Bumalik ang mga Judio mula sa Pagkabihag (continued)
536 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Mahal ko si Yahweh dahil naririnig niya ang aking tinig at mga pakiusap para sa awa. 2 Dahil siya ay nakinig sa akin, ako ay tatawag sa kaniya habang ako ay nabubuhay. 3 Ang mga tali ng kamatayan ay pinaligiran ako, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan ko; aking nadama ang hapis at kalungkutan. 4 Pagkatapos tumawag ako sa pangalan ni Yahweh: “Pakiusap O Yahweh, iligtas mo ang buhay ko.” 5 Maawain at makatarungan si Yahweh; ang ating Diyos ay mahabagin. 6 Pinagtatanggol ni Yahweh ang walang muwang; ako ay ibinaba, at kaniyang iniligtas. 7 Maaaring bumalik ang aking kaluluwa sa lugar ng kaniyang kapahingahan, dahil si Yahweh ay naging mabuti sa akin. 8 Dahil iniligtas mo ang buhay ko mula sa kamatayan, at ang mata ko mula sa mga luha, at ang mga paa ko mula sa pagkatisod. 9 Maglilingkod ako kay Yahweh sa lupain ng mga buhay. 10 Naniwala ako sa kaniya, kahit sinabi kong “Lubha akong nahirapan. 11 Padalos-dalos kong sinabing, “Lahat ng tao ay mga sinungaling.” 12 Paano ako makakabayad kay Yahweh sa lahat ng kabutihan niya sa akin? 13 Aking itataas ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ni Yahweh. 14 Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan. 15 Mahalaga sa paningin ni Yahweh ang kamatayan ng kaniyang mga santo. 16 O Yahweh, tunay nga, ako ay iyong lingkod; ako ang iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga pagkakatali. 17 Aking iaalay sa iyo ang handog na pasasalamat at tatawag sa pangalan ni Yahweh. 18 Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan, 19 sa mga silid ng tahanan ni Yahweh, sa inyong kalagitnaan, sa Jerusalem. Purihin si Yahweh.
117:1 Purihin si Yahweh, lahat ng bansa; siya ay parangalan, lahat ng mga tao. 2 Dahil ang kanyang katapatan sa tipan ay dakila para sa atin, at ang pagiging mapagkakatiwalaan ni Yahweh ay mananatili magpakailanman. Purihin si Yahweh.
1 Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman. 2 Gaya ng mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem, gayundin nakapalibot si Yahweh sa kaniyang bayan ngayon at magpakailanman. 3 Ang setro ng kasamaan ay hindi dapat mamuno sa lupain ng mga matutuwid. Kung hindi, ang mga matutuwid ay maaring gawin kung ano ang mali. 4 Yahweh, gumawa ka ng mabuti, sa kanilang mga mabuti at sa mga matuwid sa kanilang mga puso. 5 Pero para naman sa kanilang mga lumilihis para sa kanilang masasamang pamamaraan, itataboy sila ni Yahweh kasama ang mga gumagawa ng masasama. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.
1 Maliban na lang kung si Yahweh ang magtatayo ng bahay, walang saysay ang trabaho ng mga nagtayo nito. Maliban na lang na si Yahweh ang magbabantay ng lungsod, walang saysay ang pagbabantay ng mga tagapagbantay nito. 2 Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog. 3 Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya. 4 Tulad ng mga palaso sa kamay ng isang mandirigma, gayundin ang mga anak ng iyong kabataan. 5 Mapalad ang taong puno ang kaniyang talangga ng palaso. Hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag hinarap niya ang kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.
128:1 Mapalad ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh, siyang lumalakad sa kaniyang kaparaanan. 2 Kung ano ang ibinigay ng iyong mga kamay, ikaw ay masisiyahan; ikaw ay pagpapalain at mananagana. 3 Ang iyong asawang babae ay tulad ng mabungang ubasan sa iyong tahanan; at ang iyong mga anak ay magiging tulad ng tanim ng olibo habang sila ay nakaupo sa palibot sa iyong lamesa. 4 Oo, tunay nga, ang tao ay pagpapalain, siyang nagpaparangal kay Yahweh. 5 Nawa pagpalain ka ni Yahweh mula sa Sion; nawa makita mo ang kasaganahan ng Jerusalem sa lahat ng araw ng iyong buhay. 6 Nawa mabuhay ka para makita ang anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.
1 Halikayo, pagpalain si Yawheh, lahat kayong mga lingkod ni Yahweh, kayong mga naglilingkod sa tahanan ni Yahweh tuwing gabi. 2 Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa banal na lugar at pagpalain si Yahweh. 3 Nawa pagpalain kayo ni Yahweh mula sa Sion, siya na gumawa ng langit at lupa.