Ang Paghihimagsik ni Seba, at ang Taggutom
1022 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, “Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel.”
2 Kaya iniwan si David ng lahat ng kalalakihan ng Israel at sumunod kay Seba na anak na lalaki ni Bicri. Pero sumunod ng mas malapit ang kalalakihan ng Juda sa kanilang hari, mula Jordan hanggang Jerusalem.
4 Pagkatapos sinabi ng hari kay Amasa, “Tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama sa loob ng tatlong araw; dapat narito karin.”
5 Kaya pumunta si Amasa para tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama, pero nanatili siya ng higit pa sa itinakdang oras na inutos sa kaniya ng hari.
6 Kaya sinabi ni David kay Abisai, “Ngayon si Seba anak na lalaki ni Bicri ay gagawan tayo ng mas maraming pinsala kaysa sa ginawa ni Absalom. Kunin ang mga lingkod ng iyong panginoon, aking mga sundalo, at tugisin siya o baka makahanap siya ng pinatibay na mga lungsod at makawala sa ating paningin.”
7 Pagkatapos lumabas ang kalalakihan ni Joab at hinabol siya, kasama ng mga lahi ni Kereteo at ang mga lahi ni Pelet at lahat ng malalakas na mandirigma. Umalis sila sa Jerusalem para habulin si Seba anak na lalaki ni Bicri. 8 Nang nasa dakilang bato na sila na nasa Gibeon, Dumating si Amasa para salubungin sila. Nakasuot si Joab ng baluting pandigma na kaniyang isinuot, na kalakip ang isang sinturon palibot sa kaniyang baywang na mayroong nakalagay na isang espadang may lalagyan nito. Sa kaniyang paglalakad, nahulog ang espada. 9 Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, “Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?” Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya.
10 Hindi napansin ni Amasa ang punyal na nasa kaliwang kamay ni Joab. Sinaksak ni Joab si Amasa sa tiyan at nahulog sa lupa ang kaniyang mga bituka. Hindi na siya hinampas muli ni Joab, at namatay si Amasa. Kaya si Joab at Abisai kaniyang kapatid na lalaki ay hinabol si Seba anak na lalaki ni Bicri.
11 Pagkatapos isa sa kalalakihan ni Joab ay tumayo sa gilid ni Amasa, at sinabi ng lalaki, “Siya na pumapanig kay Joab, at siya na kay David, hayaan silang sumunod kay Joab.” 12 Nakahiga si Amasa na naliligo sa kaniyang dugo sa gitna ng daan. Nang nakita ng lalaki na lahat ng tao'y nanatiling nakatayo, kinuha niya si Amasa paalis sa daan at inilagay sa isang bukirin. Tinapon niya ang isang tela kay Amasa dahil nakita niya na ang bawat isa na dumating kasama niya ay nanatiling nakatayo. 13 Pagkatapos nang inalis si Amasa sa daan, sumunod ang lahat ng kalalakihan kay Joab sa paghabol kay Seba na anak na lalaki ni Bicri.
14 Nakalagpas si Seba sa lahat ng lipi ng Israel sa Abel, sa Bet Maaca, at sa lahat ng lupain ng mga lahi ni Beri, na nagtipong magkakasama at tinugis rin si Seba.
15 Nahuli nila siya at nakulong siya sa Abel ng Bet Maaca. Gumawa sila ng isang panlusob na dahilig laban sa lungsod laban sa pader. Lahat ng hukbo na kasama ni Joab ay hinampas ang pader para patumbahin ito. 16 Pagkatapos isang matalinong babae ang sumigaw sa labas ng lungsod, “Makinig kayo, pakiusap makinig ka, Joab! Lumapit ka sa akin para maaari akong makipag-usap sa iyo.”
17 Kaya lumapit si Joab sa kaniya, at sinabi ng babae, “Ikaw ba si Joab?” Sumagot siya, “Ako nga.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, “Makinig sa mga salita ng iyong lingkod.” Sumagot siya, “Nakikinig ako.”
18 Pagkatapos sinabi niya, “Sinasabi nila sa sinaunang panahon, 'Siguraduhing humingi ng payo sa Abel,' at ang payong iyon ang tatapos sa bagay. 19 Kami ang lungsod na isa sa mga pinaka-mapayapa at tapat sa Israel. Sinusubukan ninyong sirain ang isang lungsod na ina sa Israel. Bakit ninyo gustong lunukin ang mana ni Yahweh?”
20 Kaya sumagot si Joab at sinabing, “Huwag sanang pahintulatan, huwag sanang pahintulatan mula sa akin, na lunukin ko o sirain. 21 Hindi iyan totoo. Pero isang lalaki mula sa burulang bansa ng Efraim, na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, itinaas niya ang kaniyang kamay laban sa hari, laban kay David. Ibigay ninyo siyang mag-isa, at aalis ako mula sa lungsod.” Sinabi ng babae kay Joab, “Itatapon ang kaniyang ulo sa iyo sa ibabaw ng pader.”
22 Pagkatapos pumunta ang babae sa lahat ng tao sa kaniyang karunungan. Pinutol nila ang ulo ni Seba anak na lalaki ni Bicri, at itinapon ito palabas kay Joab. Pagkatapos hinipan niya ang trumpeta at nilisan ng mga tauhan ni Joab ang lungsod, bawat lalaki sa kaniyang tahanan. At bumalik si Joab sa Jerusalem sa hari.
23 Ngayon si Joab ay nasa lahat ng hukbo ng Israel, at si Benaias anak na lalaki ni Joaida ay nasa mga lahi ni Ceret at sa mga lahi ni Pelet. 24 Si Adoram ay nasa kalalakihan na gumagawa ng sapilitang trabaho, at si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud ay ang tagatala. 25 Si Seva ay tagasulat at si Zadok at Abiatar ang mga pari. 26 Si Ira ang lahi ni Jair ang pangulong ministro ni David.
21:1 May taggutom ng panahon ni David ng tatlong taon na magkakasunod, at hinanap ni David ang mukha ni Yahweh. Kaya sinabi ni Yahweh, “Kaya may taggutom sa iyo dahil kay saul at sa mapanganib niyang pamiya, dahil inilagay niya ang mga lahi ni Gibeon sa kamatayan.”
2 Ngayon hindi nagmula ang mga lahi ni Gibeon sa Israel; nagmula sila sa anumang natira ng mga Amoreo. Sumumpa ang mga tao ng Israel na hindi sila papatayin, subalit gayunpaman sinubukan silang lahat na patayin ni Saul sa kanyang kasigasig sa mga tao ng Israel at sa Judah.
3 Kaya tinawag ni Haring David ang mga lahi ni Gibeon at sinabi sa kanila, “Ano ang kailangan kong gawin para sa inyo? Paano ako makagagawa ng pambayad sa kasalanan, nang sa gayun maaari ninyong pagpalain ang mga tao ni Yahweh, na nagmana ng kanyang kabutihan at mga pangako?”
4 Sumagot ang mga lahi ni Gibeon sa kaniya, “Hindi ito tungkol sa pilak o ginto sa pagitan namin at kay Saul o sa kaniyang pamilya. At hindi para ilagay namin ang sinumang tao sa kamatayan sa Israel.” Sumagot si David, “Anuman ang hilingin ninyo, iyon ang gagawin ko para sa inyo.”
5 Sumagot sila sa hari, “Ang taong sumubok na patayin kaming lahat, na nagbalak ng masama laban sa amin, para mawasak kami ngayon at mawalan lugar sa loob ng mga hangganan ng Israel— 6 hayaang ibigay sa amin ang pitong kalalakihan mula sa kaniyang kaapu-apuhan, at bibitayin namin sila sa harapan ni Yahweh sa Gibea ni Saul, ang isang pinili ni Yahweh.” Kaya sumagot ang hari, “Ibibigay ko sila sa inyo.”
7 Pero iniligtas ng hari si Mefiboset anak na lalaki ni Jonatan anak na lalaki ni Saul, dahil sa sinumpaan ni Yahweh sa pagitan nila, sa pagitan ni David at Jonatan anak na lalaki ni Saul. 8 Pero kinuha ng hari ang dalawang anak na lalaki ni Rizpa anak na babae ni Aya, mga anak na lalaki na kaniyang ipinanganak kay Saul—pinangalanan ang dalawang anak na lalaking Armoni at Mefiboset; at kinuha rin ni David ang limang anak na lalaki ni Mical na anak na babae ni Saul, na kaniyang iniluwal kay Adriel anak na lalaki ni Barzilai ang taga-Mehola. 9 Ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga lahi ni Gibeon. Binitay nila sila sa bundok sa harapan ni Yahweh, at silang pito ay namatay lahat ng magkakasama. Nilagay sila sa kamatayan sa panahon ng ani, sa panahon ng mga unang araw sa umpisa ng ani ng sebada.
10 Pagkatapos si Rizpa, ang anak na babae ni Aya, kumuha ng telang magaspang at nilatag sa kaniyang sarili sa bundok sa tabi ng patay na mga katawan, mula sa simula ng ani hanggang bumuhos ang ulan sa kanila galing sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa langit na galawin ang mga katawan sa araw o mga mababangis na hayop sa gabi.
11 Sinabi kay David ang anumang ginawa ni Rizpa, anak na babae ni Aya, ang asawang alipin ni Saul. 12 Kaya pumunta si David at kinuha ang mga buto ni Saul at mga buto ni Jonatan kaniyang anak na lalaki mula sa kalalakihan ng Jabes Galaad, na nagnakaw sa kanila mula sa plasa ng Beth San, kung saan sila binitay ng mga Palestina, pagkatapos mapatay ng mga Palestina si Saul sa Gilboa.
13 Kinuha ni David mula doon ang mga buto ni Saul at Jonatan na kaniyang anak, at tinipon rin niya ang mga buto ng pitong kalalakihan na binitay. 14 Inilibing nila ang mga buto ni Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki sa bansa ni Benjamin sa Zela, sa libingan ni Kish na kaniyang ama. Isinagawa nila ang lahat ng inutos ng hari. Pagkatapos sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin sa lupain.