Nag-asawa si Samson at Nakipaglaban sa mga Filisteo (continued)

Ang pag-aasawa ni Samson, at ang kaniyang mga kabayanihan laban sa mga Filisteo.

1136 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Mga Hukom 15:1–19

1 Pagkatapos ng ilang mga araw, sa panahon ng pag-aani ng trigo, kumuha si Samson ng isang batang kambing at umalis para bisitahin ang kaniyang asawa. Sinabi niya sa kaniyang sarili, “Pupunta ako sa kuwarto ng aking asawa.” Pero hindi siya pinayagang pumasok ng ama ng kaniyang asawa.

2 Sinabi ng ama ng kaniyang asawa, “Akala ko galit ka sa kaniya, kaya ibinigay ko siya sa kaibigan mo. Ang kaniyang nakababatang kapatid na babae ay mas maganda kaysa sa kaniya, hindi ba? Siya nalang ang kunin mo.”

3 Sinabi ni Samson sa kanila, sa oras na ito hindi ako magkakasala patungkol sa mga Palestina kapag sinaktan ko sila.

4 Kaya umalis si Samson at humuli ng tatlong daang soro at kaniyang itinali ng sama-sama ang bawat pares, buntot sa buntot. Pagkatapos kumuha siya ng mga sulo at itinali niya ang mga ito sa gitna ng bawat pares ng mga buntot. 5 Nang inihanda niyang sunugin ang mga sulo, hinayaan niyang ang mga sorong magpuntahan sa mga nakatayong butil ng mga Palestina, at sinimulan nilang sunugin ang bawat nakasalansan na butil at ang mga butil na nakatayo sa bukid, kasama ng mga ubasan at ang mga halamanan ng olibo.

6 Tinanong ng mga Palestina, “Sino ang gumawa nito?” Sinabi nila, “Si Samson, ang manugang ng taga-Timna, ginawa niya ito dahil kinuha ng taga-Timna ang asawa ni Samson at ibinigay siya sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos nagpunta ang mga Palestina at sinunog siya at ang kaniyang ama.

7 Sinabi ni Samson sa kanila, “Kung ito ang ginawa ninyo, maghihiganti ako laban sa inyo, at pag nangyari na ito, hihinto na ako. 8 Pagkatapos hiniwa niya sila ng pira-piraso, balakang at hita sa pamamagitan ng isang matinding pagpatay. Pagkatapos bumaba siya at nanirahan sa isang kuweba sa talampas ng Etam.

9 Pagkatapos umakyat ang mga Palestina at naghanda sila para sa pakikipaglaban sa Juda at nagtalaga ng kanilang mga hukbo sa Lehi.

10 Sinabi ng mga kalalakihan ng Juda, “Bakit kayo umakyat para salakayin kami?” Sinabi nila, “Sasalakay kami para mabihag si Samson, at gawin sa kaniya ang ginawa niya sa amin.”

11 Pagkatapos tatlong libong kalalakihan ng Juda ang bumaba sa kuweba sa talampas ng Etam, at sinabi nila kay Samson, “Hindi mo ba alam na ang mga Palestina ay naghahari sa amin?” Ano itong ginawa mo sa amin?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ginawa nila sa akin, ang ginawa ko sa kanila.”

12 Sinabi nila kay Samson, “Bumaba kami para talian ka at ipaubaya ka sa kapangyarihan ng mga Palestina.” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ipangako ninyo sa akin na hindi ninyo ako papatayin.”

13 Sinabi nila sa kaniya, “Hindi, tatalian ka lang namin sa pamamagitan ng mga lubid at ibibigay sa kanila. Ipinapangako namin na hindi ka namin papatayin.” Pagkatapos siya ay tinalian nila sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid at dinala paakyat mula sa bato.

14 Nang makarating siya sa Lehi, nagsisigawang papalapit ang mga Palistana ng makita siya. Pagkatapos pumasok ang Espiritu ni Yahweh sa kaniya ng may kapangyarihan. Ang mga lubid na nasa kaniyang mga braso ay naging katulad ng nasunog na lino at bumagsak ang mga ito sa kaniyang mga kamay. 15 Nakakita si Samsom ng isang sariwang panga ng isang asno, pinulot niya ito at pinatay ang isang libong kalalakihan sa pamamagitan nito. 16 Sinabi ni Samson, “Sa pamamagitan ng panga ng isang asno, mga tambak sa ibabaw ng mga tambak, sa pamamagitan ng isang panga ng asno pinatay ko ang isang libong kalalakihan.”

17 Nang matapos magsalita si Samson, itinapon niya ang panga ng asno at tinawag niya ang lugar na ito na Ramat-Lehi.

18 Uhaw na uhaw si Samson at tumawag kay Yahweh at sinabing, “Ibinigay mo itong dakilang tagumpay sa iyong lingkod, pero ngayon mamamatay ako sa pagka-uhaw at babagsak sa mga kamay ng mga hindi tuli?”

19 At biniyak ng Diyos ang hukay sa lugar iyon ng Lehi at lumabas ang tubig. Pagkatapos niyang uminom, nanumbalik ang kaniyang lakas at sumigla siya. Kaya tinawag niyang En Hakkore ang lugar na iyon, at ito ay nasa Lehi sa araw na ito.

Isinugo ang Isang Propeta kay Eli 1117 B.C.

1 Samuel 2:22–36

22 Ngayon napakatanda na ni Eli; narinig niya ang lahat ng ginagawa ng kanyang mga anak na lalaki sa buong Israel, at kung paano nila sinipingan ang mga kababaihan na naglilingkod sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.

23 Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginawa ang ganoong mga bagay? Sapagka't narinig ko ang inyong mga masamang gawa mula sa lahat ng mga taong ito.” 24 Hindi, mga anak ko; sapagka't hindi magandang balita ang aking naririnig. Dinulot ninyong sumuway ang mga tao ni Yahweh. 25 “Kung magkakasala ang isang tao laban sa iba, hahatulan siya ng Diyos; ngunit kung magkakasala ang isang tao laban kay Yahweh, sino ang magsasalita para sa kanya?” Ngunit ayaw nilang makinig sa boses ng kanilang ama, dahil nilalayon ni Yahweh na patayin sila.

26 Lumaki ang batang si Samuel, at kinalugdan ni Yahweh at ng mga kalalakihan.

27 Ngayon dumating ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Hindi ko ba inihayag ang aking sarili sa bahay ng iyong ninuno, nang naroon sila sa Ehipto sa pagkakaalipin sa bahay ni Paraon? 28 Pinili ko siya mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging aking pari, para umakyat sa aking altar, at para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang epod sa aking harapan. Ibinigay ko sa bahay ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga tao ng Israel na ginawa sa apoy.

29 Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?'

30 Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.

31 Tingnan mo, paparating na ang mga araw na puputulin ko ang iyong lakas at ang lakas ng bahay ng iyong ama, upang wala ng sinumang matandang lalaki sa iyong bahay. 32 Makikita mo ang pagdadalamhati sa lugar kung saan ako naninirahan. Kahit na ibibigay ang kabutihan sa Israel, wala nang sinumang matandang lalaki sa iyong bahay. 33 Sinuman sa inyo na hindi ko puputulin mula sa aking altar, idudulot kong lumabo ang inyong mga mata, at magdudulot ako ng kapighatian para sa inyong buhay. Mamamatay ang lahat ng kalalakihang ipapanganak sa inyong pamilya.

34 Ito ang magiging palatandaan para sa iyo na darating sa iyong dalawang anak na lalaki, kay Hofni at Pinehas: Mamamatay silang dalawa sa parehong araw.

35 Magtataas ako para sa aking sarili ng isang tapat na pari na gagawa kung ano ang nasa aking puso at nasa aking kaluluwa. Gagawan ko siya ng isang tiyak na bahay; at lalakad siya sa harapan ng aking hinirang na hari magpakailanman.

36 Paparoon ang bawat isa na naiwan sa iyong bahay at yuyukod sa taong iyon, hihingi para sa isang pirasong ng pilak at isang putol ng tinapay, at magsasabing, “Pakiusap italaga mo ako sa isa sa mga tungkulin ng pari upang makakain ako ng piraso ng tinapay.'''''