Ginawang Hari si David sa Buong Israel
1048 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Pagkatapos pumunta ang lahat ng lipi ng Israel kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at buto. 2 Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''
3 Kaya dumating ang lahat na nakatatanda ng Israel sa hari ng Hebron, at gumawa si Haring David ng isang kasunduan sa kanila sa harapan ni Yahweh. Hinirang nila si David na maging hari ng buong Israel.
1 Sumangguni si David sa mga pinuno ng libu-libo at daan-daan, sa bawat pinuno. 2 Sinabi ni David sa buong kapulungan ng Israel, 'Kung ito ang mabuti para sa inyo at kung ito ay nagmula kay Yahweh na ating Diyos, magpadala tayo ng mga mensahero sa lahat ng lugar kung saan naroon ang ating mga kapatiran na nananatili sa lahat ng mga rehiyon ng Israel at sa mga pari at mga Levita na nasa kanilang mga lungsod. Sabihan sila na sumama sila sa atin. 3 Ibalik natin ang kaban ng tipan sa atin, sapagkat hindi natin sinangguni ang kaniyang kalooban sa panahon ng paghahari ni Saul.”
4 Sumang-ayon ang buong kapulungan na gawin ang mga bagay na ito, dahil tila tama ito sa paningin ng lahat ng mga tao.
1 Yahweh, sinayasat mo ako at kilala. 2 Alam mo kung kailan ako uupo at babangon; kahit malayo ka sa akin nauunawaan mo ang aking saloobin. 3 Minamasdan mo ang aking daan at kapag ako ay nahihiga; alam mo ang lahat sa aking pamumuhay. 4 Yahweh, wala akong sinasabi na hindi mo lubos na alam. 5 Sa likuran at harapan ay nandoon ang iyong mga kamay sa akin. 6 Ang ganoong kaalaman ay labis para sa akin; ito ay labis na mataas at hindi ko ito kayang maunawaan. 7 Saan ako maaaring pumunta para makatakas mula sa iyong Espiritu? Saan ako makakalayo mula sa iyong presensiya? 8 Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka. 9 Kung lilipad ako palayo sa mga pakpak ng umaga at pupunta para mamuhay sa pinakamalayong mga bahagi sa kabila ng karagatan, 10 kahit doon ang iyong kamay ang aakay sa akin, at ang iyong kanang kamay ang hahawak sa akin. 11 Kung sasabihin ko, “Tiyak na itatago ako ng kadiliman at ang gabi ang aking magiging liwanag;” 12 hindi makakapagtago kahit ang kadiliman mula sa iyo. Lumiliwanag ang gabi tulad ng umaga, dahil ang kadiliman at liwanag ay magkatulad sa iyo. 13 Ikaw ang humulma sa aking pagkatao; ikaw ang humulma sa akin sa sinapupunan ng aking ina. 14 Magpapasalamat ako sa iyo, dahil ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga at kamangha-mangha. Alam na alam mo ang aking buhay. 15 Ang aking katawan ay hindi naitago mula sa iyo noong ako ay lihim na binuo, noong ako ay magulong nilikha sa kailaliman ng mundo. 16 Nakita mo ako sa loob ng sinapupunan; ang lahat ng araw na nakatalaga para sa akin ay nakatala sa iyong libro kahit bago pa ito ang unang nangyari. 17 Napakahalaga ng iyong kaisipan sa akin, O Diyos! Napakalawak ng kanilang kabuuan. 18 Kung susubukan ko itong bilangin, sila ay higit pa sa bilang ng mga buhangin. Sa aking paggising, ako ay nasa iyo pa rin. 19 Kung iyo lamang papatayin ang masasama, O Diyos; lumayo sa akin, ikaw na marahas na tao. 20 Sila ay naghihimagsik laban sa iyo at kumikilos nang may pandaraya; ang iyong mga kaaway ay nagsisinungaling. 21 Hindi ko ba kapopootan ang mga napopoot sa iyo, Yahweh? Hindi ko ba kasusuklaman silang lumalaban sa iyo? 22 Lubos ko silang kinapopootan; sila ay naging mga kaaway ko. 23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso; subukin mo ako at alamin ang aking saloobin. 24 Tingnan mo kung mayroong masamang paraan sa akin, at pangunahan mo ako sa daan ng walang hanggan.
23 Ito ang talaan ng mga armadong kawal para sa labanan na nagpunta kay David sa Hebron upang ibigay ang kaharian ni Saul sa kaniya, na tumupad sa salita ni Yahweh.
24 Mula sa Juda ang mga nagdala ng kalasag at sibat ay 6, 800, na armado para sa digmaan.
25 Mula sa tribu ni Simeon ay may 7, 100 na lalaking mandirigma.
26 Mula sa mga Levita ay may 4, 600 na mga lalaking mandirigma. 27 Si Joiada ang pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang kasama niya ay 3, 700. 28 Kasama ni Zadok, isang binatang malakas at matapang, ang dalawampu't dalawang pinuno mula sa angkan ng kaniyang ama.
29 Mula kay Benjamin, na tribu ni Saul ay may 3, 000. Karamihan sa kanila ay nanatiling tapat kay Saul hanggang ngayon.
30 Mula sa tribu ni Efraim ay may 20, 800 na lalaking mandirigma, mga lalaking tanyag sa sambahayan ng kanilang ama.
31 Mula sa kalahating tribu ni Manases ay may 18, 000 na mga lalaking tanyag na dumating upang gawing hari si David.
32 Mula kay Isacar, ay may dalawandaang pinuno na may pag-unawa sa mga panahon at nalalaman kung ano dapat gawin ng Israel. Ang lahat ng kanilang kamag-anak ay nasa ilalim ng kanilang utos.
33 Mula kay Zebulun ay may 50, 000 na lalaking mandirigma, na nakahanda para sa digmaan, na dala ang lahat ng sandata ng digmaan at handang ibigay ang hindi nahahating katapatan.
34 Mula kay Neftali ay may isang libong opisyal at kasama nila ang may 37, 000 na lalaki na may mga kalasag at mga sibat.
35 Mula sa angkan ni Dan ay may 28, 600 na mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan.
36 Mula kay Asher ay may apatnapung libong mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan.
37 Mula sa kabilang panig ng Jordan, mula sa tribu ni Ruben, Gad, at sa kalahating tribu ni Manases ay may 120, 000 na lalaking armado ng lahat ng uri ng sandata para sa labanan.
38 Ang lahat ng mga kawal na ito, na handa para sa labanan, ay dumating sa Hebron na may matatag na hangarin na gawing hari si David sa buong Israel. Ang lahat ng iba pang Israelita ay sumang-ayon na gawing hari si David.
39 Sila ay naroon ng tatlong araw kasama si David na kumain at uminom, sapagkat pinadalhan sila ng kanilang mga kamag-anak ng kailangang pagkain at inumin. 40 Bukod pa rito, ang mga malapit sa kanila, hanggang Isacar, Zebulun at Neftali, ay nagdala ng tinapay na isinakay sa mga asno, mga camelyo, mga mola at mga baka, at tinapay na gawa sa igos, mga kumpol ng pasas, alak, langis, baka at tupa, sapagkat nagdiriwang ang Israel.
8 Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David: Jesbaal na Hacmonita na naging pangulo ng mga magiting na kawal. Nakapatay siya ng walong daang tao sa isang pagkakataon. 9 Sumunod sa kaniya si Eleazar na lalaking anak ni Dodo, lalaking anak ng isang Ahohita, isa sa tatlong magigiting na mga tauhan ni David. Naroon siya nang nilabanan nila ang mga taga-Filisteo na sama-samang nagtipon para makipagdigmaan, at nang umurong ang mga tauhan ng Israel. 10 Nanatili si Eleazar at nilabanan ang mga taga-Filisteo hanggang sa napagod ang kaniyang kamay at nanigas ang kaniyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang espada. Nagdala ng tagumpay si Yahweh sa araw na iyon. Bumalik ang hukbo pagkatapos ni Eleazar, para lang hubaran ang mga katawan. 11 Sumunod sa kaniya si Samma na lalaking anak ni Age, isang Hararita. Sama-samang nagtipon ang mga taga-Filisteo kung saan may bukid ng mga lentil, at tinakasan sila ng hukbo. 12 Pero tumayo si Samma sa gitna ng bukid at ipinagtanggol ito. Napatay niya ang mga taga-Filisteo at nagdala ng isang dakilang tagumpay kay Yahweh.
20 Si Abisai na kapatid ni Joab ang namuno sa tatlo. Ginamit niya ng minsan ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal. 21 Sa tatlo, siya ay labis na pinarangalan at naging kanilang pinuno. Gayunman, ang kaniyang katanyagan ay hindi papantay sa katanyagan ng tatlong mga kawal.
22 Si Benaias na anak ni Joaida ay malakas na lalaki na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Pinatay niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab. Bumaba din siya sa malalim na hukay at pinatay ang isang leon habang umuulan ng niyebe. 23 Pinatay rin niya ang isang lalaking taga-Egipto na may limang kubit ang taas. Ang taga-Egipto ay may sibat na tulad ng kahoy na panghabi, subalit pumunta siya sa kaniya na tungkod lamang ang dala. Inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga-Egipto at pinatay siya gamit ang sarili niyang sibat. 24 Ang mga kahanga-hangang gawa na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joaida, at pinangalanan siya kasama ng tatlong malalakas na kalalakihan. 25 Mas higit siyang iginagalang kaysa sa tatlumpung mga kawal sa pangkalahatan, ngunit hindi siya iginagalang na katulad ng tatlong mga piling kawal. Gayunman, inilagay siya ni David na tagapangasiwa ng kaniyang mga bantay.
26 Ang malalakas na mga kalalakihan ay sina Asahel na kapatid ni Joab, Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem, 27 Si Samot na taga-Harod, Si Helez na taga-Pelet, 28 Si Ira na anak ni Iques na taga-Tekoa, si Abiezer na taga-Anatot, 29 si Sibecai na taga-Husa, si Ilai na taga-Aho, 30 si Maharai na taga-Netofa, Heled na anak ni Baana na taga-Netofa, 31 si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea na mula sa angkan ni Benjamin, si Benaias na taga-Piraton, 32 si Hurai na mula sa mga lambak ng Gaas, si Abiel na taga-Arba, 33 si Azmavet na taga-Behurim, si Eliaba na taga-Saalbon, 34 ang mga anak ni Hasem na taga-Gizon, si Jonathan na anak ni Sage na taga-Arar, 35 si Ahiam na anak ni Sacar na taga-Arar, si Elifal na anak ni Ur, 36 si Hefer na taga-Mequera, si Ahias na taga-Pelon, 37 si Hezro na taga-Carmel, si Naarai na anak ni Ezbai, 38 si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Hagri, 39 si Zelec na taga-Ammon, si Naarai na taga-Berot (tagadala ng baluti ni Joab na anak ni Zeruiah), 40 si Ira at Gareb na taga-Jatir, 41 si Urias na Heteo, si Zabad na anak ni Ahlai, 42 si Adina na anak ni Siza (na pinuno sa angkan ni Ruben) at kasama niya ang tatlumpung tao, 43 si Hanan anak ni Maaca, at si Josafat na taga-Mitan, 44 si Uzias na taga-Asterot, Sammah at Jeiel na mga anak ni Hotam na taga-Aroer, 45 si Jediael na anak ni Simri at si Joha na kaniyang kapatid na taga-Tiz, 46 si Eliel na taga-Mahava, si Jeribai at Josavia ang mga anak ni Elnaam, si Itma na taga-Moab, 47 sina Eliel, Obed, at Jasael na taga-Zoba.
4 Tatlumpung taong gulang si David nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng apatnapung taon. 5 Sa Hebron naghari siya sa buong Juda ng pitong taon at anim na buwan, at sa Jerusalem naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon sa buong Israel at Juda.
6 Pumunta ang hari at ang mga tauha niya sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo, ang mga mamamayan ng lupain. Sinabi nila kay David, “Huwag kang babalik dito maliban kung papaalisin ka sa pamamagitan ng mga bulag at lumpo. Hindi makakapunta dito si David.”
7 Gayunpaman, nasakop ni David ang kuta ng Sion, na ngayon ay lungsod na ni David. 8 Sa oras na iyon sinabi ni David, 'Sinuman ang sasalakay sa mga taga-Jebus ay kailangang pumunta sa pamamagitan ng tubig at aabutin nila ang 'lumpo at bulag,' ang mga galit kay David.” kaya sinabi ng mga tao iyan, “Hindi makakapunta ang 'bulag at lumpo' sa palasyo.”
9 Kaya nanirahan si David sa kuta at tinawag itong siyudad ni David. Pinatibay niya ang palibot nito, mula sa terasa patungong loob. 10 Naging lubos na makapangyarihan si David dahil kay Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ay kasama niya.
1 At nagpunta ang lahat ng Israelita kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at dugo. 2 Sa nakalipas na panahon nang naghari si Saul sa atin, ikaw ang nanguna sa mga hukbong Israelita. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, 'Ikaw ang mangangalaga sa aking bayang Israel at ikaw ang mamumuno sa aking bayang Israel.'”
3 Kaya lahat ng mga matatanda ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron at gumawa si David ng kasunduan sa kanila sa harap ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David na hari ng buong Israel. Sa ganitong paraang natupad ang salita ni Yahweh na ipinahayag ni Samuel.
4 Si David at lahat ng Israelita ay nagtungo sa Jerusalem (iyan ay Jebus). Ngayon, naroon ang mga Jebuseo, na naninirahan sa lupain na iyon.
5 Sinabi ng mga naninirahan sa Jebus kay David, “Hindi ka makakapasok dito.” Ngunit tinalo ni David ang matibay na tanggulan ng Zion, iyon ay ang lungsod ni David.
6 Sinabi ni David, “Sinuman ang unang lulusob sa mga Jebuseo ay magiging pinuno.” Kaya si Joab na anak ni Zuriah ang unang lumusob, kaya ginawa siyang pinuno ng hukbo.
7 Pagkatapos, nagsimulang tumira si David sa matibay na tanggulan. Kaya tinawag nila itong lungsod ni David. 8 Pinatibay niya ang pader ng lungsod mula sa Millo at pinalibutan niya ng pader. Pinatibay ni Joab ang natitirang bahagi ng lungsod.
9 Naging dakila si David sapagkat ang makapangyarihang si Yahweh ay kasama niya.
10 Ito ang mga pinuno na mayroon si David na nagpakita na sila ay malalakas kasama niya sa kaniyang kaharian, kasama ang buong Israel upang gawin siyang hari, na sinusunod ang salita ni Yahweh tungkol sa Israel. 11 Ito ang listahan ng mga piling kawal ni David: Si Jasobeam, na anak ng isang Hacmonita, ay pinuno ng tatlumpu. Pinatay niya ang tatlongdaang kalalakihan sa pamamagitan ng kaniyang sibat sa isang pagkakataon.
12 Sumunod sa kaniya si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita na isa sa tatlong malalakas na mga kalalakihan. 13 Kasama niya si David sa Pas-dammim, at doon nagtipon-tipon ang mga Filisteo para sa labanan, kung saan may bukid ng sebada at tumakas ang hukbo ng mga Israelita mula sa mga Filisteo. 14 Tumayo sila sa gitna ng bukid, ipinagtanggol ito at pinatay ang mga Filisteo. Iniligtas sila ni Yahweh na may malaking tagumpay.
18 Si Abisai, lalaking kapatid ni Joab at lalaking anak ni Zeruias, ang kapitan ng tatlo. Minsan na siyang nakipaglaban sa tatlong daang kalalakihan gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal. 19 Hindi ba mas kilala siya kaysa tatlong kawal? Ginawa nila siyang kapitan. Gayunman, hindi napantayan ng kaniyang katanyagan ang katanyagan ng tatlong pinakakilalang mga kawal.
20 Si Benaias, mula sa Kabzeel, ay lalaking anak ni Joaida; siya ang malakas na lalaki na gumawa ng mga dakilang gawa. Pinatay niya ang dalawang lalaking anak ni Ariel ng Moab. Bumaba rin siya sa loob ng isang hukay at pinatay ang leon habang nagniniyebe. 21 At pinatay niya ang isang napakalaking lalaking taga-Ehipto. May hawak na sibat ang taga-Ehipto, pero nakipaglabanan si Benaias sa kaniya gamit lamang ang isang tungkod. Inagaw niya mula sa kamay ng taga-Ehipto at pinatay siya gamit ang kaniyang sariling sibat. 22 Ginawa ni Benaias anak na lalaki ni Joaida itong mga kahanga-hangang gawa, at pinangalanan siya kasama ng tatlong magigiting na lalaki. 23 Labis siyang hinangaan kaysa sa tatlumpung kawal sa pangkalahatan, pero hindi siya labis na hinahangaan gaya ng tatlong pinaamahusay na kawal. Pero ginawa siya ni David na tagapamahala ng kaniyang mga tagabantay.
24 Kasali sa tatlumpu ang mga sumusunod na lalaki: Asahel lalaking kapatid ni Joab, Elhanan lalaking anak ni Dodo na mula sa Betlehem, 25 Samma na Horodita, Elika na Harodita, 26 Helez na Paltita, Ira na lalaking anak ni ekis na taga-Tekoa, 27 Abi Ezer na taga-Anatot, Mebunai na taga-Husa, 28 Zalmon na taga-Aho, Maharai na Netofa; 29 Heleb lalaking anak ni Baana, taga-Netofa, Itai lalaking anak ni Ribai na mula sa Gibea ng mga lahi ni Benjamin, 30 Benaias ang Piraton, Hidai ng mga lambak ng Gaas. 31 Abialbon na Araba, Azmavet na Bahurim, 32 Eliahba na taga-Saalbon, mga lalaking anak ni Jasen, Jonatan; 33 Samma na taga-Arar, Ahiam anak ni Sharar na taga-Arar, 34 Elifelet lalaking anak ni Ahasbai na taga-Maaca, Eliam lalaking anak ni Ahithofel na taga-Gilo, 35 Hezro na taga-Carmel, Paarai ang Arab 36 Igal lalaking anak ni Natan mula sa Zoba, Bani mula sa lipi ni Gad, 37 Zelek na taga-Ammon, Naharai na taga-Beerot, tagadala ng baluti kay Joab lalaking anak ni Zeruias, 38 Ira na taga-Jatir, Gareb taga-Jatir, 39 Urias ang Heteo— tatlumpu't pito lahat.