Ang Gintong Guya

1491 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Exodo 32:1–6

1 Nang makita ng mga tao na si Moises ay natagalang bumaba sa bundok, nagtipon sila sa paligid ni Aaron at sinabi sa kaniya, “Halika, igawa mo kami ng diyos-diyosan na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala sa amin palabas sa lupain ng Ehipto, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.”

2 Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, “Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.

3 Kinuhang lahat ng mga tao ang mga gintong hikaw na nasa kanilang mga tainga at dinala ang mga ito kay Aaron. 4 Natanggap niya ang ginto mula sa kanila, niyari ito sa isang molde, at ginawa ito sa isang minoldeng guya. Pagkatapos sinabi ng mga tao, “Israel, ito ang inyong diyos na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.”

5 Nang nakita ito ni Aaron, nagtayo siya ng isang altar sa harap ng guya at ginawa sa isang pagpapahayag, sinabi niya, “Bukas magkakaroon ng pagdiriwang sa karangalan ni Yahweh.

6 Kinabukasan gumising ng maaga ang mga tao at nag-alay ng mga sinunog na handog at sama-samang nagdala ng mga alay. Pagkatapos sila ay umupo para kumain at uminom, at pagkatapos tumindig para makipag-inuman sa mahalay na pagdiriwang.

Nabasag ang mga Tapyas ng Bato ng Kautusan

Exodo 32:7–33:23

7 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, “Umalis ka agad, dahil sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto, naging masama ang kanilang mga sarili. 8 Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”

9 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Nakita ko ang bayang ito. Tingnan mo, sila ay mga taong mapagmatigas. 10 Kaya pagkatapos, huwag mong subukang pigilan ko. Ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, kaya wawasakin ko sila. “Pagkatapos gagawa ako ng isang dakilang bansa mula sa iyo.”

11 Pero sinubukang huminahon ni Moises si Yahweh na kaniyang Diyos. Sinabi niya, “Yahweh, bakit ang inyong galit ay sumiklab laban sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto na may dakilang kapangyarihan at may malakas na kamay? 12 Bakit kailangang sabihin ng mga taga-Ehipto, “Pinangunahan niya sila nang may masamang layunin, para patayin sila sa mga bundok at para wasakin sila sa ibabaw ng mundo? Magbalik ka mula sa iyong nagsusumiklab na galit at mahabag ang loob mula sa kaparusahan ng iyong bayan. 13 Alalahanin mo sina Abraham at Isaac at Israel, iyong mga lingkod, na siyang sumumpa sa pamamagitan ng iyong sarili mismo at sinabi sa kanila, “Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na kasing dami ng mga bituin sa kalangitan, at bibigyan ko ang iyong mga kaapu-apuhan lahat ng lupaing aking sinabi. Mamanahin nila ito magpakailanman.”

14 Pagkatapos nahabag si Yahweh mula sa kaparusahan na kaniyang sinabi na dapat pahirapan ang kaniyang bayan.

15 Pagkatapos tumalikod si Moises at bumaba sa bundok, dala-dala ang dalawang tipak ng bato ng tipan ng kautusan sa kaniyang kamay. Ang mga tipak ng bato ay may nakasulat sa magkabilang gilid, sa harap at sa likuran. 16 Ang mga tipak ng bato ay sariling gawa ng Diyos, at ang mga sulat ay sariling sulat ng Diyos, inukit sa mga tipak ng bato.

17 Nang marinig ni Josue ang ingay ng mga tao na humihiyaw, sinabi niya kay Moises, “May ingay ng labanan doon sa kampo.”

18 Pero sinabi ni Moises, “Hindi ito tunog ng isang tagumpay at hindi tunog ng natatalong mga tao, pero ang tunog ng umaawit ang aking naririnig.”

19 Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok. 20 Kinuha niya ang guya na ginawa ng mga tao, sinunog ito, dinurog ito para maging abo at ibinuhos ito sa tubig. Pagkatapos ipinainom niya ito sa bayan ng Israel.

21 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ang ginawa ng mga taong ito sa iyo, na dinala mo ang ganyang dakilang kasalanan sa kanila?”

22 Sinabi ni Aaron, “Huwag mong hayaan ang iyong galit ay sumiklab, aking panginoon. Alam mo ang mga taong ito, kung paano sila gumagawa ng kasamaan. 23 Sinabi nila sa akin, igawa mo kami ng diyos na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala palabas sa amin sa lupain ng Ehipto. hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'

24 Kaya sinabi ko sa kanila, 'Kung sinuman ang mayroong anumang ginto, hayaang tanggalin niya ito. Binigay nila sa akin ang ginto at itinapon ko ito sa apoy, at ito ay naging isang guya.”

25 Nakita ni Moises ang mga tao ay tumatakbo ng marahas, dahil hinayaan ni Aaron sila ay mawalan ng pagpipigil, para tuksuhin ang kanilang mga kaaway. 26 Pagkatapos tumayo si Moises sa pasukan ng kampo at sinabi, “Sinuman ang nasa panig ni Yahweh, pumunta sa akin.” Lahat ng mga Levita ay nagtipon sa paligid niya, 27 Sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israelita, sanasabi ito, 'Hayaang ang bawat lalaki ay ikabit ang kaniyang espada sa kaniyang gilid at magbalik at bumalik mula sa pasukan hanggang pasukan ng buong kampo, at patayin ang kaniyang kapatid na lalaki, kaniyang kasamahan at kaniyang kapitbahay.”

28 Ginawa ng mga Levita ang inutos ni Moises. Sa araw na iyon ay mahigit tatlong libong lalaki mula sa bayan ang namatay, 29 Sinabi ni Moises sa mga Levita, “Itinalaga kayo sa paglilingkod kay Yahweh sa araw na ito, dahil bawat isa sa inyo ay kumilos laban sa kaniyang anak na kaniyang kapatid na lalaki, kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng pagpapala sa araw na ito.”

30 Kinabukasan sinabi ni Moises sa mga tao, “Nakagawa kayo ng isang dakilang kasalanan. Ngayon aakyat ako kay Yahweh. Marahil maari akong gumawa ng pambayad sa inyong pagkakasala.”

31 Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, “Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan. 32 Pero ngayon, pakiusap patawarin mo ang kanilang kasalanan; pero kung hindi ninyo gagawin, pawiin mo ako sa aklat na iyong isinulat.”

33 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung sinuman ang nagkasala laban sa akin, ang taong iyon ay papawiin ko sa aking aklat. 34 Kaya ngayon lumakad ka, pangunahan mo ang bayan papunta sa lugar na sinabi ko sa iyo. Tingnan, ang aking anghel ang mangunguna sa inyo. Pero sa araw na parusahan ko sila, paparusahan ko sila dahil sa kanilang pagkakasala.

35 Pagkatapos nagpadala si Yahweh ng salot sa bayan dahil gumawa sila ng guya, ang isa na ginawa ni Aaron.

33:1 Kinausap ni Yahweh si Moises, “Umalis ka rito, kayo at ang bayan na dinala mo palabas mula sa lupain ng Ehipto. Puntahan mo ang lupain na kung saan ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob, nang aking sinabi, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.' 2 Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo. 3 Puntahan mo ang lupain na iyon, kung saan dumadaloy ang gatas at pulot, pero hindi ako sasama sa inyo, dahil kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Baka lang wasakin kayo sa daan.”

4 Nang marinig ng mga tao ang mga nakakagambalang salitang ito, sila ay nagluksa, at walang ni isa man ang nagsuot ng anumang alahas. 5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.'''

6 Kaya walang suot na alahas ang mga Israelita pasulong mula sa Bundok Horeb.

7 Kinuha ni Moises ang isang tolda at itinayo ito sa labas ng kampo, nang may kalayuan sa kampo. Tinawag niya itong tolda ng pagpupulong. Ang sinumang magtanong kay Yahweh ng anumang bagay ay lalabas ng tolda ng pagpupulong, sa labas ng kampo. 8 Sa tuwing lalabas si Moises sa tolda, lahat ng tao ay tumatayo sa harap ng pasukan ng kanilang tolda at tinitingnan si Moises hanggang siya ay makapasok sa loob. 9 Kapag pumapasok si Moises sa tolda, ang haliging ulap ay bumababa at nananatili sa labas ng tolda, at nagsasalita si Yahweh kay Moises. 10 Kapag nakita ng mga tao ang haliging ulap na nananatili sa pasukan ng tolda, sila ay tumatayo at sumasamba, bawat lalaki sa kanilang sariling pasukan ng tolda.

11 Kinakausap ni Yahweh si Moises ng harap-harapan, tulad ng isang lalaking nakikipag-usap sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos bumabalik si Moises sa kampo, pero ang kaniyang lingkod na si Josue anak ni Nun, isang binata, ay nananatili sa tolda.

12 Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Tingnan mo, sinasabi mo sa akin, 'Dalhin mo ang mga taong ito sa kanilang paglalakbay,' pero hindi mo pinaalam sa akin kung sino ang ipapadala mo na kasama ko. Sinabi mo, 'Nakikilala mo ako sa pangalan, at ikaw din ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin.' 13 Ngayon kung ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ipakita mo sa akin ang iyong mga paraan nang sa ganon ay makilala kita at patuloy na makatagpo ng pabor sa iyong paningin. Tandaan mo ang bayang ito ay iyong bayan.

14 Sumagot si Yahweh, “Ang sarili kong presensiya ay sasama sa iyo, at bibigyan kita ng pahinga.”

15 Sinabi ni Moises sa kaniya, “Kung ang inyong presensiya ay hindi sasama sa amin, huwag mo kaming alisin mula rito. 16 Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo?

17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gagawin ko din ang bagay na ito na iyong hiniling, dahil ikaw ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin, at nakikilalamo ako sa pangalan.”

18 Sinabi ni Moises, “Pakiusap ipakita mo sa akin ang inyong kaluwalhatian.”

19 Sinabi ni Yahweh, “Gagawin ko ang lahat ng aking kabutihan sa inyo, at ipapahayag ko ang aking pangalang 'Yahweh' sa inyo. Magiging maawain ako sa kaninoman na magiging maawain, at magpapakita ako ng habag sa kaninoman na magpapakita ng habag.”

20 Pero sinabi ni Yahweh, “Hindi mo maaring makita ang aking mukha, dahil walang sinuman ang maaaring makakita sa akin at mabuhay.”

21 Sinabi ni Yahweh, “Tingnan mo, dito ang isang lugar sa pamamagitan ko; tatayo ka sa batong ito. 22 Habang dumaraan ang aking kaluwalhatian, ilalagay kita sa siwang ng bato at tatakpan kita gamit ang kamay ko hanggang sa makaraan ako. 23 Pagkatapos aalisin ko ang aking kamay, at makikita mo ang aking likuran, pero hindi mo makikita ang aking mukha.