Pinagbawalan si David na Itayo ang Templo (continued)
1044 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Ingatan mo ako, O Diyos, dahil sa iyo ako kumukubli. 2 Sinasabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; ang kabutihan ko ay walang saysay nang malayo sa iyo. 3 Para sa mga taong banal na nasa daigdig, sila ay mararangal na tao; ang kasiyahan ko ay nasa kanila. 4 Ang kanilang kapahamakan ay lalawig, silang naghahanap ng ibang diyos. Hindi ako magbubuhos ng inuming handog na dugo sa kanilang mga diyos o magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi. 5 Ikaw ang aking bahagi at ang aking kopa, O Yahweh. Hawak mo aking tadhana. 6 Mga panukat na guhit ay inalagay para sakin sa mga kalugod-lugod na lugar; tiyak na magandang pamana ang inilaan para sa akin. 7 Pupurihin ko si Yahweh na naggagabay sa akin; maging sa gabi, ang isipan ko ay nagtuturo sa akin. 8 Inuuna ko si Yahweh sa lahat ng oras, kaya't hindi ako mayayanig mula sa kaniyang kanang kamay! 9 Kaya nga ang puso ko ay magagalak, ang nagpaparangal kong puso ay magpupuri sa kaniya; tiyak na mabubuhay ako nang panatag. 10 Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay. 11 Tinuturo mo sa akin ang landas ng buhay; nag-uumapaw na kagalakan ay nananahan sa iyong piling; labis na tuwa ay nananatili sa iyong kanang kamay magpakailanman!
1 Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, ang kaniyang katapatan sa tipan ay magpakailanman. 2 Hayaangm magsabi ang Israel, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman. 3 Hayaang magsabi ang sambahayan ni Aaron, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman. 4 Hayaang magsabi ang mga matapat na tagasunod ni Yahaweh, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.” 5 Sa aking pagdurusa ay tumawag ako kay Yahweh; sinagot ako ni Yahweh at pinalaya ako. 6 Si Yahweh ay kasama ko; hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin? 7 Si Yahweh ay katulong ko sa aking panig: kaya nakikita ang tagumpay ko sa kanila na napopoot sa akin. 8 Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao. 9 Mas mabuting magkubli kay Yahweh kaysa magtiwala sa mga tao. 10 Nakapalibot sakin ang buong bansa; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila. 11 Ako ay pinalilibutan nila; oo, ako ay pinalilibutan nila; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila. 12 Ako ay pinalibutan nila na parang mga bubuyog; sila ay mabilis na naglaho na parang apoy sa gitna ng mga tinik; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko sila. 13 Nilusob nila ako para patumbahin, pero tinulungan ako ni Yahweh. 14 Kalakasan at kagalakan ko si Yahweh, at siya ang nagligtas sa akin. 15 Ang sigaw ng kagalakan ng tagumpay ay narinig sa mga tolda ng matuwid; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop. 16 Ang kanang kamay ni Yahweh ay itinaas; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop. 17 Hindi ako mamamatay, pero mabubuhay at magpapahayag ako ng mga gawa ni Yahweh. 18 Pinarusahan ako ng malupit ni Yahweh; pero hindi niya ako inilagay sa kamatayan. 19 Buksan para sa akin ang mga tarangkahan ng katuwiran; papasok ako sa kanila at magpapasalamat kay Yahweh. 20 Ito ang tarangkahan ni Yahweh; ang mga matuwid ay papasok dito. 21 Ako ay magpapasalamat sa iyo dahil sinagot mo ako, at ikaw ang naging kaligtasan ko. 22 Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato. 23 Ito ay gawa ni Yahweh; kagila-gilalas ito sa harap ng ating mga mata. 24 Ito ang araw na kumilos si Yahweh; tayo ay magalak at magsaya. 25 Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay! Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay! 26 Pagpapalain siyang dumarating sa pangalan ni Yahweh; pinagpapala ka namin mula sa tahanan ni Yahweh. 27 Si Yahweh ay Diyos, at binigyan niya kami ng liwanag; itali ninyo ang handog ng mga panali sa mga sungay ng altar. 28 Ikaw ang aking Diyos, at magpapasalamat ako sa iyo; ikaw ang aking Diyos, ikaw ang aking itataas. 29 O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti; ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
1 Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.” 2 Hahawakan ni Yahweh ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion; mamuno ka sa iyong mga kaaway. 3 Ang iyong bayan ay susunod sa iyo sa banal na kasuotan ng kanilang sariling kalooban sa araw ng iyong kapangyarihan; mula sa sinapupunan ng bukang liwayway ang iyong pagkabata ay mapapasaiyo gaya ng hamog. 4 Sumumpa si Yahweh, at hindi magbabago: “Ikaw ay isang pari magpakailanman, ayon sa paraan ni Melkisedek.” 5 Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay. Papatayin niya ang mga hari sa araw ng kaniyang galit. 6 Hahatulan niya ang mga bayan; pupunuin niya ang lugar ng digmaan ng mga bangkay; papatayin niya ang mga pinuno ng maraming mga bansa. 7 Iinom siya sa batis sa tabi ng daan, at pagkatapos ay ititingala niya ang kaniyang ulo pagkatapos ng tagumpay.