Ang mga Bahaging Itinalaga sa Benjamin at sa Iba pang mga Lipi
1444 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
11 Ang pagtatalaga ng lupa para sa lipi ni Benjamin ay ibinigay sa bawat mga angkan nila. Matatagpuan sa pagitan ng mga kaapu-apuhan ni Juda at sa mga kaapu-apuhan ni Jose ang nasasakupan ng kanilang nakatalagang lupa. 12 Sa dakong hilaga, nagsimula ang kanilang hangganan sa Jordan. Umabot ang hangganan sa hilagang gulod ng Jerico, at pagkatapos hanggang sa pakanlurang maburol na lupain. Umabot ito doon sa ilang ng Beth Aven. 13 Mula roon dumaan ang hangganan sa timog sa dako ng Luz (parehong lugar tulad ng Betel). Pagkatapos bumaba ang hangganan sa Atarot Adar, sa tabi ng bundok na naroon sa timog ng Bet Horon. 14 Pagkatapos nagpatuloy ang hangganan sa ibang direksyon: sa dakong kanluran, lumiko ito patungong timog, patungo sa bundok sa ibayo mula sa Bet Horon. Nagtapos ang hangganang ito sa Kiriat Baal (iyon ay, Kiriat Jearim), isang lungsod na pag-aari sa lipi ni Juda. Bumuo ito ng hangganan sa dakong kanluran. 15 Nagsimula sa labas ng Kiriat Jearim ang timog na dako. Nagmula roon ang hangganan patungong Epron, hanggang sa bukal na mga tubig ng Neptoa. 16 Pagkatapos bumaba ang hangganan sa bundok na kasalungat ng lambak ng Ben Hinnom, na nasa hilagang dulo ng lambak ng Rephaim. Bumaba ito sa lambak ng Hinnom, timog ng libis ng mga Jebuseo, at nagpatuloy pababa sa En Rogel. 17 Lumiko ito pahilaga, papunta sa direksyon ng En Semes, at mula roon lumabas ito sa Gelilot, na kasalungat sa paakyat ng Adummim. Pagkatapos bumaba ito sa Bato ni Bohan (anak na lalaki ni Ruben si Bohan). 18 Dumaan ito sa hilaga sa gilid ng daan ng Bet Araba at pababa sa Araba. 19 Dumaan ang hangganan sa hilaga sa gilid ng daan ng Bet Hogla. Nagtapos ang hangganan sa hilagang look ng Dagat ng Asin, sa timugang dulo ng Jordan. Ito ang hangganan sa timog. 20 Nabuo nito ang hangganan ng Jordan sa silangang bahagi. Ito ang pamana sa lipi ni Benjamin, at ibinigay ito sa bawa't isa sa kanilang mga angkan, hangganan pagkatapos ng hangganan, sa buong palibot.
21 Ngayon ang mga lungsod ng lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, Bet Hogla, Emek Keziz, 22 Bet Araba, Zemaraim, Betel, 23 Avvim, Para, Opra, 24 Kepar Ammoni, Opni, at Geba. May labindalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. 25 Naroon din ang mga lungsod ng Gibeon, Rama, Beerot, 26 Mizpe, Kepira, Moza, 27 Rekem, Irpeel, Tarala, 28 Zela, Haelep, Jebus (pareho sa Jerusalem), Gibea, at Kiriat. Mayroong labing-apat na mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. Ito ang pamana ni Benjamin para sa kanilang mga angkan.
19:1 Tumapat ang ikalawang palabunutan kay Simeon at itinalaga ito sa bawat mga angkan nila. Ang minana nila ay nasa gitna ng pamana na pag-aari ng lipi ni Juda. 2 Napunta sa kanila bilang pamana ang Beer-seba, Seba, Molada, 3 Hazar, Sual, Bala, Ezem, 4 Eltolad, Betul, at Horma. 5 May Ziklag din si Simeon, Bet Marcabot, Hazar Susa, 6 Bet Labaot, at Saruhen. Labing tatlong lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. 7 Si Simeon ay mayroon ding Ain, Rimmon, Eter, at Asan. Apat na lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. 8 Kasama ang mga ito sa mga nayong nakapalibot sa mga lungsod na ito hanggang sa Baalat Beer (pareho gaya ng Rama sa Negev). Ito ang pamana ng lipi ni Simeon, na ibinigay sa kanilang mga angkan. 9 Ang pamana ng lipi ni Simeon ay bumuo ng bahagi sa lupain ng lipi ni Juda. Dahil napakalawak para sa kanila ang bahagi ng lupaing itinalaga sa lipi ni Juda, tinanggap ng lipi ni Simeon ang kanilang pamana mula sa gitna ng kanilang bahagi.
10 Tumapat ang ikatlong palabunutan sa lipi ni Zebulon, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. Nagsimula ang hangganan ng kanilang minana sa Sarid. 11 Umakyat pakanluran ang kanilang hangganan patungong Marala at dumikit sa Dabbeset; pagkatapos umabot ito sa batis na katapat ng Jokneam. 12 Mula sa Sarid lumiko ang hangganan pasilangan patungo sa silangan at tumungo sa hangganan ng Kislot Tabor. Mula roon tumungo ito sa Daberat at pagkatapos pataas hanggang sa Japia. 13 Mula roon dumaan pasilangan sa Gat Heper, at pagkatapos sa Etkazin; sunod nagpunta ito sa Rimmon at lumiko patungo sa Nea. 14 Lumiko ang hangganan sa hilaga patungong Hannathn at nagtapos sa lambak ng Ipta El. 15 Kasama sa rehiyong ito ang mga lungsod ng Kattat, Naalal, Simron, Idala, at Betlehem. Mayroong labindalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
16 Ito ang minana ng lipi ni Zebulon, na ibinigay sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
17 Tumapat ang ikaapat na palabunutan kay Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. 18 Kasama sa kanilang lupain ang Jezreel, Kesulot, Sunem, 19 Hafaraim, Sion, at Anaharat. 20 Kasama rin dito ang Rabbit, Kision, Ebez, 21 Remet, En-gannim, En-hadda, at Beth-passes. 22 Dumikit din ang kanilang hangganan sa Tabor, Sahasim, at Beth-semes, at nagtapos sa Jordan. Mayroong labing-anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
23 Ito ang minana ng lipi ni Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
24 Tumapat ang ikalimang palabunutan sa lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. 25 Kasama sa kanilang lupain ang Helka, Hali, Beten, Acsap, 26 Alamelek, Amad, at Misal. Sa kanluran umabot ang hangganan sa Carmel at Sihor Libnat. 27 Pagkatapos lumiko ito pasilangan sa Bet Dagon at umabot hanggang kasing layo ng Zebulon, at pagkatapos sa lambak ng Iphta-el, pahilaga sa Beth-emec at Nehiel. Pagkatapos nagpatuloy ito sa Kabul patungong hilaga. 28 Pagkatapos nagpatuloy ito sa Ebron, Rehob, Hammon, at Kana, hanggang kasing layo ng Pinakamalaking Sidon. 29 Bumalik ang hangganan sa Rama, at pagkatapos sa pinatibay na lungsod ng Tiro. Pagkatapos lumiko ang hangganan sa Hosa at nagtapos sa dagat, sa rehiyon ng Aczib, 30 Umma, Apek, at Rehob. Mayroong dalawampu't dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
31 Ito ang minana ng lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
32 Tumapat ang ikaanim na palabunutan sa lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. 33 Ang kanilang hangganan ay matatagpuan mula sa Helep, mula sa ensena sa Saananim, hanggang patungo sa Adamineceb at Jabneel, hanggang kasing layo ng Lakkum; nagtapos ito sa Jordan. 34 Lumiko ang hangganan pakanluran sa Aznot-tabor at hanggang patungo sa Hukkok; at dumikit ito sa Zebulon sa timog, at nakarating sa Aser sa kanluran at Juda sa silangan sa Ilog Jordan. 35 Ang mga pinatibay na lungsod ay Zidim, Zer, Hammat, Rakkat, Cinneret, 36 Adama, Rama, Hazor, 37 Kedes, Edrei, at En Hazor. 38 Naroon din ang Yiron, Migdalel, Horem, Beth-anat, at Beth-semes. Mayroong labinsiyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
39 Ito ang minana ng lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kabilang ang kanilang mga nayon.
40 Tumapat ang ikapitong palabunutan sa lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. 41 Kabilang sa minana nito ang Zora, Estaol, Ir Semes, 42 Saalabin, Ajalon, at Itla. 43 Kabilang rin dito ang Elon, Timna, Ekron, 44 Elteke, Gibbethon, Baalat, 45 Jehud, Bene Berak, Gat Rimmon, 46 Me-Jarkon, at Rakkon kasama ang lupain sa ibayo mula sa Joppa.
47 Nang mawala sa kanila ang lupain ng lipi ni Dan, nilusob ng Dan ang Lesem, nilabanan ito, at binihag ito. Pinatay nila ang bawat isa gamit ang espada, inangkin ito, at nanirahan dito. Muli nilang pinangalanan ang Lesem, tinawag itong Dan kasunod sa kanilang ninuno.
48 Ito ang minana ng lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.