Inulit ni Moises ang Batas sa mga Seremonya (continued)

1451 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Deuteronomio 15:1–17:1

1 Sa katapusan ng bawat pitong taon, dapat ninyong kanselahin ang mga utang. 2 Ito ang paraan ng pagpapalaya: ang lahat ng nagpapautang ay kanselahin ang alinmang pinautang sa kaniyang kapitbahay o kaniyang kapatid; hindi na niya ito hihigin dahil ang pagkakansela ni Yahweh ng mga utang ay nahayag na. 3 Maaari ninyong hingin ito mula sa isang dayuhan; pero anuman ang nasa inyong kapatid na inyong pag-aari ay dapat ng bitawan ng inyong kamay.

4 Ganoon pa man, wala dapat sa inyo ang mahirap (sapagkat tiyak na pagpapalain kayo ni Yahweh sa lupain na ibibigay niya sa inyo bilang isang pamana para angkinin), 5 kung masigasig lamang kayong makinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng mga kautusan na ito na aking sinasabi sa inyo sa araw na ito. 6 Pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos, ayon sa ipinangako niya sa inyo; magpapautang kayo sa maraming mga bansa, pero hindi kayo hihiram; mamumuno kayo sa maraming mga bansa, pero hindi nila kayo pamumunuan.

7 Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid; 8 pero dapat ninyong tiyakin na bukas ang inyong kamay sa kaniya at tiyaking pautangin siya ng sapat para sa kaniyang kailangan.

9 Mag-ingat kayo sa pagkakaroon ng isang masamang pag-iisip sa inyong puso, sa pagsasabing, 'Ang ikapitong taon, ang taon ng pagpapalaya, ay malapit na,' para hindi kayo maging maramot patungkol sa mahirap ninyong kapatid at walang maibigay sa kaniya; baka siya ay umiyak kay Yahweh tungkol sa inyo, at maging kasalanan ito para sa inyo.

10 Dapat ninyong tiyaking magbigay sa kaniya, at hindi dapat magdamdam ang inyong puso kapag magbibigay sa kaniya, dahil ang kapalit nito ay pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gawain at sa lahat ng paglalagyan ng inyong kamay. 11 Dahil hindi kailanman mawawala ang mahihirap sa lupain; kaya sinasabi ko ito sa inyo, 'Dapat ninyong tiyaking bukas ang inyong kamay sa inyong kapatid, sa mga nangangailangan sa inyo, at sa mga mahihirap sa inyong lupain.'

12 Kung ang inyong kapatid, ay isang Hebreong lalaki, o isang Hebreong babae, ay binenta sa inyo at pinaglingkuran kayo nang anim na taon, kung gayon sa ikapitong taon dapat ninyo siyang palayain.

13 Kapag hinayaan ninyo siyang makalaya, huwag ninyo dapat siyang hayaan na makaalis na walang dala. 14 Dapat magbigay kayo ng masagana sa kaniya mula sa inyong kawan, mula sa inyong giikan ng palapag, at mula sa inyong pigaan ng ubas. Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos, dapat kayong magbigay sa kaniya. 15 Dapat ninyong alalahanin na kayo ay mga alipin sa lupain ng Ehipto, at si Yahweh na inyong Diyos ang tumubos sa inyo; kaya sinasabi ko sa inyo ngayon na gawin ito.

16 Mangyayari ito kung sinabi niya sa inyo, 'hindi ako lalayo sa inyo; dahil minamahal niya kayo at ang inyong tahanan, at dahil siya ay nasa mabuting kalagayan kasama ninyo, 17 kung gayon dapat kayong kumuha ng isang pambutas at itusok ito sa kaniyang tainga sa isang pintuan, at siya ay magiging lingkod ninyo habang buhay. At gagawin rin ninyo ito sa inyong aliping babae.

18 Hindi dapat maging mahirap para sa inyo na siya ay palayain mula sa inyo, dahil pinagsilbihan niya kayo ng anim na taon at binigyan ng dobleng halaga ang inupahang tao. Pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gagawin.

19 Dapat ninyong ihandog kay Yahweh na inyong Diyos ang lahat ng mga panganay na lalaki sa inyong mga alagang hayop at sa inyong kawan; hindi kayo magtatrabaho gamit ang inyong panganay na alagang hayop, ni gupitan ang panganay sa inyong kawan. 20 Dapat ninyong kainin ang panganay na lalaki sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos taon-taon sa lugar na pipiliin ni Yahweh, kayo at ng inyong sambahayan.

21 Kung ito ay may anumang kapintasan—halimbawa, kung ito ay pilay o bulag, o mayroon kahit anong kapintasan—hindi ninyo dapat ito ialay kay Yahweh na inyong Diyos. 22 Kakainin ninyo ito sa loob ng inyong mga tarangkahan; dapat itong kainin ng taong marumi at malinis, tulad ng pagkain ninyo sa isang gasel o isang usa. 23 Huwag ninyo kainin ang dugo nito; kailangan ninyong ibuhos ang dugo nito sa lupa tulad ng tubig.

16:1 Tandaan ang buwan ng Abib, at panatilihin ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos, sapagka't sa buwan ng Abib dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos palabas ng Ehipto sa gabi.

2 Iaalay ninyo ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos gamit ang ilan sa mga kawan at mga alagang hayop sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo. 3 Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito; pitong araw kakain kayo ng tinapay na walang lebadura kasama nito, ang tinapay ng dalamhati; dahil mabilis kayong lumabas mula sa lupain ng Ehipto. Gawin ninyo ito sa lahat ng araw ng inyong buhay para inyong maisip ang araw na kayo ay nakalabas mula sa lupain ng Ehipto.

4 Dapat walang makitang lebadura sa inyo sa bawat hangganan sa ikapitong araw; ni kahit anong karne na inyong ialay sa gabi sa unang araw na manatili hanggang umaga.

5 Hindi ninyo maaaring ialay ang Paskua sa loob ng alin man sa inyong mga tarangkahan ng inyong lungsod na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos. 6 Sa halip, mag-alay sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo. Doon ninyo isasagawa ang pag-aalay ng paskua sa gabi at sa paglubog ng araw, sa panahon ng taon na kayo ay nakalabas ng Ehipto. 7 Dapat ninyo itong ihawin at kainin sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos; kinaumagahan kayo ay babalik at pupunta sa inyong mga tolda.

8 Sa loob ng anim na araw kayo ay kakain ng tinapay na walang lebadura; sa ika pitong araw magkaroon ng isang taimtim na pagtitipon para kay Yahweh na inyong Diyos; sa araw na iyon hindi kayo dapat magtrabaho.

9 Bibilang kayo ng pitong linggo para sa inyong sarili; dapat ninyong simulan ang pagbibilang ng pitong linggo sa oras na inyong simulang ilagay ang karit sa nakatayong butil. 10 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Linggo para kay Yahweh na inyong Diyos kasama ang inyong ambag para sa kusang-loob na handog mula sa iyong kamay na inyong ibibigay, ayon sa pagpapala sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. 11 Kayo ay magsasaya sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita na nasa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod, at ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga balo na nasasakupan ninyo, doon sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos para sa kaniyang santuwaryo.

12 Isaisip ninyo na kayo ay naging isang alipin sa Ehipto; Dapat ninyong sundin at gawin ang mga batas na ito.

13 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Kanlungan ng pitong araw matapos ninyong malikom ang ani mula sa inyong giikang palapag at mula sa pigaan ng ubas. 14 Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.

15 Sa loob ng pitong araw dapat ninyong sundin ang Pista para kay Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh, dahil pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong ani at sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay, at dapat kayo ay lubusang masiyahan.

16 Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng inyong kalalakihan ay dapat magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Lebadura, sa Pista ng mga Linggo, at sa Pista ng mga Kanlungan; at hindi sila makikita sa harapan ni Yahweh na walang dala; 17 sa halip, ang bawat tao ay magbibigay ayon sa kaniyang kakayahan, para malaman ninyo ang pagpapalang ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

18 Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol.

19 Hindi ninyo dapat pilitin ang katarungan; hindi dapat kayo magpakita ng pagpanig ni kumuha ng suhol, dahil ang isang suhol ay bumubulag sa mga mata ng matalino at sumisira sa mga salita ng matuwid.

20 Dapat ninyong sundin ang katarungan, sa katarungan lamang, para kayo ay maaaring mamuhay at manahin ang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

21 Dapat hindi kayo magtayo para sa iyong mga sarili ng isang Asera, anumang uri ng baras, katabi ng altar ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gagawin para sa inyong sarili. 22 Ni magtayo kayo para sa inyong sarili ng anumang banal na batong haligi, na kinasusuklaman ni Yahweh na inyong Diyos.

17:1 Hindi kayong dapat maghandog kay Yahweh na inyong Diyos ng isang baka o tupa na may kapintasan o kapansanan dahil kasuklam-suklam iyon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos.