Tumakas si David Patungo kay Ahimelec sa Nob
1060 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Pagkatapos dumating si David sa Nob upang makita si Ahimelec na pari. Dumating si Ahimelec upang makipagkita kay David na nanginginig at sinabi sa kanyang, “Bakit ka nag-iisa at walang kasama?”
2 Sinabi ni David kay Ahimelec na pari, “Ipinadala ako ng hari para sa misyon at sinabi sa akin, 'Huwag hayaang malaman ninuman ang kahit anong tungkol sa bagay na ipapadala ko sa iyo at kung ano ang iniutos ko sa iyo.' Inutusan ko ang mga binata sa isang tiyak na lugar. 3 Ngayon sa gayon anong mayroon sa iyong kamay? Bigyan mo ako ng limang hati ng tinapay o kahit anong narito.”
4 Sinagot ng pari si David at sinabing, “Walang karaniwang tinapay sa ngayon pero mayroong banal na tinapay—kung iningatan ng mga binata ang kanilang sarili mula sa mga babae.”
5 Sinagot ni David ang pari, “Tiyak na iniwas ang mga babae mula sa amin sa loob ng tatlong araw na ito. Nang lumabas ako, inihandog kay Yahweh ang mga katawan ng mga binata, kahit na karaniwang paglalakbay iyon. Paano pa kaya ngayon maihahandog pa ba ang mga katawan nila kay Yahweh?”
6 Kaya ibinigay ng pari sa kanya ang tinapay na inilaan kay Yahweh. Dahil walang tinapay doon, tanging ang tinapay lang ng presensiya, na inalis mula sa harapan ni Yahweh, upang makapaglagay ng mainit na tinapay kapalit nito kapag inalis na ito.
7 Ngayon naroon ang isa sa mga lingkod ni Saul sa araw na iyon, katanggap-tanggap siya sa harap ni Yahweh. Si Doeg na taga-Edom ang pangalan niya, ang pinuno ng mga pastol ni Saul.
8 Sinabi ni David kay Ahimelec, “Ngayon wala bang alinmang sibat o espada dito? Sapagkat hindi ko dinala ang aking espada ni aking mga sandata dahil mabilisan ang usapin ng hari.”
9 Sinabi ng pari, “Ang espada ni Goliat na Pelistina, na pinatay mo sa lambak ng Ela, ay narito na nakabalot sa isang tela sa likod ng efod. Kung gusto mong kunin iyon, kunin mo, dahil wala ng ibang sandata dito.” Sinabi ni David, “Wala ng ibang espada tulad ng isang iyon; ibigay mo ito sa akin.”
Tumakas si David Patungo kay Aquis, Hari ng Gat
10 Tumayo si David at tumakas ng araw na iyon mula kay Saul at nagpunta kay Aquis na hari ng Gat. 11 Sinabi ng mga lingkod ni Aquis sa kanya, “Hindi ba si David ito, ang hari ng lupain? Hindi ba kumakanta sila sa isa't-isa tungkol sa kanya sa mga sayawan, 'Pinatay ni Saul ang kanyang libo-libo, at pinatay ni David ang kanyang sampung libo?'”
12 Isinapuso ni David ang mga salitang ito at sobrang natakot kay Aquisna hari ng Gat. 13 Binago niya ang kanyang pag-uugali at nagkunwaring baliw sa harap nila; gumawa siya ng mga palatandaan sa mga pintuan ng tarangkahan at hinayaan ang kanyang laway na tumulo sa kanyang balbas.
14 Pagkatapos sinabi ni Aquis sa kanyang mga lingkod, “Tingnan ninyo, makikita ninyong baliw ang lalaki. Bakit ninyo siya dinala sa akin? 15 Kulang na ba ako sa mga taong baliw, kaya dinala ninyo ang taong ito upang umastang kagaya nitong nasa piling ko? Talaga bang papasok ang taong ito sa aking bahay?”
1 Maawa ka sa akin, o Diyos, dahil may naghahangad na lamunin ako; buong araw ay nilalabanan niya ako at inaapi. 2 Hinahangad ng aking mga kaaway na lamunin ako buong araw; dahil marami ang mayabang na kumakalaban sa akin. 3 Kapag ako ay natatakot, magtitiwala ako sa iyo. 4 Sa Diyos, na ang salita ay aking pinupuri - sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang? 5 Buong araw, binabaluktot nila ang aking mga salita; lahat ng kanilang iniisip ay laban sa akin para sa kasamaan. 6 Nagtitipon-tipon sila, tinatago nila ang kanilang mga sarili, at tinatandaan ang aking mga hakbang, katulad ng kanilang paghihintay sa aking buhay. 7 Huwag mo silang hayaang makatakas na gumagawa ng kasamaan. Pabagsakin mo ang mga tao sa iyong galit, O Diyos. 8 Binibilang mo ang aking mga paglalakbay at inilalagay mo ang aking mga luha sa iyong bote; wala ba ang mga ito sa iyong aklat? 9 Pagkatapos tatalikod ang aking mga kaaway sa araw ng aking pagtawag sa iyo; ito ang aking nalalaman, na ang Diyos ay para sa akin. 10 Sa Diyos, na ang salita ay pinupuri ko - kay Yahweh, na ang salita ay pinupuri ko - 11 sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng pawang tao lamang? 12 Ang tungkulin na tuparin ang lahat ng panata ko sa iyo ay nasa akin, O Diyos; magbibigay ako ng mga handog ng pasasalamat sa iyo. 13 Dahil sinagip mo ang aking buhay mula sa kamatayan; pinigilan mo ang aking mga paa na mahulog, para ako ay makalakad sa harapan ng Diyos sa liwanag ng mga nabubuhay.
1 Pupurihin ko si Yahweh sa lahat ng oras; ang kaniyang kapurihan ay laging mamumutawi sa aking bibig. 2 Pupurihin ko si Yahweh; nawa marinig ito ng api at sila ay matuwa. 3 Purihin natin si Yahweh; sama-sama nating itaas ang kaniyang pangalan. 4 Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya. 5 Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya. 6 Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan. 7 Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at sila ay nililigtas niya. 8 Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti; mapalad ang taong kumukubli sa kaniya. 9 Katakutan ninyo si Yahweh, kayo na kaniyang banal na bayan; hindi nagkukulang ang mga may takot sa kaniya. 10 Ang batang leon minsan ay nagkukulang sa pagkain at nagugutom; pero ang mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti. 11 Halikayo, mga bata, makinig kayo sa akin; ituturo ko sa inyo ang takot kay Yahweh. 12 Sinong naghahangad ng buhay at naghahangad ng mahabang panahon na mabuhay at magkaroon ng magandang buhay? 13 Kung ganoon, lumayo kayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan. 14 Tumalikod kayo sa kasamaan at gumawa ng mabuti; hangarin ninyo ang kapayapaan at ito ay palaganapin. 15 Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig. 16 Si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama, para burahin ang kanilang alala sa mundo. 17 Ang mga matutuwid ay umiiyak, at naririnig ito ni Yahweh at mula sa lahat ng kanilang mga kaguluhan, nililigtas sila. 18 Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu. 19 Maraming mga problema ang mga matutuwid, pero sa lahat ng iyon si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay. 20 Iniingatan niya ang lahat ng kaniyang mga buto; ni isa sa kanila ay walang masisira. 21 Papatayin ng masama ang makasalanan; ang mga galit sa matutuwid ay mahahatulan. 22 Ang mga kaluluwa ng kaniyang mga lingkod ay tinutubos ni Yahweh; walang mahahatulan sa mga kumukubli sa kaniya.