Itinalaga ang mga Levita
1490 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, 2 “Kausapin mo si Aaron. Sabihin mo sa kaniya, 'Dapat magbigay ng liwanag ang pitong ilawan sa harapan ng patungan ng ilaw kapag sinindihan mo ang mga ito.'''
3 Ginawa ito ni Aaron. Sinindihan niya ang mga ilawan na nasa patungan ng ilawan upang magbigay ng liwanag sa harapan nito, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
4 Ginawa ang patungan ng ilawan sa ganitong paraan: Ipinakita ni Yahweh kay Moises ang huwaran para rito: pinanday na ginto mula sa paanan hanggang sa itaas nito, kasama ang mga basong pinanday na parang mga bulaklak.
5 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, 6 “Kunin mo ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel at gawin mo silang dalisay. 7 Gawin mo ito sa kanila upang gawin silang malinis: Iwisik mo sa kanila ang tubig na panlinis ng kasalanan. Paahitan mo sa kanila ang kanilang buong katawan, palabhan mo ang kanilang mga damit, at sa ganitong paraan gawing malinis ang kanilang sarili.
8 Pagkatapos pakuhain mo sila ng isang batang toro at ng handog butil ng pinong harinang hinaluan ng langis. Pakuhain mo sila ng isa pang batang toro bilang handog para sa kasalanan. 9 Idulog mo ang mga Levita sa harapan ng tolda ng pagpupulong, at tipunin mo ang buong sambayanan ng Israel. 10 Idulog mo ang mga Levita sa aking harapan, ni Yahweh. Dapat ipatong ng mga tao ng Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita. 11 Dapat ihandog ni Aaron ang mga Levita sa aking harapan, idulog mo sila na para bang itinaas sila sa kaniyang harapan, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Dapat niyang gawin ito upang makapaglingkod sa akin ang mga Levita. 12 Dapat ipatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga toro. Dapat kang maghandog ng isang toro bilang alay para sa kasalanan at ang ibang toro bilang alay na susunugin sa akin, upang ibayad sa kasalanan ng mga Levita.
13 Idulog mo ang mga Levita sa harapan ni Aaron at sa harapan ng kaniyang mga anak, at itaas mo sila sa akin bilang handog. 14 Sa ganitong paraan dapat mong ihiwalay ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel. Mapapabilang sa akin ang mga Levita. 15 Pagkatapos nito, dapat pumasok ang mga Levita upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat gawin mo silang dalisay. Dapat mo silang itaas sa akin bilang handog.
16 Gawin mo ito, dahil akin silang lahat mula sa mga tao ng Israel. Sila ang magiging kapalit ng bawat batang lalaking unang ipapanganak, ang panganay sa lahat ng kaapu-apuhan ng Israel. Kinuha ko ang mga Levita para sa aking sarili. 17 Sa akin ang lahat ng panganay mula sa mga tao ng Israel, kapwa mga tao at mga hayop. Sa araw na kinuha ko ang mga buhay ng lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, inilaan ko sila para sa aking sarili. 18 Kinuha ko ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel sa halip na ang lahat ng panganay. 19 Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”
20 Ginawa ito nina Moises, Aaron, at ng buong sambayanan ng Israel kasama ang mga Levita. Ginawa nila ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh kay Moises ukol sa mga Levita. Ginawa ito ng mga tao ng Israel na kasama nila. 21 Ginawang dalisay ng mga Levita ang kanilang sarili mula sa kasalanan sa pamamagitan ng paglalaba ng kanilang mga damit. Idinulog sila ni Aaron bilang isang handog kay Yahweh at ibinayad sila sa kasalanan para sa kanila, upang gawin silang dalisay. 22 Pagkatapos nito, pumasok ang mga Levita upang isagawa ang kanilang paglilingkod sa tolda ng pagpupulong sa harapan ni Aaron at sa harapan ng kaniyang mga anak na lalaki. Ito ang inutos ni Yahweh kay Moises tungkol sa mga Levita. Pinakitunguhan nila ang mga Levita sa ganitong paraan.
23 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, 24 “Ang lahat ng ito ay para sa mga Levitang dalawampu't-limang taong gulang pataas. Dapat silang sumama sa mga samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. 25 Dapat silang tumigil sa paglilingkod sa paraang ganito sa gulang na limampung taon. Sa edad na iyan, hindi na sila dapat maglingkod pa.
26 Maaari nilang tulungan ang kanilang mga kapatid na patuloy na gumagawa sa tolda ng pagpupulong, ngunit hindi na sila dapat maglingkod pa. Dapat mong atasan ang mga Levita sa lahat ng bagay na ito.”
Ang Paggamit ng mga Trumpetang Pilak
1 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, 2 “Gumawa ka ng dalawang trumpetang pilak. Pandayin mo ang pilak upang makagawa ng mga ito. Dapat gamitin mo ang mga trumpeta upang tawagin ang sambayanan nang sama-sama at upang sabihin sa sambayanang ilipat ang kanilang mga kampo. 3 Dapat hipan ng mga pari ang mga trumpeta upang tipunin ang buong sambayanan sa iyong harapan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. 4 Kung isang trumpeta lamang ang hihipan ng mga pari, ang mga pinuno, ang mga pangulo ng mga angkan ng Israel ay dapat magkatipon sa iyo.
5 Kapag humihip ka ng isang malakas na hudyat, ang mga kampo sa silangang dako ay dapat nilang simulan ang paglalakbay. 6 Kapag humihip kayo ng isang malakas na hudyat sa pangalawang pagkakaton, ang mga kampo sa katimugang dako ay dapat nilang simulan ang kanilang paglalakbay. Dapat humihip sila ng isang malakas na hudyat para sa kanilang mga paglalakbay. 7 Kapag nagtitipun-tipon ang sambayanan, hipan mo ang mga trumpeta, ngunit mahina. 8 Dapat hipan ng mga lalaking anak ni Aaron na mga pari, ang mga trumpeta. Palagi itong magiging isang kautusan para sa inyo sa kabuuan ng salinlahi ng inyong mga tao.
9 Kapag pumunta kayo sa digmaan sa inyong lupain laban sa isang kaaway na nagmamalupit sa inyo, dapat kayong magpatunog ng isang hudyat gamit ang mga trumpeta. Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos, aalalahanin ko kayo at ililigtas mula sa inyong mga kaaway. 10 Gayundin, sa oras ng pagdiriwang, kapwa ang inyong karaniwang mga pagdiriwang at sa simula ng mga buwan, dapat hipan ninyo ang mga trumpeta sa karangalan ng inyong mga alay na susunugin at sa mga alay para sa inyong handog para sa pagtitipon-tipon. Magsisilbi itong alaala ninyo sa akin, na inyong Diyos. Ako si Yahweh, na inyong Diyos.”
Kung Paano Ginabayan ng Ulap ang mga Tao
15 Sa araw na itinayo ang tabernakulo, binalot ng ulap ang tabernakulo, ang tolda ng kautusang tipan. Sa gabi nasa itaas ng tabernakulo ang ulap. Nagpakita ito na parang apoy hanggang sa umaga. 16 Nagpatuloy ito sa paraang ganito. Binalot ng ulap ang tabernakulo at nagpakita na parang apoy sa gabi. 17 Sa tuwing tumataas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, naghahanda sa paglalakbay ang mga tao ng Israel. Sa tuwing titiigil ang ulap, nagkakampo ang mga tao. 18 Sa utos ni Yahweh, naglalakbay ang mga tao ng Israel, at sa kaniyang utos, nagkakampo sila. Habang nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, nananatili sila sa kanilang kampo.
19 Kapag nananatili ang ulap sa tabernakulo ng maraming araw, maaaring sundin ng mga tao ng Israel ang mga tagubilin ni Yahweh at huwag maglakbay. 20 Minsan nananatili ang ulap ng kaunting araw sa tabernakulo. Sa panahong iyon, susundin nila ang utos ni Yahweh—magkakampo sila at maglalakbay muli sa kaniyang utos. 21 Minsan naroroon ang ulap sa kampo mula gabi hanggang sa umaga. Kapag tumataas ang ulap sa umaga, maglalakbay sila. Kung magpapatuloy ito ng isang araw at isang gabi, kapag tumaas lamang ang ulap na sila ay magpapatuloy sa paglalakbay.
22 Kahit nananatili ang ulap sa tabernakulo ng dalawang araw, isang buwan o isang taon, habang nananatili ito roon, mananatili ang mga tao ng Israel sa kanilang kampo at hindi maglalakbay. Ngunit kapag tumaas ang ulap, nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay. 23 Maaari silang magkampo sa utos ni Yahweh at maglalakaby sa kaniyang utos. Sinusunod nila ang utos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.