Ang Kautusang Panseremonya at ang Disenyo ng Tabernakulo (continued)
Ipinahayag ang kautusang panseremonya, at ibinigay ang kayarian ng tabernakulo.
1491 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Dapat gumawa ka ng tabernakulo na may sampung kurtina na yari sa pinong lino na kulay asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Gagawin ito ng mahusay na manggagawang lalaki. 2 Ang haba ay dalawampu't walong kubit, ang lapad ay apat na kubit. Dapat magkaparehong sukat ang lahat ng mga kurtina.
3 Dapat pagdugtungin ang limang kurtina, at ang ibang limang kurtina ay dapat idugtong sa bawat isa. 4 Dapat gumawa ka ng asul na silo sa labas ng gilid ng kurtina sa isang pangkat. Gayundin, dapat kang gumawa ng pareho ng gilid sa dulo ng kurtina sa pangalawang pangkat.
5 Dapat kang gumawa ng limampung silo sa unang kurtina, at dapat kang gumawa ng limampung silo sa dulo ng kurtina sa pangalawang pangkat. Gawin ito para ang mga silo ay maging magkasalungat sa bawat isa. 6 Dapat kang gumawa ng limampung panghawak na ginto at pagdugtungin ang mga kurtina kasama ito kaya ang tabernakulo ay magiging buo.
7 Dapat kang gumawa ng mga kurtinang balahibo ng kambing para sa isang tolda na pantakip sa itaas ng tabernakulo. Dapat kang gumawa ng labing-isa sa mga kurtinang ito. 8 Ang haba ng bawat kurtina ay dapat tatlumpung kubit, at ang lapad ng bawat kurtina ay dapat apat na kubit. Dapat parehong sukat ang bawat isa sa labing-isang kurtina.
9 Dapat pagdugtungin mo ang limang kurtina at ang ibang anim na kurtina sa bawat isa. Dapat doblehin mo ang ikaanim na kurtina sa harap ng tolda.
10 Dapat kang gumawa ng limampung silo sa gilid ng dulo ng kurtina sa unang pangkat at limampung silo sa gilid ng dulo na magdugtong sa pangalawang pangkat. 11 Dapat kang gumawa ng limampung tansong panghawak at ilagay ang mga ito sa mga silo. Pagkatapos dapat mong pagdugtungin ng magkakasama ang mga tolda na pantakip para maging isa.
12 Ang naiwang kalahating kurtina, iyan ay, ang naiwang nakalaylay na bahagi galing sa mga kurtina ng tolda, dapat nakasabit sa likod ng tabernakulo. 13 Dapat magkaroon ng isang kubit sa isang bahagi ng kurtina, at sa isang kubit din sa ibang bahaging kurtina—na ang naiwang haba ng toldang kurtina ay dapat lumaylay sa mga gilid ng tabernakulo sa isang gilid at sa kabilang gilid, para takpan ito.
14 Dapat kang gumawa ng pantakip sa tabernakulo ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at ibang pantakip na yari sa balat para sa itaas nito.
15 Dapat kang gumawa ng mga patayong tabla na yari sa akasyang kahoy para sa tabernakulo. 16 Ang haba ng bawat tabla ay dapat sampung kubit, at ang lapad ay dapat isa at kalahating kubit. 17 Dapat may dalawang nakausli sa bawat tabla para maidugtong ang mga tabla sa bawat isa. Gagawin mo ang lahat ng mga tabla sa tabernakulo sa ganitong pamamaraan.
18 Kapag gagawa ka ng mga tabla para sa tabernakulo, dapat kang gumawa ng dalawampung tabla sa bawat timog na bahagi. 19 Dapat kang gumawa ng apatnapung pilak na mga pundasyon sa dalawampung tabla. Dapat may dalawang pundasyon sa isang tabla na may dalawang patungan, at ganoon din ang dalawang pundasyon sa ilalim ng bawat ibang tabla na may dalawang patungan.
20 Para sa pangalawang gilid ng tabernakulo, sa hilagang bahagi, dapat kang gumawa ng dalawampung tabla 21 at apatnapung pilak na pundasyon. Dapat may dalawang pundasyon sa unang tabla at dalawang pundasyon sa sumunod na tabla at sa susunod pa.
22 Dapat kang gumawa ng anim na tabla, para sa dakong likuran ng kanlurang gilid ng tabernakulo. 23 Dapat kang gumawa ng dalawang tabla sa likuran ng mga sulok ng tabernakulo. 24 Dapat magkahiwalay ang mga tablang ito sa ilalim, pero magkadugtong sa itaas sa parehong bilog na metal. Dapat sa ganitong paraan sa parehong likuran ng mga sulok. 25 Dapat may walong tabla, kasama ng mga pilak na pundasyon. Dapat mayroong labing-anim sa lahat ng pundasyon, dalawang pundasyon sa unang tabla, dalawang pundasyon sa ilalim ng sunod na tabla, at ganoon din sa susunod.
26 Dapat kang gumawa ng mga pahalang na haligi na yari sa akasyang kahoy—lima para sa mga tabla ng isang gilid ng tabernakulo, 27 limang pahalang na haligi sa kabilang gilid ng tabernakulo, at limang pahalang na haligi para sa dakong likuran ng kanluran ng tabernakulo.
28 Ang pahalang na haligi sa gitna ng mga tabla, iyan ay, kalagitnaang pataas, dapat umabot sa magkabilang dulo. 29 Dapat mong balutin ng ginto ang mga tabla. Dapat kang gumawa ng kanilang mga gintong bilog na metal, para ang mga ito ay magsilbing hawakan para sa mga pahalang na haligi, at dapat balutin mo ng ginto ang mga baras.
30 Dapat mong itayo ang tabernakulo sa pamamagitan ng pagsunod sa plano na pinakita sa iyo sa bundok.
31 Dapat kang gumawa ng kurtina na may asul, lila at matingkad na pulang lana, na may disenyong kerubin, gawa ito ng mahusay na manggagawang lalaki. 32 Dapat isabit mo ito sa limang poste ng akasya na kahoy na binalot ng ginto. Dapat ang mga poste ay may mga kawit na gintong pangkat sa apat na pundasyong pilak. 33 Dapat isabit mo ang kurtina sa mga panghawak, at dapat mong dalhin ang kautusang tipan ng kaban. Ihihiwalay ng kurtina ang banal na lugar sa kabanal-banalang lugar.
34 Dapat mong ilagay ang takip ng luklukan ng awa sa kautusang tipan ng kaban, na makikita sa kabanal-banalang lugar. 35 Dapat mong ilagay ang mesa sa labas ng kurtina. Dapat mong ilagay ang ilawan na kasalungat ng mesa sa timog na bahagi ng tabernakulo. Ang mesa ay dapat nasa hilagang bahagi.
36 Dapat kang gumawa ng pabitin sa pasukan ng tabernakulo. Dapat mong gawing asul, lila, matingkad na pulang bagay, at pinong pinulupot ng lino, ang gawa ng taga-burda. 37 Dapat kang gumawa ng mga limang poste ng akasya at balutin ito ng ginto. Ang kanilang mga kawit ay ginto at limang tansong pundasyon para sa mga ito.
27:1 Dapat kang gumawa ng altar mula sa kahoy ng akasya, limang kubit ang haba at limang kubit ang luwag. Dapat ang altar ay parisukat na may tatlong kubit na taas. 2 Dapat kang gumawa ng karugtong na apat na mga sulok ng parisukat na mga anyong sungay. Gagawin ang mga sungay bilang isang bahagi ng altar, at dapat mong balutin ito ng tanso.
3 Dapat kang gumawa ng kasangkapan para sa altar, mga palayok para sa abo at gayundin ang mga pala, mga palanggana, mga tinidor para sa karne at mga lalagyan ng apoy. Dapat mong gawin ang lahat ng mga kagamitan mula sa tanso. 4 Dapat kang gumawa ng rehas na bakal para sa altar, tanso ang sangkap. Gumawa ng tansong argolya sa bawat apat na mga sulok ng rehas na bakal. 5 Dapat kang maglagay ng rehas sa ilalim ng pasamano ng altar, kalahatian pababa hanggang ilalim.
6 Dapat kang gumawa ng mga poste para sa altar, mga poste na kahoy ng akasya, at dapat mong balutin ang mga ito ng tanso. 7 Dapat mailagay ang mga poste sa mga argolya, at ang mga poste ay dapat nasa dalawang tagiliran ng altar, para madala ito.
8 Dapat mong gawin ang altar na may guwang, na yari sa mga makapal na tabla. Dapat mong gawin ito sa paraan na ipinakita sa iyo sa bundok.
9 Dapat kang gumawa ng isang patyo para sa tabernakulo. Dapat may mga nakasabit sa bahaging timog ng patyo, mga nakasabit na pinong pinulupot na lino na isang daang kubit ang haba. 10 Dapat ang mga nakasabit ay may dalawampung mga poste, na may dalawampung tansong mga pundasyon. Dapat mayroon ding mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at gayundin sa pilak na mga baras.
11 Gayundin naman sa tabi ng hilagang bahagi, dapat mayroong mga nakasabit na isang daang kubit ang haba na may dalawampung mga poste, dalawampung tansong mga pundasyon, mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at pilak na mga baras. 12 Sa tabi ng patyo sa kanlurang bahagi dapat mayroong kurtinang limampung kubit ang haba. Dapat mayroong sampung mga poste at sampung mga pundasyon.
13 Ang patyo ay dapat ding limampung kubit ang haba sa silangang bahagi. 14 Ang mga nakasabit para sa isang dako ng pasukan ay dapat labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste na may tatlong mga pundasyon, 15 Ang ibang bahagi rin ay dapat mayroong mga nakasabit na labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste at tatlong mga pundasyon.
16 Ang tarangkahan ng patyo ay dapat mayroong isang kurtina na dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay dapat ginawa sa asul, lila at matingkad na pulang bagay at pinong pinulupot na lino, ang gawa ng isang taga-burda. Dapat mayroong apat na mga poste na may apat na mga pundasyon.
17 Ang lahat ng mga poste ng patyo ay dapat mayroong pilak na mga baras, pilak na mga kalawit at tansong mga pundasyon. 18 Ang haba ng patyo ay dapat isang daang kubit, ang lapad ay limampung kubit at ang taas ay limang kubit na may pinong pinulupot na lino ang lahat ng mga nakasabit sa tabi at ang mga pundasyon ay tanso. 19 Lahat ng kasangkapan na gagamitin sa tabernakulo at ang lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo at patyo ay dapat gawa sa tanso.
20 Dapat mong utusan ang mga Israelita na magdala ng purong langis ng pinisang olibo para sa ilawan para magpapatuloy itong masunog.
21 Sa tolda ng pagpupulong, sa labas ng kurtina na nasa harapan ng tipan ng kautusan, si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat panatilihin ang mga ilawan mula sa gabi hanggang sa umaga sa harapan ni Yahweh. Ang utos na ito ay magiging isang walang hanggang kautusan magpakailanman sa buong mga salinlahi sa bansa ng Israel.