Mga Digmaan ni Saul
1095 B.C.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)
1 Pagkatapos nilusob ni Nahas na Ammonita ang Jabes Gilead. Sinabi ng lahat ng kalalakihan ng Jabes kay Nahas, “Gumawa ng isang kasunduan sa amin at maglilingkod kami sa iyo.”
2 Sumagot si Nahas na taga-Ammon, “Sa kondisyong ito gagawa ako ng kasunduan sa inyo, na dudukutin ko ang lahat ng kanang mata ninyo, at sa paraang ito, magdadala ng kahihiyan sa buong Israel.”
3 Sumagot ang mga nakatatanda ng Jabes, “Iwan muna kami sa loob ng pitong araw para makapagpadala kami ng mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Pagkatapos, kung walang magliligtas sa amin, susuko kami sa iyo.”
4 Dumating ang mga sugo sa Gibea, kung saan nakatira si Saul, at sinabi nila sa mga tao kung ano ang nangyari. Umiyak nang malakas ang lahat ng tao.
5 Ngayon sinusundan ni Saul ang mga lalaking baka sa bukid. Sinabi ni Saul, “Anong problema ng mga tao na umiiyak sila?” Sinabi nila kay Saul kung ano ang sinabi ng mga kalalakihan ng Jabes.
6 Nang marinig ni Saul ang sinabi nila, agad na dumating ang Espiritu ng Diyos sa kanya, at galit na galit siya. 7 Kumuha siya ng magkasingkaw na lalaking baka at pinagpira-piraso ang mga iyon. Pinadala niya ang mga iyon sa mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Sinabi niya, “Sinuman ang hindi lumabas kasunod ni Saul at kasunod ni Samuel, ito ang gagawin sa kanyang lalaking baka. Dumating sa mga tao ang takot kay Yahweh at lumabas silang magkakasama bilang isang lalaki. 8 Nang tinipon niya sila sa Bezek, ang mga tao ng Israel ay tatlondaang libo, at tatlumpung libo ang kalalakihan ng Juda. 9 Sinabi nila sa mga dumating na mga mensahero, “Sabihin sa mga kalalakihan ng Jabes Gilead, 'Bukas, sa oras na mainit ang araw, ililigtas ko kayo.'” Kaya umalis ang mga mesahero at sinabihan ang mga kalalakihan ng Jabes at natuwa sila.
10 Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng Jabes kay Nahas, “Bukas susuko kami sa iyo, at magagawa mo sa amin anuman ang mukhang mabuti sa iyo.”
11 Sumunod na araw, hinati ni Saul ang mga tao sa tatlong pangkat. Dumating sila sa gitna ng kampo sa oras ng pang-umagang tanod at sinalakay at tinalo nila ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw. Kumalat ang mga nakaligtas, at walang dalawa sa kanila ang naiwang magkasama.
12 Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Samuel, “Sino iyong nagsabing, 'Maghahari ba sa atin si Saul?' Dalhin ang mga lalaki upang mapatay namin sila.”
13 Subalit sinabi ni Saul, “Walang dapat patayin sa araw na ito dahil ngayon, iniligtas ni Yahweh ang Israel.”
14 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, “Halikayo, pumunta tayo sa Gilgal at baguhin ang kaharian doon.”
15 Kaya pumunta sa Gilgal ang lahat ng tao at ginawang hari si Saul sa harapan ni Yahweh sa Gilgal. Nag-alay sila roon ng mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh at lubos na nagalak si Saul at lahat ng mga kalalakihan ng Israel.
12:1 Sinabi ni Samuel sa buong Israel, “Nakinig ako sa lahat ng bagay na sinabi ninyo sa akin, at nagtalaga ako ng isang hari sa inyo. 2 Ngayon, narito ang hari lumakakad sa harapan ninyo; at ako ay matanda na at puti na ang buhok; at ang aking mga anak na lalaki ay kasama ninyo. Lumakad ako sa harapan ninyo mula sa aking kabataan hanggang ngayon.
3 Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo.”
4 Sinabi nila, “Hindi mo kami dinaya, inapi, o ninakawan ng anumang bagay mula sa kamay ng sinuman.”
5 Sinabi niya sa kanila, “Saksi si Yahweh laban sa inyo, at ang kanyang hinirang ay saksi ngayon, na wala kayong nakita sa aking kamay.” At sumagot sila, “Saksi si Yahweh.”
6 Sinabi ni Samuel sa mga tao, “Si Yahweh ang siyang humirang kina Moises at Aaron, at ang siyang nagdala palabas sa inyong mga ama mula sa lupain ng Ehipto. 7 Kaya ngayon, ihandog ang inyong mga sarili, upang maaari akong makiusap kasama ninyo sa harapan ni Yahweh tungkol sa lahat ng mga makatarungang gawain ni Yahweh, na ginawa niya sa inyo at sa inyong mga ama.
8 Nang dumating si Jacob sa Ehipto, at umiyak ang inyong mga ninuno kay Yahweh. Ipinadala ni Yahweh sina Moises at Aaron, siyang nanguna sa inyong mga ninuno palabas ng Ehipto at nanirahan sila sa lugar na ito. 9 Subalit kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos; ipinagbili niya sila sa kamay ni Sisera, kapitan ng mga hukbo ni Hazor, sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari ng Moab; nakigpaglaban silang lahat sa inyong mga ninuno.
10 Umiyak sila kay Yahweh at sinabi, “Nagkasala kami, dahil tinalikuran namin si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at sa mga Astoret. Subalit iligtas kami ngayon mula sa kamay ng aming mga kaaway, at paglilingkuran ka namin.'
11 Kaya ipinadala ni Yahweh sina Jerub Baal, Bedan, Jepta, at Samuel, at binigyan kayo ng tagumpay sa inyong mga kaaway sa buong palibot ninyo, upang ligtas kayong manirahan. 12 Nang nakita ninyo na dumating si Nahas ang hari ng bayan ng Ammon laban sa inyo, sinabi ninyo sa akin. 'Hindi! Sa halip, isang hari dapat ang mamuno sa amin'—kahit na si Yahweh, ang inyong Diyos, ang hari ninyo.
13 Ngayon narito ang hari na inyong pinili, na inyong hiningi at siyang hinirang ngayon ni Yahweh bilang hari ninyo.
14 Kung takot kayo kay Yahweh, paglingkuran siya, sundin ang kanyang boses, at huwag maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, pagkatapos kapwa kayo at ang haring namamahala sa inyo ay magiging tagasunod ni Yahweh na inyong Diyos. 15 Kapag hindi ninyo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, kung gayon ang kamay ni Yahweh ay magiging laban sa inyo, tulad ng ito ay laban sa inyong mga ninuno.
16 Kahit na ngayon idulog ang inyong sarili at masdan ang dakilang bagay na ito na gagawin ni Yahweh sa harapan ng inyong mga mata. 17 Hindi ba ngayon ang pag-aani ng trigo? Tatawag ako kay Yahweh, upang magpapadala siya ng kulog at ulan. Pagkatapos malalaman ninyo at makikita na matindi ang inyong kasamaan, na inyong ginawa sa paningin ni Yahweh, sa paghingi ng isang hari para sa inyong mga sarili.”
18 Kaya tumawag si Samuel kay Yahweh; at sa parehong araw na iyon nagpadala si Yahweh ng kulog at ulan. Pagkatapos labis na natakot ang lahat ng mga tao kina Yahweh at Samuel. 19 Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga tao kay Samuel, “Manalangin para sa iyong mga lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, upang hindi kami mamatay. Sapagkat idinagdag namin sa lahat ng aming mga kasalanan itong kasamaan sa paghingi ng isang hari para sa aming mga sarili.”
20 Sumagot si Samuel, “Huwag kayong matakot. Nagawa ninyo ang lahat ng kasamaang ito, subalit huwag tumalikod mula kay Yahweh, sa halip paglingkuran si Yahweh ng inyong buong puso. 21 Huwag kayong tumalikod pagkatapos ng mga walang kabuluhang bagay na hindi mapapakinabangan o makakapagligtas sa inyo, dahil ang mga ito ay walang silbi. 22 Para sa kapakanan ng kanyang dakilang pangalan, hindi tatanggihan ni Yahweh ang kanyang mga tao, dahil nasiyahan si Yahweh na gawin kayong isang mga tao para sa kanyang sarili.
23 Para sa akin, huwag nawang ipahintulot na magkasala ako laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtigil sa pananalangin para sa inyo. Sa halip, ituturo ko sa inyo ang daang mabuti at tama.
24 Katakutan lamang si Yahweh at paglingkuran siya sa katotohanan ng inyong buong puso. Isaalang-alang ang mga dakilang bagay na nagawa niya para sa inyo. 25 Subalit kung magpumilit kayo sa paggawa ng masama, kapwa kayo at inyong hari ay mamamatay.”
13:1 Tatlumpong taong gulang si Saul nang nagsimula siyang mamuno; nang namuno siya sa loob ng apatnapung taon sa Israel, 2 pumili siya ng tatlong libong kalalakihan ng Israel. Dalawang libo ang kasama niya sa Micmas at sa maburol na lugar ng Bethel, habang isang libo ang kasama ni Jonatan sa Gibea ng Benjamin. Pinauwi niya ang mga natitirang sundalo, bawat lalaki sa kanyang tolda.
3 Tinalo ni Jonatan ang kuta ng mga Filisteo na nasa Geba at narinig ito ng mga Filisteo. Pagkatapos hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, nagsasabing, “Hayaang marinig ng mga Hebreo.”
4 Narinig ng buong Israel na tinalo ni Saul ang kuta ng mga Filisteo, at naging isang bulok na amoy din ang Israel sa mga Filisteo. Pagkatapos sama-samang pinatawag ang mga sundalo upang sumama kay Saul sa Gilgal.
5 Nagtipon ng magkakasama ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel: tatlong libong karo, anim na libong kalalakihan upang patakbuhin ang mga karo, at mga hukbo na kasindami ng buhangin sa baybayin. Dumating sila at nagkampo sa Micmas, silangan ng Beth-aven.
6 Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila ay nasa panganib—sapagkat ang mga tao ay namimighati, nagtago ang mga tao sa mga kuweba, sa damuhan, sa mga bato, sa mga balon, at sa mga hukay. 7 Ang ilan sa mga Hebreo ay pumunta sa ibayo ng Jordan sa lupain ni Gad at Galaad. Subalit naroon pa rin si Saul sa Gilgal, at nanginginig ang lahat ng mga tao na sumusunod sa kanya.
8 Naghintay siya ng pitong araw, ang itinakdang panahon ni Samuel. Subalit hindi pumunta si Samuel sa Gilgal, at naghiwa-hiwalay ang mga tao mula kay Saul. 9 Sinabi ni Saul, “Dalhin ninyo sa akin ang handog na susunugin at ang mga handog pangkapayapaan” Pagkatapos inihandog niya ang handog na susunugin.
10 Nang matapos siyang maghandog ng handog na susunugin dumating si Samuel. Lumabas si Saul upang salubungin siya at upang batiin siya.
11 Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Ano itong nagawa mo?” Sumagot si Saul, “Nang nakita ko na iniwanan na ako ng mga tao, at hindi ka dumating sa loob ng itinakdang panahon, at nagtipon ang mga Filisteo sa Micmas, 12 sinabi ko, 'Bababa ngayon ang mga Filisteo laban sa akin sa Gilgal, at hindi ko hinanap ang pabor ni Yahweh.' Kaya pinilit ko ang aking sarili na ihandog ang handog na susunugin.”
13 Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, “Kumilos ka ng may kahangalan. Hindi mo sinunod ang utos ni Yahweh na iyong Diyos na ibinigay niya sa iyo. Sa gayon itinatag sana ni Yahweh ang iyong pamumuno sa Israel magpakailanman. 14 Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo.”
15 Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Gilgal patungong Gibea ng Benjamin. Pagkatapos binilang ni Saul ang mga tao na naroon kasama niya, halos anim na raang kalalakihan.
16 Si Saul, kanyang anak na lalaking si Jonatan, at ang mga tao na naroon kasama nila, ay nanatili sa Geba ng Benjamin. Subalit nagkampo ang mga Filisteo sa Micmas. 17 Dumating ang mga mananalakay mula sa kampo ng mga Filisteo sa tatlong pangkat. Isang pangkat ay patungong Ofra, sa lupain ng Sual. 18 Ang ibang pangkat ay patungong Beth-horon, at ang ibang pangkat ay patungo sa hangganan na nakatanaw sa lambak ng Zeboim patungo sa ilang.
19 Walang mahanap na panday sa buong Israel, dahil sinabi ng mga Filisteo, “Kung hindi gagawa ang mga Hebreo ng mga espada o mga sibat para sa kanilang mga sarili.” 20 Subalit ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay sanay na bumaba sa mga Filisteo, bawat isa upang hasain ang tulis ng kanyang arado, kanyang asarol, kanyang palakol, at kanyang karit. 21 Ang bayad ay ikadalawang bahagi ng isang sekel para sa tulis ng arado, at sa mga asarol, at isangkatlo ng isang sekel para sa paghahasa ng mga palakol at para sa pagpapatuwid ng mga pantaboy.
22 Kaya sa araw ng labanan, walang mga espada o mga sibat na makikita sa mga kamay ng alinmang sundalo na kasama nina Saul at Jonatan; sina Saul at kanyang anak na lalaki na si Jonatan lamang ang mayroon nito.
23 Ang kuta ng mga Filisteo ay pumunta sa lagusan ng Micmas.