Ipinadala ang Maaapoy na Ahas

1452 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Mga Bilang 21:4–9

4 Naglakbay sila mula sa Bundok ng Hor sa daan ng Dagat ng mga Tambo upang lumiko sa lupain ng Edom. 5 Lubos na napanghinaan ng loob sa paglalakbay ang mga tao. Nagsalita ang mga tao laban sa Diyos at kay Moises: “Bakit mo kami pinalabas sa Ehipto upang mamatay sa ilang? Walang tinapay, walang tubig, at ayaw namin ang nakakasawang pagkaing ito.”

6 At nagpadala si Yahweh ng mga makamandag na ahas sa mga tao. Tinuklaw ng mga ahas ang mga tao; maraming tao ang namatay.

7 Lumapit ang mga tao kay Moises at sinabin, “Nagkasala kami dahil nagsalita kami laban kay Yahweh at sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh upang ilayo niya ang mga ahas mula sa amin.” Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.

8 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumawa ka ng isang ahas at ikabit mo ito sa isang poste. At mangyayari na ang bawat isang natuklaw ay makaliligtas, kung titingnan niya ito.” 9 Kaya gumawa si Moises ng isang tansong ahas at ikinabit ito sa isang poste. Kapag natuklaw ng isang ahas ang sinumang tao, kung titingin siya sa tansong ahas, makaliligtas siya.

Ikatatlumpu't Limang Paglalakbay: Mula Zalmona hanggang Punon

Mga Bilang 33:42

42 Naglakbay sila mula sa Zalmona at nagkampo sa Punon.

Ikatatlumpu't Anim na Paglalakbay: Mula Punon hanggang Obot

Mga Bilang 33:43

43 Naglakbay sila mula sa Punon at nagkampo sa Obot.

Mga Bilang 21:10

10 PAt nagpatuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay at nagkampo sila sa Obot.

Ikatatlumpu't Pitong Paglalakbay: Mula Obot hanggang Lye Abarim

Mga Bilang 33:44

44 Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sa Iye Abarim, sa hangganan ng Moab.

Mga Bilang 21:11

11 Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sila sa Lye Abarim sa ilang na nakaharap sa Moab sa dakong silangan.

Ikatatlumpu't Walong Paglalakbay: Mula Lye Abarim hanggang Dibon Gad 1451 B.C.

Ikatatlumpu't walong paglalakbay: mula Lye Abarim, o Iye Abarim, hanggang Dibon Gad.

Mga Bilang 33:45

45 Naglakbay sila mula sa Iye Abarim at nagkampo sa Dibon Gad.

Mga Bilang 21:12–18

12 Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa lambak ng Zered. 13 Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa kabilang bahagi ng Ilog Arnon, na nasa ilang na lpatungo sa hangganan ng mga Amoreo. Ang Ilog Arnon ang nagsisilbing hangganan ng Moab, sa pagitan ng Moab at ng mga Amoreo. 14 Kaya nga sinasabi sa kasulatang binalumbon ng Mga Digmaan ni Yahweh, “Waheb sa Sufa, at ang mga lambak ng Arnon, 15 ang libis ng mga lambak na patungo sa bayan ng Ar at pababa patungo sa hangganan ng Moab.”

16 Mula roon naglakbay sila patungo sa Beer, na kung saan ay naroon ang balon na sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sama-sama mong tipunin ang mga tao upang bigyan ko sila ng tubig.” 17 At inawit ng Israel ang awiting ito: “Bumukal ka, balon. Awitin ang tungkol dito. 18 Ang balong hinukay ng ating mga pinuno, ang balong hinukay ng mga taong marangal sa pamamagitan ng setro at kanilang mga baston.” Pagkatapos mula sa ilang naglakbay sila patungong Matana.

Ang Pagkatalo ni Sihon, Hari ng mga Amoreo

Mga Bilang 21:21–32

21 Pagkatapos, nagpadala ang Israel ng mga mensahero kay Sihon na hari ng mga Amoreo na nagsasabi, 22 “Hayaan mo kaming dumaan sa iyong lupain. Hindi kami liliko sa anumang bukirin o ubasan. Hindi kami iinom ng tubig mula sa iyong mga balon. Maglalakbay kami sa pamamagitan ng maluwang na daanan ng hari hanggang makatawid kami sa kanilang hangganan.”

23 Ngunit hindi pinayagan ni Haring Sihon ang Israel na dumaan sa kanilang hangganan. Sa halip, sama-samang tinipon ni Sihon ang lahat ng kaniyang hukbo at sinalakay ang Israel sa ilang. Nakarating siya sa Jahaz, kung saan nakipaglaban siya sa Israel. 24 Sinalakay ng Israel ang hukbo ni Sihon sa pamamagitan ng talim ng espada at kinuha nila ang lupain mula sa Arnon patungong ilog ng Jabok, hanggang sa lupain ng mga tao ng Ammon. Ngayon ay pinatibay ang hangganan ng mga tao ng Ammon.

25 Kinuha ng Israel ang lahat ng mga lungsod ng Amoreo at tinirhan nilang lahat, kasama ang Hesbon at lahat ng mga nayon nito. 26 Ang Hesbon ay ang lungsod ni haring Sihon ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa dating hari ng Moab. Kinuha ni Sihon ang lahat ng kaniyang lupain mula sa kaniyang sinasakupan hanggang sa Ilog Arnon. 27 Kaya sinabi ng mga nagsalita sa kawikaan, “Pumunta kayo sa Hesbon. Hayaan ninyo ang lungsod ng Sihon na muling maitayo at maitatag. 28 Isang apoy na umaalab mula sa Hesbon, isang ningas ng apoy mula sa lungsod ng Sihon na lumamon sa Ar ng Moab, at mga nagmamay-ari ng mga burol sa tabi ng Arnon. 29 Aba sa iyo, Moab! Napuksa ka, mga tao ng Cemos. Pinabihag niya ang kaniyang mga anak na lalaki at pinabilanggo niya ang kaniyang mga anak na babae kay Sihon na hari ng mga Amoreo. 30 Ngunit nasakop namin si Sihon. Nawasak ang Hesbon hanggang sa Dibon. Tinalo namin sila hanggang sa dulo ng Nofa, na umaabot sa Medeba.”

31 Kaya nagsimulang manirahan ang Israel sa lupain ng mga Amoreo. 32 At ipinadala ni Moises ang mga lalaki upang tingnan ang Jazer. Kinuha nila ang mga nayon nito at pinaalis ang mga Amoreong naroon.

Ang Pagkatalo ni Og, Hari ng Bashan

Mga Bilang 21:33–35

33 Pagkatapos tumalikod sila at umakyat sa daan ng Bashan. Lumabas si Og na hari ng Bashan laban sa kanila, siya at ang lahat niyang hukbo, upang labanan sila sa Edrei.

34 Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Huwag kang matakot sa kaniya, dahil binigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya, lahat ng kaniyang hukbo at ng kaniyang lupain. Gawin ninyo sa kaniya ang tulad ng ginawa ninyo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon.”

35 Kaya pinatay nila siya, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang hukbo, hanggang walang natirang buhay sa kaniyang mga tao. Pagkatapos, kinuha nila ang kaniyang lupain.

Ikatatlumpu't Siyam na Paglalakbay: Mula Dibon Gad hanggang Almon Diblataim

Mga Bilang 33:46

46 Naglakbay sila mula sa Dibon Gad at nagkampo sa Almon Diblataim.

Ikaapatnapung Paglalakbay: Patungo sa Kabundukan ng Abarim

Ikaapatnapung paglalakbay: mula Almon Diblataim hanggang sa kabundukan ng Abarim.

Mga Bilang 33:47

47 Naglakbay sila mula sa Almon Diblataim at nagkampo sa kabundukan ng Abarim, salungat ng Nebo.

Mga Bilang 21:19–20

19 Mula sa Matana naglakbay sila patungong Nahaliel, at mula sa Nahaliel patungong Bamot, 20 at mula sa Bamot patungo sa isang lambak sa lupain ng Moab. Iyon ay kung saan ang tuktok ng Bundok Pisga na natatanaw sa ilang.

Ikaapatnapu't Isang Paglalakbay: Mula Abarim hanggang sa Kapatagan ng Moab

Ikaapatnapu't isang paglalakbay: mula Abarim hanggang sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan.

Mga Bilang 33:48

48 Naglakbay sila mula sa mga kabundukan ng Abarim at nagkampo sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.