Nakipag-alyansa si Ahaz kay Tiglat Pileser (continued)

Nakipag-alyansa si Ahaz kay Tiglat Pileser, hari ng Asiria.

740 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Hosea 6

1 Halikayo, manumbalik tayo kay Yahweh. Sapagkat pinagpira-piraso niya tayo, ngunit pagagalingin niya tayo; Sinugatan niya tayo, ngunit tatalian niya ang ating mga sugat. 2 Pagkatapos ng dalawang araw, bubuhayin niya tayo; ibabangon niya tayo sa ikatlong araw, at mabubuhay tayo sa kaniyang harapan. 3 Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.” 4 Ano ang gagawin ko sa inyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, Juda. Ang inyong katapatan ay tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala. 5 Kaya pinutol ko sila ng pira-piraso sa pamamagitan ng mga propeta, pinatay ko sila ng mga salita ng aking mga bibig. Ang iyong utos ay tulad ng ilaw na nagliliwanag. 6 Sapagkat hangad ko ang katapatan at hindi mga handog at ang aking kaalaman, ang Diyos ay higit pa sa mga susunuging handog. 7 Tulad ni Adan, sinira nila ang kasunduan; hindi sila naging tapat sa akin. 8 Ang Gilead ay isang lungsod ng mga gumagawa ng kasamaan, puno ng bakas ng dugo. 9 Gaya ng pangkat ng mga magnanakaw na naghihintay sa isang tao, kaya nagsama-sama ang mga pari upang pumatay sa daan patungong Shekem; nakagawa sila ng kahiya-hiyang mga kasalanan. 10 Nakita ko sa sambahayan ng Israel ang mga kakila-kilabot na bagay. Nandoon ang pagbebenta ng aliw ng Efraim, at nadungisan ang Israel. 11 Sa iyo man, Juda, ay may nakatakdang pag-aani, kapag naibalik ko na ang mabuting kapalaran ng aking mga tao.

Namatay si Ahaz; Inihula ang Kapangyarihan ni Ezequias 726 B.C.

Ang kamatayan ni Ahaz, at isang hula tungkol sa kapangyarihan ni Ezequias.

2 Mga Cronica 28:26–27

26 Ngayon, ang lahat ng kaniyang mga ginawa at lahat ng kaniyang kapamaraanan mula umpisa hanggang wakas, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. 27 Namatay si Ahaz at siya ay kanilang inilibing sa lungsod sa Jerusalem, ngunit siya ay hindi nila dinala sa mga libingan ng mga hari ng Israel. Si Ezequias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

Isaias 14:28–32

28 Sa panahon na namatay si haring Ahaz, dumating ang pahayag na ito: 29 Huwag kayong magalak, Filisteo, dahil nasira na ang pamalong hinampas sa inyo. Dahil sa pinanggalingan ng ahas ay may paparating na isa pa, at magiging lumilipad na ahas ang kaniyang anak. 30 Kakain ang panganay ng mahirap, at makakatulog ng ligtas ang mga nangangailangan. Papatayin ko ang pinanggalingan mo sa pamamagitan ng kagutuman na papatay sa lahat ng nakaligtas sa inyo. 31 Umungol kayo, umiyak kayo; lungsod; matutunaw ang lahat ng mayroon ka; Filistio. Dahil mula sa hilaga, darating ang ulap na usok, at walang nakahiwalay sa hanay niya. 32 Paano sasagutin ng isang tao ang mga mensahero ng bansang iyon? Si Yahweh ang nagtalaga ng Sion, at sa Sion makatatagpo ng kanlungan ang mga nahirapang bayan niya.

2 Mga Cronica 28:1–3

1 Si Ahaz ay dalawampung taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Hindi niya ginawa ang tama sa mga mata ni Yahweh, katulad ng ginawa ni David na kaniyang ninuno. 2 Sa halip, lumakad siya sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, gumawa rin siya ng mga metal na imahen para sa mga Baal.

3 Bukod pa roon, nagsunog siya ng insenso sa lambak ng Ben Hinom at inialay niya ang mga anak niya bilang mga alay na susunugin, alinsunod sa kalapastanganan ng mga lahing pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga Israelita.

2 Mga Hari 16:19–20

19 Sa iba pang mga bagay tungkol kay Ahaz at kung ano ang kaniyang ginawa, hindi ba ang mga ito ay nakasulat sa Ang Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Juda?

20 Nahimlay si Ahaz kasama ng kaniyang ninuno at inilibing kasama ang mga ninuno niya sa lungsod ni David. Si Hezekias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.

Ang Kaharian ng Israel 739 B.C.

Ang Paghahari nina Peka at Hosea

2 Mga Hari 15:30–31

30 Kaya si Hosea anak ni Ela ay nagbuo ng isang sabwatan laban kay Peka anak ni Remalias. Nilusob niya at pinatay siya. Pagkatapos siya ay naghari kapalit niya, sa ika-dalawampung taon ni Jotam anak ni Uzzias.

31 Sa iba pang mga bagay tungkol kay Peka, lahat ng ginawa niya, ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.

2 Mga Hari 17:1–2

1 Sa ika-labindalawang taon ni Ahaz hari ng Juda, nagsimula ang paghahari ni Hosea anak ni Ela. Siyam na taon niyang pinamunuan ang buong Israel sa Samaria. 2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh, gayon man hindi katulad ng mga nakaraang hari ng Israel.