Ibinigay ni Aquis kay David ang Ziklag
Tumakas si David patungo kay Aquis, hari ng Gat, na nagbigay sa kaniya ng Ziklag upang tirhan. Ang pagkamatay ni Saul.
1056 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Sinabi ni David sa kanyang puso, “Mawawala ako nang isang araw sa pamamagitan ng kamay ni Saul; wala nang mas mabuti para sa akin kung hindi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo; titigil na si Saul sa paghahanap sa akin kahit saan sa lahat ng hangganan ng Israel; sa paraang ito makakatakas ako sa kanyang kamay.”
1 Yahweh, ako ay tumatawag sa iyo; lumapit ka agad sa akin. Makinig ka sa akin kapag tumawag ako sa iyo. 2 Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi. 3 Yahweh, maglagay ka ng isang bantay sa aking bibig; bantayan mo ang pintuan ng aking mga labi. 4 Huwag mong hayaan ang aking puso na magnais ng kahit anong masamang bagay o sumama sa makasalanang mga gawain kasama ang mga taong kumikilos ng masama. Nawa ang kanilang masarap na pagkain ay hindi ko kainin. 5 Hayaan mong saktan ako ng taong matuwid; ito ay isang kabutihan sa akin. Hayaan mo siyang itama ako; ito ay magiging gaya ng langis sa aking ulo; nawa hindi ito tanggihan ng aking ulo. Pero ang aking panalangin ay palaging laban sa mga gawa ng masasama. 6 Ang kanilang mga pinuno ay ihuhulog mula sa itaas ng bangin; maririnig nila na aking sariling mga salita ay kaaya-aya. 7 Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.” 8 Tiyak na ang aking mga mata ay nasa iyo, Yahweh, Panginoon; sa iyo ako nagkukubli; huwag mong iwanan ang aking kaluluwa ng walang pagtatanggol. 9 Pangalagaan mo ako mula sa mga bitag na kanilang inilatag para sa akin, mula sa mga patibong ng mga gumagawa ng masama. 10 Hayaan mong mahulog ang masasama sa kanilang sariling lambat habang ako ay tumatakas.
2 Bumangon si David at tumawid, siya at ang anim na daang kalalakihang na kasama niya, kay Aquis anak na lalaki ni Maoc, ang hari ng Gat. 3 Nanirahan si David kasama nina Aquis sa Gat, siya at ang kanyang tauhan, bawat tao sa kanyang sariling sambahayan, at si David kasama ang kanyang dalawang asawa, Ahinoam na Jezreelita, at Abigail na Carmelita, asawa ni Nabal. 4 Sinabihan si Saul na tumakas si David patungo sa Gat, kaya hindi na niya siya hinanap.
5 Sinabi ni Aquis kay David, “Kung kinakitaan niya ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hayaan silang bigyan ako ng isang lugar sa isa sa mga lungsod ng bansa, upang manirahan ako doon: para saan pa na titira ang iyong lingkod sa maharlikang siyudad na kasama mo?”
6 Kaya ibinigay ni Aquis sa kanya ang Ziklag nang araw na iyon; kaya nabibilang ang Ziklag sa hari ng Juda hanggang sa araw na ito. 7 Ang bilang ng mga araw ni David na namuhay sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon at apat na buwan.
1 Ito ang mga kalalakihang pumunta kay David sa Ziklag, nang siya ay natatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga kawal, na mga katulong niya sa pakikipaglaban. 2 Sila ay may dalang mga pana at kaya nilang gamitin ang parehong kanan at kaliwang kamay sa pagtirador at sa pagpana ng mga palaso mula sa pana. Sila ay galing sa lahi ni Benjamin, na kalahi ni Saul 3 Ang pinuno ay si Ahiezer; sumunod si Joas —sila ay parehong anak ni Semaa na taga-Gibea. Sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Asmavet. Naroon din si Beraca at Jehu na taga-Anatot, 4 si Ismaias na taga-Gebion na isang sundalo na kasama sa tatlumpu at siyang namumuno sa tatlumpu, sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na mga taga-Gedera, 5 Sina Eluzai, Jerimot, Balias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf, 6 ang mga taga-Korah na sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer, Jesobeam, at 7 Joela, at Zebadias, na mga anak ni Joram na taga-Gedor.
8 Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng “Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo) 9 Sinalakay ni David ang lupain at walang tinirang mga lalaki ni mga babaeng buhay, kinuha niya ang mga tupa, ang baka, ang mga asno, ang mga kamelyo, at ang mga pananamit; bumalik siya at pumunta muli kay Aquis. 10 Sinasabi ni Aquis, “Laban kanino ang inyong ginawang pagsalakay sa araw na ito? Baka isasagot ni David, “Laban sa timog ng Juda,” o “Laban sa timog ng Jerameelita,” o “Laban sa timog ng Kenita.”
11 Baka bubuhayin ni David ang lalaki ni ang babae upang dalhin sila sa Gat, nagsasabing, “Para wala silang masabi tungkol sa atin, Ginawa ni David ang nararapat.” Ginawa niya itong lahat habang nakatira siya sa bansa ng mga Filisteo.
12 Naniwala si Aquis kay David, sinasabing, “Ginawa niyang lubos na mapoot ang bayan ng Israel sa kanya, samakatuwid magiging lingkod ko siya magpakailanman.”
Ang Pagkamatay ni Saul 1055 B.C.
1 At nangyari na sa mga araw na iyon na tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa digmaan upang makipaglaban sa Israel. Sinabi ni Aquis kay David, “Tiyak mong alamin na lalabas ka kasama ko sa mga hukbo, ikaw at ang iyong mga tauhan.”
2 Sinabi ni David kay Aquis, “Upang malaman mo kung ano ang magagawa ng iyong lingkod.” Sinabi ni Aquis kay David, “para gawin kitang palagiang tagapagbantay ko.”
3 Namatay si Samuel; pinagluksa siya ng buong Israel at inilibing siya sa Rama, sa kanyang lungsod. Ngayon ipinagbawal ni Saul sa lupain sa sinumang nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu.
4 Sama-samang tinipon ng mga Filisteo ang kanilang sarili at dumating at nagkampo sa Shunem; at sama-samang tinipon ni Saul ang buong Israel, at nagkampo sila sa Gilboa. 5 Nang makita ni Saul ang mga hukbo ng mga Filisteo, natakot siya, at labis na lumakas ang tibok ng kanyang puso. 6 Nanalangin si Saul kay Yahweh para tulungan siya, ngunit hindi sumagot sa kanya si Yahweh—maging sa panaginip, ni sa pamamagitan ng Urim, ni sa pamamagitan ng mga propeta.
7 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, “Hanapan ninyo ako ng babaeng umaangking nakikipag-usap sa mga patay, upang makapunta ako sa kanya at hingin ang kanyang payo.” Sinabi ng kanyang mga lingkod sa kanya, “Tingnan mo, mayroong isang babae sa Endor na umaaangking nakikipag-usap sa mga patay.”
8 Ikinubli ni Saul ang kanyang sarili, nagsuot ng ibang kasuotan, at pumunta siya kasama ang dalawang tauhan; pinuntahan nila ang babae sa gabi. Sinabi niya, “Manghula ka para sa akin, nagmamakaawa ako sa iyo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa patay, at dalhin sa akin ang sinumang pangangalanan ko sa iyo.”
9 Sinabi ng babae sa kanya, “Tingnan, alam mo ang ginawa ni Saul, kung paano niya ipinagbawal sa lupain ang sinumang nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu. Kaya bakit ka naglalagay ng bitag para sa aking buhay, para mamatay ako?”
10 Nanumpa si Saul sa kanya sa pamamagitan ni Yahweh, at sinabing, “Habang nabubuhay si Yahweh, walang anumang parusa ang mangyayari sa iyo para sa bagay na ito.”
11 Pagkatapos sinabi ng babae, “Sino ang dapat kong papuntahin sa iyo?” Sinabi ni Saul, “Papuntahin mo sa akin si Samuel.”
12 Nang makita ng babae si Samuel, sumigaw siya nang malakas at nangusap kay Saul, sinabing, “Bakit mo ako nilinlang? Sapagkat ikaw si Saul.”
13 Sinabi sa kanya ng hari, “Huwag kang matakot. Anong nakikita mo?” Sinabi ng babae kay Saul, “Nakita ko ang isang diyos na umaakyat mula sa lupa.”
14 Sinabi niya sa kanya, “Ano ang kamukha niya? Sinabi niya, “Isang matandang lalaki ang umaakyat; nakasuot siya ng balabal.” Nadama ni Saul na si Samuel iyon, at yumukod siya na ang kanyang mukha ay nasa lupa at nagpakita ng paggalang.
15 Sinabi ni Samuel kay Saul, “Bakit mo ako ginambala at pinabalik?” Sumagot si Saul, “Labis akong namimighati, dahil ang mga Filisteo ay naghahandang makipagdigma laban sa akin, at iniwan na ako ng Diyos at hindi na sumasagot sa akin, maging sa pamamagitan ng mga propeta, ni sa mga panaginip. Kaya tumawag ako sa iyo para ipaalam mo sa akin kung ano ang aking gagawin.”
16 Sinabi ni Samuel, “Ano ngayon ang kahilingan mo sa akin, yamang iniwan ka na ni Yahweh, at naging kaaway mo siya? 17 Ginawa ni Yahweh sa iyo ang sinabi niyang gagawin niya. Kinuha ni Yahweh ang kaharian sa ilalim ng iyong mga kamay at ibinigay ito sa iba—kay David. 18 Dahil hindi mo sinunod ang boses ni Yahweh at hindi mo ipinatupad ang kanyang matinding galit sa Amalek, kaya ginawa niya ito ngayon sa iyo. 19 Higit pa rito, ibibigay ka ni Yahweh at ang Israel sa kamay ng mga Filisteo. Bukas makakasama kita at ang iyong mga anak na lalaki. Ibibigay din ni Yahweh ang hukbo ng Israel sa kamay ng mga Filisteo.”
20 Pagkatapos biglang bumagsak ang buong katawan ni Saul sa lupa at takot na takot dahil sa mga salita ni Samuel. Wala na siyang lakas, dahil wala siyang kinain na anumang pagkain sa buong araw na iyon, maging sa buong gabi.
21 Lumapit ang babae kay Saul at nakita niyang labis siyang naguguluhan, sinabi niya sa kanya, “Tingnan mo, nakinig ang iyong babaeng lingkod sa iyong boses; Inilagay ko ang aking buhay sa aking kamay at nakinig sa mga salitang sinabi mo sa akin. 22 Kaya ngayon, nagmamakaawa ako sa iyo, makinig ka rin sa boses ng iyong babaeng lingkod at hayaan mong maghain ako ng kaunting pagkain sa harap mo. Kumain ka para makaipon ka ng lakas para sa iyong paglalakbay.”
23 Ngunit tumanggi si Saul at sinabing, “Hindi ako kakain.” Ngunit pinilit siya ng kanyang mga lingkod kasama ng babae at nakinig siya sa kanilang boses. Kaya bumangon siya at umupo sa higaan.
24 Mayroon pinatabang guya ang babae sa kanyang bahay; nagmadali siya at pinatay ito; kumuha siya ng harina, minasa ito at naghurno ng tinapay na walang lebadura gamit ito. 25 Dinala niya ito sa harapan ni Saul at kanyang mga lingkod, at kumain sila. Pagkatapos bumangon sila at umalis sa gabing iyon.