Bahagi 4: Mga Pangyayari sa Babilonia Hanggang sa Pagbabalik

Mga pangyayari sa Babilonia, mula sa pagkawasak ng Jerusalem hanggang sa pagbabalik mula sa pagkabihag.

Nabalitaan ni Ezekiel ang Pagbagsak ng Jerusalem

Nang mabalitaan ni Ezekiel ang pagkawasak ng Jerusalem, inihula niya ang lubusang pagkatiwangwang ng Judea at ang mga paghatol ng Diyos sa mga nakapaligid na bansang kaaway ng mga Judio.

587 B.C.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB)

Ezekiel 33:21–33

21 Nangyari ito sa ikalabindalawang taon, sa ikalimang araw sa ikasampung buwan ng ating pagkabihag, isang pugante ang dumating sa akin mula sa Jerusalem at sinabi, “Nabihag na ang lungsod!”

22 Nasa akin na ang kamay ni Yahweh sa gabi bago dumating ang pugante, at nabuksan ang aking bibig sa pagkakataon na dumating siya sa akin ng madaling araw. Kaya nabuksan ang aking bibig at nakakapagsalita na ako/hindi na ako pipi!

23 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi, 24 “Anak ng tao, nagsasalita at nagsasabi ang mga naninirahan sa lugar ng pagkawasak sa lupain ng Israel ay nagsasalita at sinasabi, 'Nag-iisang tao lamang si Abraham, at minana niya ang lupain, ngunit marami tayo! Ang lupain ay ibinigay na sa atin bilang isang ari-arian.'

25 Kaya nga sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Kumain kayo ng dugo at ibinaling ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diyus-diyosan at ibinuhos ninyo ang dugo ng mga tao. Dapat ba ninyong ariin ang lupain? 26 Nagtiwala kayo sa inyong mga espada at gumawa ng kasuklam-suklam na mga bagay. Dinudungisan ng bawat lalaki ang asawang babae ng kanilang kapwa. Dapat ba ninyong ariin ang lupain?'

27 Maaari mong sabihin ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Habang buhay ako, siguradong ang mga nasa wasak na lungsod ay babagsak sa pamamagitan ng espada at ibibigay ko ang mga nasa parang sa mga nilalang na nabubuhay bilang pagkain at sa mga nasa tanggulan at mga kuweba ay mamamatay sa mga salot. 28 At gagawin kong isang malagim at isang katakot-takot ang lupain at matatapos ang pagmamataas nito, At magiging napabayaan ang mga kabundukan ng Israel, at walang sinuman ang dadaan sa mga ito. 29 Kaya malalaman nila na ako si Yahweh, kapag gagawin kong isang malagim ang lupain at katakot-takot dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na kanilang ginawa.

30 At ikaw, anak ng tao—nagsasabi ang iyong mga tao ng mga bagay tungkol sa iyo sa tabi ng mga pader at sa mga tarangkahan ng mga tahanan, at nagsasabi ang isa—sa bawat lalaki sa kapatid niyang lalaki, 'Pumaroon tayo at makinig sa salita ng propeta na mula kay Yahweh!'

31 Kaya pupunta ang aking mga tao sa iyo gaya ng madalas nilang ginagawa, at uupo sa iyong harapan at makikinig sa iyong mga salita, ngunit hindi nila ito susundin. Nasa kanilang mga bibig ang mga mabubuting salita ngunit sa kanilang mga puso, naghahangad sila ng hindi makatarungang pakinabang. 32 Sapagkat ikaw ay parang isang kaibig-ibig na awitin sa kanila, isang magandang tunog na maayos na tinutugtog sa isang instrumentong may kuwerdas, kaya makikinig sila sa iyong mga salita ngunit wala sa kanila ang susunod nito. 33 Kaya kapag mangyayari ang lahat ng ito—masdan! mangyayari ito! at malalaman nila na may isang propeta na kasama nila.”

Ezekiel 25

1 Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabing, 2 “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha laban sa mga tao ng Ammon at magpropesiya ka laban sa kanila. 3 Sabihin mo sa mga mamamayan ng Ammon, 'Pakingggan ang salita ng Panginoong Yahweh. Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sinabi ninyo, “Aha” laban sa aking santuwaryo nang lapastanganin ito, at laban sa lupain ng Israel nang pinabayaan ito, at laban sa sambahayan ng Juda nang sila ay dalhing bihag. 4 Kaya masdan ninyo! ibibigay ko kayo sa mga tao sa silangan bilang kanilang mga pag-aari; maghahanda sila ng mga kampamento laban sa inyo at gagawa ng mga tolda sa inyo. Kakainin nila ang inyong prutas, at iinumin nila ang inyong mga gatas! 5 At gagawin kong isang pastulan si Rabba ng mga kamelyo at ang mga mamamayan ng Ammon ay isang pastulan ng mga tupa, kaya inyong malalaman na ako si Yahweh!

6 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ipinalakpak ninyo ang inyong mga kamay at ipinadyak ang inyong mga paa, at nagalak sa lahat ng mga paghamak sa inyo laban sa lupain ng Israel. 7 Kaya masdan ninyo! Hahampasin ko kayo ng aking kamay at ibibigay ko kayo bilang mga samsam sa mga bansa. Ihihiwalay ko kayo mula sa mga tao at kayo lamang ang pupuksain mula sa maraming mga bansa! Wawasakin ko kayo, at inyong malalaman na ako si Yahweh!'

8 Ito ang sinasabi ng Panginoon Yahweh, 'Dahil sinasabi ng Moab at Seir, “Masdan ninyo! Ang sambahayan ni Juda ay tulad ng ibang mga bansa!” 9 Kaya nga masdan ninyo! bubuksan ko ang libis ng Moab, simula sa mga hangganan ng kaniyang mga lunsod— Ang karangyaan ng Beth-jesimot, Baal-meon, at 10 Kiryataim—Sa mga tao ng silangan na laban sa mga tao ng Ammon. Ibibigay ko sila na parang isang pag-aari kaya hindi na maaalala pa ang mga mamamayan ng Ammon sa mga bansa. 11 Kaya magsasagawa ako ng mga kahatulan laban sa Moab, at kanilang malalaman na ako si Yahweh!'

12 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Maghihiganti ang Edom laban sa sambahayan ng Juda at sa nakagawa rin ng pagkakamali na gawin ito. 13 Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hahampasin ko ang Edom ng aking kamay at wawasakin ang bawat tao at hayop doon. Gagawin ko silang isang sira, iniwang lugar, mula sa Teman at Dedan. Sila ay mahuhulog sa pamamagitan ng mga espada! 14 Sa ganitong pamamaraan maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng kamay ng aking mamamayang Israel, at gagawin nila sa Edom ang ayon sa aking poot at matinding galit! Kaya malalaman nila ang aking paghihiganti! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'

15 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'naghiganti ang mga Filisteo ng may masamang hangarin at mula sa kanilang mga sarili paulit-ulit nilang sinubukang wasakin ang Juda. 16 Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan ninyo! Iaabot ko ang aking kamay laban sa mga Filisteo, at ihihiwalay ko ang mga taga-Creta at wawasakin ang mga nalabi na nasa gilid ng baybayin ng dagat! 17 Maghihiganti ako ng labis sa kanila na may matinding galit ng kaparusahan, kaya malalaman nila na ako si Yahweh, kapag isinagawa ko ang paghihiganti sa kanila!”