Bahagi 4: Ang Iba Pang mga Gusali at Karangyaan ni Solomon
Nagpakita ang Diyos kay Solomon
Ang pagtatayo ng Bahay ng Kagubatan ng Lebanon. Nagpakita ang Diyos kay Solomon.
1004 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Inabot ng labing tatlong taon si Solomon para makapagtayo ng sarili niyang palasyo.
2 Itinayo niya ang Palasyo sa Kagubatan ng Lebanon. Ang haba nito ay isang daang kubit, ang lapad nito ay limampung kubit, at ang taas nito ay tatlumpung kubit. Ang palasyo ay itinayo nang may apat na hanay ng haliging sedar na may bigang sedar sa ibabaw ng mga poste.
3 Ang bubong ay gawa sa sedar; ito ay binubungan ng higit sa apatnapu't limang biga na nasa mga poste, labing lima sa isang hanay. 4 Doon ay may biga sa tatlong hanay, at bawat bintana ay katapat ng isa pang bintana sa tatlong pangkat. 5 Lahat ng mga pinto at mga poste ay ginawang mga parisukat na may biga, at ang bintana ay may katapat na bintana sa tatlong pangkat.
6 Doon ay may isang bulwagan na limampung kubit ang haba at tatlumpung kubit ang lapad, na may isang portiko sa harap at mga poste at isang bubong.
7 Itinayo ni Solomon ang bulwagan ng trono kung saan siya maghuhukom, ang bulwagan ng katarungan. Ang bawat palapag ay nababalutan ng sedar.
8 Ang tahanan ni Solomon kung saan siya maninirahan, sa ibang patyo sa loob ng palasyo, ay katulad din ang disenyo. Siya rin ay nagtayo ng tahanang tulad nito para sa anak na babae ng Paraon, na kaniyang ginawang asawa.
9 Ang mga gusaling ito ay pinalamutian ng mamahalin na batong natagpas, sinukat nang maagi at hinati ng lagari at pinakinis sa lahat ng panig. Ang mga batong ito ay ginamit mula sa pundasyon hanggang sa mga bato sa itaas at sa labas din ng malaking patyo. 10 Ang pundasyon ay itinayo gamit ang napakalaki, mamahaling bato na walo at sampung kubit ang haba. 11 Nasa itaas ang mamahaling mga batong natagpas nang wasto sa sukat, at mga bigang sedar.
12 Ang malaking patyo na nasa paligid ng palasyo ay may tatlong hanay ng tinagpas na bato at isang hanay ng bigang sedar tulad sa loob ng templo ni Yahweh at ng portiko ng templo.
11 Sa gayon natapos ni Solomon ang tahanan ni Yahweh at ang kaniyang sariling tahanan. Lahat ng nasa puso ni Solomon na gawin sa tahanan ni Yahweh at sa kaniyang sariling tahanan, matagumpay niyang nagawa. 12 Nagpakita si Yahweh kay Solomon sa gabi at sinabi sa kaniya, “Narinig ko ang iyong panalangin, at pinili ko ang lugar na ito para sa aking sarili bilang isang bahay alayan. 13 Ipagpalagay na isinara ko ang kalangitan upang walang ulan, o kung utusan ko ang mga balang na lamunin ang lupain, o kung magpadala ako ng sakit sa aking mga tao. 14 Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
15 Ngayon magiging bukas ang aking mga mata at makikinig ang aking mga tainga sa mga panalangin na gagawin sa lugar na ito. 16 Sapagkat pinili ko ngayon at inilaan ang tahanang ito, upang ang aking pangalan ay naroon magpakailanman; at ang aking mga mata at puso ay naroon sa lahat ng panahon.
17 At ikaw, kung lalakad ka sa harap ko tulad ng iyong amang si David, na sinusunod ang lahat ng iniutos ko sa iyo at sinusunod ang aking mga panuntunan at mga kautusan, 18 kung gayon, itatatag ko ang trono ng iyong kaharian, tulad ng sinabi ko sa isang kasunduan kay David na iyong ama, noong sinabi ko, 'Hindi mabibigo kailanman ang isa sa iyong lahi na maging hari ng Israel.'
19 Ngunit kung tatalikod ka, at iiwanan ang aking mga panuntunan at ang mga kautusan na aking ibinigay sa iyo, at kung sasamba ka sa ibang mga diyos at yumuko sa kanila, 20 sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
21 At kahit na ang templong ito sa ngayon ay matayog, magugulat ang lahat na dadaan dito at susutsut. Tatanungin nila, 'Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupain ito at sa tahanang ito?' 22 Sasagot ang iba, 'Dahil tinalikuran nila si Yahweh, ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at bumaling sila sa ibang diyos at yumuko sa kanila at sinamba sila. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ni Yahweh ang lahat ng sakunang ito sa kanila.”
1 Pagkatapos maitayo ni Solomon ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari, at pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ninais niyang gawin, 2 nangyaring nagpakita muli si Yahweh kay Solomon sa ikalawang pagkakataon, kagaya ng pagpapakita sa kaniya sa Gabaon. 3 At sinabi sa kaniya ni Yahweh, “Narinig ko ang iyong panalangin at ang iyong kahilingan sa akin. Itinalaga ko ang templong ito, na iyong itinayo, para sa akin, para doon ko ilagay ang aking pangalan magpakailanman, at ang aking mga mata at ang aking puso ay mananatili doon sa lahat ng panahon.
4 Para naman sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harapan ko gaya ng ama mong si David na lumakad ng may matapat na puso at sa pagiging matuwid, at kung susundin mo ang lahat na iniutos ko at iniingatan ang aking mga kautusan at aking mga tuntunin, 5 itatatag ko ang trono ng iyong kaharian sa buong Israel magpakailanman, gaya nang ipinangako ko sa iyong amang si David, na sinasabing, 'Isa sa iyong lahi ay hindi kailaman mabibigong lumuklok sa trono ng Israel.'
6 Pero kung kayo ay tatalikod, ikaw at ang at iyong mga anak, at hindi iingatan ang aking mga kautusan na aking inilagay sa harapan ninyo, at kung pupunta at sasamba kayo sa ibang mga diyos at yuyukod sa kanila, 7 kung gayon ay palalayasin ko ang Israel mula sa lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang templong ito na inilaan ko para sa aking pangalan—iwawaksi ko ito sa aking paningin. At ang pangalang “Israel” ay magiging para na lamang isang kawikaan at isang katatawanan sa lahat ng mga tao.
8 At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “ Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito? 9 Sasagot ang iba, “dahil tinalikuran nila si Yahweh, na kanilang Diyos, na siyang naglabas sa kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, at pinaglingkuran nila ang ibang mga diyos at yumukod sila sa mga ito at sumamba sila sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ni Yahweh ang lahat ng mga sakunang ito sa kanila.””
Ang mga Pananakop at Iba Pang mga Gawa ni Solomon 1001 B.C.
10 At5 nangyari sa pagsapit ng katapusan ng dalawampung taon, natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng dalawang gusali, ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari. 11 Si Hiram, ang hari ng Tiro, ay nagbigay kay Solomon ng mga kahoy na sedar, mga kahoy na pino, at ginto, lahat ng hinangad ni Solomon. Kaya binigyan ni Haring Solomon si Hiram ng dalawampung lungsod sa lupain ng Galilea. 12 Lumabas si Hiram mula sa Tiro para tingnan ang mga lungsod na ibinigay sa kaniya ni Solomon, pero hindi siya nasiyahan sa mga iyon.
13 Kaya sinabi ni Hiram, “Ano ba itong mga lungsod na ibinigay mo sa akin, aking kapatid?” Kaya tinawag ni Hiram ang mga iyon na Lupain ng Cabul, kung saan ganoon pa rin ang tawag sa kanila hanggang ngayon.
14 Nagpadala si Hiram sa hari ng 120 talentong ginto.
1 Nangyari na sa pagtatapos ng ika-dalawampung taon ng pagpapatayo ni Solomon ng tahanan ni Yahweh at ng kaniyang sariling tahanan, 2 ipinatayo muli ni Solomon ang mga bayan na ibinigay sa kaniya ni Hiram at pinatira niya ang mga Israelita doon.
3 Nilusob at tinalo ni Solomon ang Hamat-Zoba. 4 Ipinatayo niya ang Tadmor sa ilang at ipinatayo niya ang lahat ng mga lungsod-imbakan sa Hamat. 5 Ipinatayo din niya ang Bet-horong Itaas at Bet-horong Ibaba, mga lungsod na napapalibutan ng mga pader at mayroon ding mga tarangkahan at pangharang. 6 Ipinatayo niya ang Baalat at ang lahat ng mga lungsod-imbakan na pag-aari niya at ang lahat ng mga lungsod para sa kaniyang mga karwahe, mga mangangabayo at anumang naisin niyang ipatayo para sa kaniyang kasiyahan sa Jerusalem, sa Lebanon at sa lahat ng mga lupaing kaniyang pinamumunuan.
7 Tungkol naman sa lahat ng taong naiwan na Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo na hindi kabilang sa Israel, 8 ang kanilang mga kaapu-apuhan na naiwan sa lupain na hindi nilipol ng mga Israelita—Sila ay ginawa ni Solomon na mga sapilitang manggagawa hanggang sa panahong ito.
9 Gayunpaman, hindi isinama ni Solomon ang mga Israelita sa mga sapilitang manggagawa. Sa halip, sila ay naging kaniyang mga kawal, mga pinuno ng kaniyang mga hukbo, mga tagapangasiwa at pinuno ng kaniyang mga mangangarwahe at kaniyang mga mangangabayo. 10 Sila rin ang mga punong tagapangasiwa sa mga namamahala na kabilang kay Haring Solomon, 250 sa kanila ang namamahala sa mga manggagawa.
11 Dinala ni Solomon ang anak ng Faraon sa labas ng lungsod ni David, sa tahanan na ipinatayo niya para rito, sapagkat sinabi niya, “Hindi maaaring tumira ang aking asawa sa tahanan ni David na hari ng Israel, sapagkat banal ang lugar kung saan naroroon ang kaban ni Yahweh.”
24 Lumipat ang anak na babae ng Paraon mula sa lungsod ni David patungo sa bahay na itinayo ni Solomon para sa kanya. Kinalaunan, itinayo ni Solomon ang Millo.