaway. 14 Kaya sumakay ang mga tagahatid sa maharlikang mga kabayong ginagamit para sa paglilingkod sa hari ang mga tagahatid. Humayo sila nang walang antala. Ang kautusan ng hari ay inilathala rin mula sa palasyo ng Susa.
15 Pagkatapos umalis si Mordecai sa presensya ng hari na nakasuot ng maharlikang damit na bughaw at puti, na may malaking gintong korona at kulay-ubeng balabal ng pinong lino. At sumigaw at nagsaya ang siyudad ng Susa.
16 Nagkaroon ng kaliwanagan, kagalakan, kasiyahan, at karangalan ang mga Judio. 17 Sa bawat lalawigan at sa bawat siyudad, saanman makarating ang kautusan ng hari, may kagalakan at kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pangilin. Maraming naging Judio ang nagmula sa ibat-ibang lahi ng mga tao, dahil ang takot ng mga Judio ay bumagsak sa kanila.